. . . ⇢ 56 ˎˊ˗

161 11 8
                                    

joy's pov,

"kinakabahan ako."

narinig kong natawa si mom sa sinabi ko, maging ako. hindi ko na kasi namalayan na nasabi ko na pala ang iniisip ko. pero totoo, kinakabahan talaga ako at nararamdaman ko na ang pagpapawis ng magkabilang palad ko.

hindi nagtagal ay agad akong napatayo nang marinig ko ang doorbell mula sa labas ng gate namin. napatayo din si mom at nagkatinginan kaming dalawa. nginitian niya 'ko at sinenyasan na ako na ang magbukas.

tumango lang ako at nakita ko ang pagbalik ni mom mula sa kusina. siguro aayusin niya na ang mga pagkain na niluto niya para kakain na lang kami ng dinner mamaya.

naglakad ako palapit sa pintuan. hindi pa man ako nakakalapit sa may gate ay nakita ko na agad sina mr. park at jay sa labas. i let out a nervous smile saka nagpunta doon para pagbuksan sila ng gate.

"good evening po, pasok kayo." bungad ko na ikinangiti lang ni mr. park.

"good evening, hija."

tumango lang ako at pinauna silang pumasok sa loob. napansin kong tahimik lang na sumunod si jay at hindi man lang ako pinansin dahilan para maramdaman ko ang pakirot ng dibdib ko.

pero napanguso lang din ako kaagad at sumunod sa kanila. habang nasa likuran ay hindi ko maiwasang pagmasdan si jay. nakakainis na siya ha, hindi na nakakatuwa ang pagiging snob niya. alam ko namang famous siya pero hello? girlfriend niya 'ko 'no.

hindi ko na lang muna siya pinansin. mamaya siya sa akin at kapag hindi niya pa rin ako pinansin, bubugahan ko talaga siya ng apoy. and nope, hindi ako nagbibiro. itong dragon na 'to ay hindi na natutuwa sa inaasal ni jay.

pinaupo ko muna sila at nagpaalam na pupuntahan lang si mom sa kusina. sinabi ko din na tatawagin na sila kapag ready na ang dinner. at gaya ng kanina, mukhang si mr. park lang ang nakakakita sa akin ngayon.

'yung totoo jay? hangin lang ba 'ko?

bago ako nagpunta sa kusina ay inirapan ko lang siya na busy sa phone niya at mukhang may ka-chat pa. muli akong napairap. sige lang jay, ayusin mo 'yang mga desisyon mo sa buhay kung gusto mong magtagal pa tayo.

charot lang, nakakabwisit lang kasi talaga siya eh.

grr.

"anong nangyari sa mukha mo?" bungad ni mom pagkapasok ko sa kusina.

napasimangot ako. "pwede bang pumatay ng tao, mom?"

as expected, nakatikim ako ng hampas mula kay mom na ikinatawa ko lang. "umayos ka joy, hindi ako nagpakahirap na ipanganak ka at palakihin ka para maging mamamatay tao ha."

"joke lang naman, ma!"

tumawa pa 'ko pero masyadong serious si mudrakels kaya nanahimik na lang ako. mahirap na, baka tumabingi ang mukha ko sa sampal ni mudra. sayang naman ang ganda ko kapag nangyari 'yon.

"ihatid mo na 'yang iba diyan. susunod ako pagkatapos ko magbihis." rinig kong paalam ni mom saka umakyat sa taas.

at gaya ng utos niya ay isa-isa kong kinuha ang mga pagkain at inayos sa lamesa. kinuha ko na ang last na dishes at pupunta na sana sa dining table nang mapasigaw ako sa gulat matapos bumungad sa akin ang pagmumukha ng magaling kong boyfriend.

muntik ko pa ngang mabitawan ang mga hawak ko pero buti na lang at muntik lang. kunot noo akong napatingin kay jay na nakatitig lang sa akin, sinamaan ko pa siya ng tingin.

"bakit ka ba nanggugulat?"

hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahilan para lihim akong mapalunok. ang serious niya kasi ngayon at hindi ako sanay sa ganitong jay. "b-b-bakit?" nagkadautal-utal na 'ko sa way ng pagtitig niya sa akin.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon