. . . ⇢ 89 ˎˊ˗

119 10 8
                                    

"ibalik mo na siya, son."

"and what? pipilitin niyo kaming paglayuin? no."

"hindi mo alam kung anong pinasok mo, jake. pangalan natin ang dinudumihan mo dahil sa padalos-dalos mong pagdedesisyon."

hindi na nagsalita si jake at iritadong binato ang phone niya sa kama. si cyril na pinapanood siya sa isang tabi ay hindi maiwasang mapabuntong hininga. not gonna lie, pakiramdam ni cyril nagiging pabigat na siya kay jake.

napayuko na lang ang dalaga at mahinang nagsalita. "i'm sorry.."

natigilan si jake nang marinig 'yon, kaagad niyang nilapitan si cyril at lumuhod sa harapan ng dalaga upang magpantay sila. nakahawak ang isang kamay niya sa mukha ng dalaga at ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay nito.

"please, don't be sorry. sabay natin 'tong haharapin, hm?"

"but jake.. i want you to take me away from there and that's what happened to you. because of me.. the police are already looking for you at ang pangalan niyo ay nasira na sa public.."

"pangalan lang 'yon, cy."

malungkot na napangiti si cyril. "it's important for your family because they treasured it for a long time."

"i know but.." napabuntong hininga si jake at mas humigpit ang hawak sa kamay ni cyril. ".. hindi ba pwedeng maging selfish paminsan-minsan?"

napakurap si cyril. "are you really willing to do that just for me?"

ngumiti si jake saka madiin na hinalikan ang likod ng palad ng dalaga. "i'm willing to take a risk just for you, cyril."

dahil doon ay napangiti din si cyril.

masamang maging selfish pero kung para naman sa ikabubuti ng relasyon nila, why not?

or maybe hindi talaga kaya ni cyril maging selfish.

nagkatinginan sila jake at cyril nang mag-ring ang phone ng dalaga. kinuha 'yon ni jake at bago sagutin ay sinenyasan muna si cyril na 'wag magsalita at hayaan lang na magsalita ang nasa kabilang linya.

"hello?"

mom, cyril thought.

"cyril, anak, please come back. alam kong ayaw mong magkahiwalay kayo ni jake at ayoko rin but what can i do? nakataya dito ang company natin at lahat ng kung anong meron tayo kaya please, sumama ka na kay victon. anak, p-please.."

narinig ni cyril ang mahinang paghikbi ni sylvia mula sa kabilang linya dahilan para mapatingin siya kay jake. nangungusap ang mga mata nito sa binata na kung pwede niya bang kausapin ang ina niya at tanging tango lang ang nagawa ni jake.

kinuha ni cyril ang phone at itinapat sa kanyang tainga. "mom.. i'm here."

"cyril..?"

"what do you mean by nakataya ang lahat if i don't go with that guy?"

huminga ng malalim si sylvia saka nagsalita. "victon lee, their family is one of the most influential in our country at binalaan niya 'ko na kung hindi ka sasama sa kanya, he won't hesitate to take everything from us."

cyril didn't answer, she unconsciously clenched her fist. she's mad, hindi niya maintindihan kung ano bang habol sa kanya ng lalaking 'yon na kailan lang naman niya nakita.

so what kung kasal na sila? never naman silang nagkasama at hindi nila kilala ng lubusan ang isa't-isa kaya bakit ganito ka-desperado si victon na kunin siya kay jake? imposible namang dahil mahal siya nito.

that's bullshit.

hindi na nakasagot si cyril dahil kusang naputol ang tawag dahil biglang na-lowbat ang phone niya. napabuntong hininga na lang siya saka niyakap ang sarili. napansin 'yon ni jake at lumapit sa dalaga upang yakapin ito sa likuran.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon