. . . ⇢ 63 ˎˊ˗

181 14 11
                                    

sa dalawang buwan na nakalipas ay maraming nangyari sa buhay ng magtotropa. maraming nangyaring hindi maganda pero kahit papano may isa silang kaibigan na naiiwan na handa silang samahan sa kanilang mga drama sa buhay.

"told you, 'wag mo na 'ko hintayin mamaya. mauna ka na sa cafeteria." saad ni danica sa kausap niya mula sa kabilang linya.

"yah! hindi pwede, gusto ko sabay tayo!"

danica chuckled softly. si sunoo ang kausap niya na ngayon ay nagmamaktol at kahit hindi nakikita ni danica ang binata ay alam niyang nakanguso ito ngayon.

cute.

sa nakalipas na dalawang buwan, naging okay na sila sunoo at danica. mas lalo silang naging komportable sa isa't-isa at masasabi ni danica na napaka clingy ni sunoo sa kanya which is hindi naman niya na pinapansin at hinahayaan na lang ang binata sa gusto nito.

at hindi niya man aminin ay sinisimulan niya na hangaan muli ang binata. pero sa atin na lang muna 'yon. soon, masasabi rin ni danica ang nararamdaman niya para kay sunoo.

"sunoo, susundin mo 'ko o hindi ako sasabay sa'yo?"

ito ang palaging panakot ni danica kay sunoo sa tuwing pinipilit nito na hintayin siya sa labas ng room tuwing lunch time. hindi dahil sa ayaw niya, talagang ayaw niya lang na magpagod pa si sunoo na umakyat ng ilang floor para lang puntahan siya.

"fine."

natawa si danica nang sabihin 'yon ni sunoo. halata kasing labag sa loob ang pagpayag nito sa gusto niya. pero mas maganda na 'yon kaysa magpagod pa si sunoo para lang hintayin siya.

paalis pa lang si danica ng dorm nila para pumasok sa first subject niya. oo, papasok pa lang siya pero tungkol na agad sa lunch time ang topic nila ni sunoo. halatang excited makasama ang isa't-isa kahit araw-araw naman silang magkasama.

matapos ayusin ni danica ang ribbon niya sa ulo ay naglakad na siya papunta sa pintuan. akmang bubuksan niya na 'yon nang kusa 'yong magbukas at iluwa si joy, ang roommate niyang almost 2 months niya na ring hindi nakikita.

gulat na napatingin si danica kay joy pero malungkot lang na ngumiti si joy at pumasok sa loob. saglit na natigilan si danica at nag-isip kung dapat na ba siyang umalis para pumasok o puntahan si joy.

sa huli, pinili niyang puntahan si joy at isinarado ang pinto. aware siyang may iilang minuto na lang bago magsimula ang first subject nila pero gusto niyang makausap si joy at kamustahin ito.

"joy.."

napa-angat ng tingin si joy na ngayon ay nakaupo sa kama niya. naglakad palapit si danica at umupo sa kama niyang katapat lang ng kama ni joy. muli niyang pinagmasdan si joy at hindi maiwasang maawa.

minsan na din kasing nakwento ni sunoo ang tungkol kay joy at jay. ito din kasi ang dahilan kung bakit halos dalawang buwan na hindi pumapasok si joy, kahit si jay ay hindi din pumapasok dahil nga nasa ibang lugar ito— hanggang ngayon.

"w-w-we broke up.."

kusa 'yong lumabas sa bibig ni joy at napansin ni danica ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni joy. gusto niya i-comfort ang dalaga pero hindi niya alam kung papano kaya nakinig na lang siya.

"w-wala na.. nasayang yung pinagsamahan namin." muling pananalita ni joy.

tumayo si danica at umupo sa tabi ni joy, niyakap niya ito mula sa tagiliran at kasabay non ang paghikbi ng malakas ni joy. hindi sila close ni joy kahit roommates sila pero gusto lang iparamdam ni danica na hindi nag-iisa si joy.

-♡️-

malapad ang ngiting suot ni joy nang makita niya si jay na nakatayo habang pinagmamasdan ang bay sa kanyang unahan. hindi na nagdalawang-isip si joy at agad niyakap si jay mula sa likuran.

nagulat si jay pero hindi siya humiwalay. kahit hindi niya alamin kung sino ang yumakap sa kanya ay mismong tibok na ng puso niya ang nagsasabi kung sino ito.

at imbis na humiwalay, kinuha niya ang kamay ni joy na nakapulupot sa kanyang bewang at mahigpit 'yong hinawakan na tila ba ayaw niya na pakawalan si joy.

"i missed you.."

"i missed you too, dragon ko."

napangiti si joy sa sinabi ni jay at dahan-dahan humiwalay mula sa pagkakayakap kay jay. hinarap niya ito at doon nagtama ang mga mata nilang punong-puno ng kalungkutan at pangungulila sa isa't-isa.

bago pa makapagsalita ulit si joy ay agad na siyang kinulong ni jay sa mga bisig nito. niyakap niya din ang binata pabalik at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

matagal silang nanatili sa ganung sitwasyon, pinapakiramdaman ang tibok ng puso ng bawat isa. mga tibok ng puso na nagsasabi kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

"joy.."

"hmm?"

"tama bang nagkita pa tayo ulit?"

dahil doon ay kunot noong humiwalay si joy mula sa bisig ni jay at tiningnan ito ng may pagtataka. "w-what do you mean?"

jay heaved a deep breath. "you know what i mean, joy. itigil na natin ang pagsasawalang-bahala kasi kahit anong gawin natin hindi na natin mababago ang katotohanan."

"s-so?" sinubukan ni joy na pigilan ang pag-crack ng kanyang boses.

nakatitig lang siya sa mga mata ni jay at naghihintay sa susunod nitong sasabihin. kinakabahan siya at nararamdaman niya ang unti-unting paninikip ng kanyang dibdib dahil anumang sandali ay maririnig niya na ang salitang ayaw niyang marinig mula kay jay.

hindi pa siya handa.

"i-i think mas better kung itigil na natin 'to." nanlambot si joy nang sabihin 'yon ni jay at parang sinaksak ng ilang libong kutsilyo sa sunod nitong sinabi.

"let's end this and forget everything."

mabilis na umiling si joy at muling niyakap si jay ng mahigpit. "i can't."

"joy, wala na tayong magagawa. magkakasala lang tayo kung ipagpapatuloy natin ang bawal. m-magkapatid tayo.. hindi dapat tayo maging ganito sa isa't-isa."

doon ay parang binuhusan si joy ng malamig na tubig. doon niya lang naalala ang tungkol sa pagiging magkapatid nila at kusang napalayo kay jay, tumingin sa mga mata nitong punong-puno na din ng luha.

ngumiti si jay pero hindi 'yon umabot sa kanyang mga mata at saka dahan-dahang tumalikod. doon, natapos ang relasyon nila habang naiwan si joy na patuloy ang pag-iyak.

walang katapusang pag-iyak.

-♡️-

sunoo
@brightsunoo

sunoo
hindi ka daw pumasok ng morning class mo? hala, may masama bang nangyari?

nica
dw walang masamang nangyari

nica
bigla lang dumating si joy kanina kaya sinamahan ko muna siya

sunoo
NANDIYAN NA SI JOY?!!!

nica
yes, but she's still crying

sunoo
pwede ba kong pumunta sa dorm niyo?

nica
sige

sunoo
thank you sa pagsama sa gaga kong best friend, for sure hindi pa siya ganon kalakas

nica
friends din kami kahit hindi halata

sunoo
dapat na ba kong maiyak?

nica
ge iyak

sunoo
HAHAHAH charot

sunoo
sige papunta na ko diyan, magdadala na rin ako ng food for us

nica
i'll wait for you

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon