. . . ⇢ 14 ˎˊ˗

215 11 15
                                    

"tangina jongseong ayusin mo naman, mukha kang patong nagt-twerk." naiiling na komento ni heeseung.

"ikaw kaya mag-twerk dito 'no?" sagot ni jay pero dinilaan lang siya ni heeseung at tumawa.

naglalaro ng dare ang mga boys at na-dare si jay na mag-twerk kaya ngayon nagrereklamo si heeseung kasi hindi daw maganda habang ang iba ay naiiling lang na natatawa sa ginagawa ni jay.

kasalukuyan silang nasa tabi ng dagat. nakapwesto na ang kani-kanilang air bed at mga unan, may kumot din syempre. nakapalibot ito paikot habang nasa gitna ang bonfire. hindi na rin sila nagtayo pa ng tent, hayaan na lang daw na magpagulong-gulong ang iba sa buhanginan kung sakaling malikot sila matulog.

"yaaaa! nasaan na 'yung marshmallows?" tanong ni joy kay julie.

"ewan ko, mukha ba 'kong hanapan ng nawawalang marshmallows?" pamimilosopo nito dahilan para mahampas siya ni joy.

"ghad, wala din pala tayong dalang karne!" napatingin sila doon nang biglang sumigaw si francine.

"ha? eh anong laman ng ice bucket na 'yan?"

ipinakita ni francine ang laman ng ice bucket at doon ay nakita nila ang madaming ice cubes at beers..? napakunot ang noo ni julie habang si joy ay lumapit kay jay para sabihin ang about dito.

"bakit may beers sa ice bucket?" taas kilay nitong tanong kay jay.

natigilan si jay at napakamot na lang sa ulo. "uhm.. para mag-inom?"

"jay!"

"no, no, no, let me explain. inom lang naman 'yon for fun, hindi naman kami magpapakalasing ng sobra." paliwanag ni jay.

napanguso si joy at saka napangisi. "okay then! basta iinom din ako—"

"nope! 'yan ang bawal at walang girls na iinom. saka doon sa isang ice bucket may grape at apple juice, iyon ang inumin niyo." pag-alma ni jay.

aalma pa sana si joy pero natigilan ito nang bigla siyang halikan ni jay sa labi. napatulala si joy at lumitaw ang pagkapula ng magkabilang pisngi nito dahilan para mapangisi si jay.

"cutie, basta walang iinom ng beers. okie?"

akala ni jay tatango si joy at aaktong cute after ng ginawa niya pero nang makabalik si joy sa sarili niya ay agad niya itong hinampas at saka inirapan bago tuluyang naglakad palayo kay jay na tatawa-tawa lang.

"ano daw?" salubong ni francine kay joy na nakanguso lang.

"sila lang ang iinom, bawal ang girls." sagot ni joy.

napangisi naman si julie. "sorry, i don't give a fvck. iinom ako kahit ayaw nila." sambit nito dahilan para gulat na mapatingin ang dalawa sa kanya.

"what are you guys talking about?"

"may narinig akong inom, mag-iinom ba tayo?"

napatingin sila joy, julie at francine kila cyril at charlotte na kakarating lang. may dala si cyril na isang pack ng malalaking white marshmallow habang si charlotte ay may kinakaing ice cream.

"gusto uminom ni joy pero pinagbawalan siya ni jay. si julie naman gumagawa ng sarili niyang rules kahit sinabing bawal tayong uminom, lol." sagot ni francine at natawa pa.

"bawal tayo pero ang boys pwede?" tanong ni charlotte na ikinatango ni joy.

"well, that's unfair. i want—"

"no." pinutol ni julie ang sinasabi ni cyril dahilan para mapanguso ang dalaga. "you're still a baby, cy. hindi ka mag-iinom at ikaw rin fran." baling nito kay francine.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon