. . . ⇢ 61 ˎˊ˗

183 13 1
                                    

"nica?"

napangiti si danica ng tipid matapos makita si sunoo na nakatayo sa harapan niya. sinenyasan niya ang binata na umupo sa tapat niya na siya namang sinunod ni sunoo.

"nica—"

"i'm sorry." napahinto si sunoo nang sabihin 'yon ni danica. "h-have i been too mean to you? n-nasasaktan na ba kita?"

napakurap-kurap si sunoo, nagtataka sa mga pinagsasabi ng dalaga. "what do you mean?"

"we loved each other then, didn't we?"

nagitla si sunoo sa kanyang sinabi pero unti-unti din siyang napangiti. "hanggang ngayon naman.."

narinig 'yon ni danica at may kung ano siyang naramdaman sa kanyang dibdib. napakagat lang siya sa ibaba niyang labi at umiwas ng tingin sa mga mata ni sunoo na tila ba unti-unti na siyang nilulunod.

"i-i'm sorry.. i just don't really know. i-i don't remember anything about you.. or about our past." pagsasabi ni danica ng totoo at saglit na napapikit. "at sa totoo lang.. ayoko maniwala."

"ayokong maniwalang may nakaraan tayong dalawa."

"dahil ba.. hindi mo matanggap na minahal mo ang isang tulad ko?" napa-angat ng tingin si danica nang sabihin 'yon ni sunoo.

"hindi sa ganun—"

"nica, hindi naman ako nagmamadali eh." pinutol ni sunoo ang sasabihin ng dalaga. "kahit gaano katagal kaya kong maghintay at kahit ilang beses mo 'kong itaboy, dito lang ako at patuloy na ipaparamdam sa'yo ang tunay na nararamdaman ko."

"what if it's not like before?" natigilan si sunoo sa tanong ni danica. "what if my heart doesn't recognize you anymore?"

saglit na natahimik si sunoo saka malungkot na napangiti. kinuha niya ang kamay ng dalaga at mahigpit 'yong hinawakan. "i told you, maghihintay ako. dito lang ako hanggang sa muli mong buksan ang puso mo para sa akin."

-♡️-

jake
@simnotsimp

jake
nakausap mo na?

sunoo
siguro naguguluhan lang siya

sunoo
hindi ko naman siya masisisi, alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng to dahil wala siyang maalala ni-isa

sunoo
ang bobo ko kasi, bakit ako umamin?

jake
nabigla siya, sigurado

jake
pero laban lang alaxan, babalik din ang dating kayo

sunoo
alaxan? joke yan?

jake
kung natawa ka edi joke kung hindi edi hindi na kita lab hmp

sunoo
tampo yarn? HAHAHAHA

sunoo
pero tama ka hyung, time ang kailangan ni nica

sunoo
dw hindi naman talaga ako nagmamadali, dito lang ako kung sakaling kakailanganin niya ko

jake
friends na kayo diba?

sunoo
oo, parang tulad ng dati

sunoo
tbh parang bumalik lang naman kami sa nakaraan kung saan nagiging close pa lang kami

sunoo
pinagkaiba nga lang, may feelings ako sa kanya at siya naman ay walang maalala

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon