. . . ⇢ 85 ˎˊ˗

109 9 0
                                    

"saan kayo pupunta?"

napahinto sila heeseung at sunoo, napatingin sila kay julie na nakasalubong nila sa hagdanan. sila heeseung at sunoo na pababa na at si julie na paakyat pa lang.

nagkatitigan pa sila heeseung at julie pero agad din silang umiwas ng tingin. naramdaman ni sunoo ang tension sa pagitan ng dalawa saka napatikhim. sheeesh, ang awkward ha.

"pupunta kami sa airport, feeling ko doon pumunta si francine." sagot ni sunoo.

"anong gagawin niya doon?" nagtatakang tanong ni julie.

"for jungwon, ang tagal niya na rin kasing hindi nagpaparamdam sa'min."

bahagyang nanlaki ang mga mata ni julie matapos 'yon sabihin ni sunoo. sa totoo nan, hindi niya alam na umalis si jungwon. pero ano nga bang aasahan niya? dahil sa mga nangyari naging selfish na siyang kaibigan.

that's what she feel.

pero hindi rin maiwasan ni julie ang mag-alala para kay jungwon. sabi ni sunoo matagal na itong hindi nagpaparamdam pero ano naman kayang dahilan? saka bakit kailangan pa siyang puntahan ni francine doon?

wala naman sigurong masamang nangyari, di'ba?

hindi alam ni julie kung anong isasagot niya. pasimple siyang napayuko, nahihiya at nag-guilty dahil may ganito na palang nangyayari sa mga kaibigan niya pero wala siyang kaalam-alam.

"julie?"

"i-i'm sorry.." mahinang usal lang ng dalaga saka nagmamadaling umakyat, nilagpasan sila heeseung at sunoo.

sunoo looked at heeseung, confused. but heeseung just smiled faintly saka naunang maglakad pababa sa hagdanan. nagtataka man ay sumunod na lang si sunoo kay heeseung.

nakita nila si ni-ki na nakaupo sa loob ng tent, nakatulala sa harapan kung nasaan si hera. pumunta si sunoo doon para magpaalam na hahanapin lang nila si francine at tanging tango lang ang nagawa ni ni-ki.

masyado siyang maraming iniisip to the point na ayaw niya na lang magsalita pa.

si mae din ay nandoon, kasama si joy at danica na mukhang galing pa sa labas. kaagad silang lumapit kila heeseung at sunoo saka nagtanong kung saan sila pupunta, si heeseung na ang sumagot sa tanong nila.

"sige, take care. balitaan niyo na lang kami once you found her." ani danica, tumango at ngumiti lang si sunoo.

"sasama na rin ako, tutulong ako sa paghahanap sa airport." saad ni joy na ikinatango naman ni heeseung.

"papasukin kaya kayo sa airport?" tanong naman ni mae.

"sasabay kami kay sunghoon hyung sa paghatid kay charlotte noona." sagot ni sunoo.

"oo nga pala, pupunta din sila charlotte sa airport. bilisan na natin kasi paalis na 'yung dalawa." ani joy.

muli silang nagpaalam kila danica at mae saka nagmamadaling sumakay sa kotse. naabutan pa nila ang sasakyan ni sunghoon na kakaalis lang kaya wala ng hinintay pa na segundo si heeseung at agad pinaandar ang makina para makasunod sa dalawa.

hindi rin nagtagal ay nakarating din sila sa airport at naabutan din sila sunghoon at charlotte na papasok pa lang sa loob. pero dahil sumigaw si joy, napatingin ang dalawa sa kanila.

"joy? oh, anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ni charlotte.

niyakap siya saglit ni joy saka ngumiti. "ihahatid ka namin."

"eh?"

"saka si francine, nawawala siya kaya baka makita natin siya sa airport." sagot naman ni sunoo.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon