. . . ⇢ 80 ˎˊ˗

149 10 3
                                    

anong oras na din ng tuluyang makarating sina julie at heeseung sa hospital. malayo-layo din kasi ang pinanggalingan nila at tumagal ng almost 3 hours ang byahe. yup, ganun katagal at almost 3 hours din silang hindi nagsalita habang bumabyahe.

awkward? awkward.

kasalukuyan na silang nasa hospital ngayon, nasa harap na sila ng kwarto ni hera at nang buksan nila 'yon ay kaagad na napunta sa kanilang dalawa ang atensyon ng mga kaibigan nilang naroroon.

"heeseung hyung—" si ni-ki ang unang nagsalita pero naputol 'yon nang dahil sa sigaw nila sunoo at joy.

"BESTIE JULIE!!!!!!"

kaagad tumakbo ang dalawa papunta kay julie na natameme lang sa isang tabi. niyakap siya nila sunoo at joy with hampas pa ng malakas dahil sobra nilang na-miss ang gaga nilang kaibigan na hindi nila alam kung saan napadpad.

"gaga ka, wala na kaming update sa'yo!"

"hoy julie, bumalik ka na nga sa'min!"

madami pang sinabi sina sunoo at joy habang si julie ay hindi alam ang irereact. nakokonsensya siya sa totoo lang at naisip niyang naging makasarili siya dahil hindi niya man lang naisip ang mararamdaman ng mga kaibigan niya bago niya gawin ang mga 'yon.

pero wala na, nagawa niya na at hindi niya na mababago pa ang mga nangyari.

gusto ko lang naman protektahan si heeseung.

"julie? wow, ngayon lang ulit kita nakita."

napunta ang atensyon ni julie kay hera nang sabihin niya 'yon. pinagmasdan ni julie ang itsura ng dalaga at hindi niya maiwasang maawa dito. nakangiti ito ngunit mahahalata ang pagod sa mga mata nito. namumutla din ang labi niya at may mga apparatus na nakakabit sa kamay at ilong nito.

tipid lang na ngumiti si julie at dahan-dahan naglakad palapit kay hera. they're not close pero dahil kaibigan ni julie si ni-ki and the rest because of heeseung, kaibigan na rin ang tingin niya kay hera.

"how are you?" tanong niya dito.

"i'm fine, ikaw ba?" sagot ni hera na ikinatahimik ni julie.

tinitingnan niya ng mabuti si hera at mahahalatang nagsisinungaling lang ang dalaga, tuloy ay hindi maiwasang matawa ng malungkot ni julie sa kanyang isipan. parehas kasi silang hindi okay ni hera at parehas din nilang pinipilit na maging okay hangga't maaari.

tumango lang si julie. "i'm fine din, i guess."

napanguso si hera. wala siyang alam sa mga nangyayari kay julie dahil first of all, hindi nga sila close at second, nasa loob lang naman siya ng bahay simula nang makauwi siya ng bansa. ganun pa man, nararamdaman ni hera na may mabigat na nararamdaman si julie.

pero hindi na siya nagtanong pa.

"hera nandito na sina charlotte!"

kaagad lumapit si francine kay hera dala ang phone nito. kanina pa kasi nila tinatawagan sina sunghoon at charlotte pero ngayon lang ito sumagot sa tawag nila or let say sa video call nila.

sinubukang abutin ni hera ang phone para sana siya ang humawak nito habang kausap ang favorite unnie niya slash bestie na ang tagal niya na ring hindi nakita, pero namilit si ni-ki na siya na lang maghahawak ng phone for hera.

hera just smiled faintly, she couldn't help but feel useless. pakiramdam niya tinanggalan na siya ng mga kamay at paa dahil sa sakit na 'to. pero sinubukan pa rin ni hera na 'wag ipahalata 'yon at pinilit ngumiti na animo'y masaya siya kahit hindi.

hindi niya kasi alam kung dapat ba siyang maging masaya na gumising pa siya o ano.

"heraaaaa!!!"

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon