Tale 1

3.6K 116 7
                                    

1st Chapter

Rox Zen's P.O.V

*Yawn*
*Stretch*

"Good morning." Mahinang sambit ko sa aking sarili habang dahan dahang bumangon.

"Woah!" Mabuti nalamang at mabilis ang aking reflexes, kung hindi ay nauntog na ang aking likod sa gilid ng bangka at nahulog na ako sa tubig!

Nakalimutan ko panandalian na nakasakay nga pala ako sa isang maliit na bangka.

"Mga anak mag ingat sa inyong biyahe, magpakabait duon ha? Lalo na at wala kami ng inyong ina na magsusuway sa inyo!" Ama

"Magsama nalamang kaya kayo sa iisang bangka, mas mabilis pa ang biyahe ninyo kung kayo'y magkasama. Anak bantayan mo nga iyang kapatid mo!" Anang ina.

"Tsk! Ayaw ko nga po, magkahiwalay kaming bi biyahe, matanda na ako. Hindi ko ba kailangan ng baby seater okay?" Angil ko kina ama.

"*Sigh* Kung ganon ay mag layag na kayo, matagal tagal pa iyang biyahe ninyo. Malayo ang JinSan (San: Land= JinSan, Land of Jin Clan) mula dito." Ama

"Okay po bye!" Sigaw ko sabay kumpas ng aking mga kamay sa magkabilang gilid ng bangka.

Maya maya lamang ay humaharurot na ang aking bangka palayo sa aming lugar.

"Hoy huwag kang magmabilis hintay!" Sigaw ni kuya na hindi ko nalamang pinansin pa.

"Bahala ka diyan mahule mwehehehe!" Evil laugh ko at nahiga nalamang sa aking bangka habang ito ay humaharurot patungong destinasyon, kung saan man iyon!

"Hehe!" Tawa ko nalamang sa sarili ng maalala ang nangyari kahapon bago kami umalis sa ZenSan.

*Sigh* Bagalan ko na ang pag layag at baka malapin na ako, sigurado naman akong makakahabol iyon si kuya.

*Munch*
*Burp*

Breakfast is done, sawa na ako kaagad sa tinapay kong baon sa paglalayag. Puwede naman kasing magbaon nalamang ng lutong pagkain...

"At bakit hindi kami pinadalhan ng katulong? Sinong mag aasikaso saakin niyan sa JinSan? Shet naman, dugong bughaw, walang kasamang alalay!" Irita kong sambit sa hangin sabay kamot sa ulo.

Mas lalo naman akong nainis ng magulo ang aking buhok.

"Nyah! Kakapunggos ko palamang sa iyo ah!" Oo na, ako'y bugnutin. Kasalanan ko bang boring ang travel ko? Wala manlang thrill or water beasts na makalaban!

"Hmp!" Irap ko sa aking reflection sa tubig.

Booorrrriiinnnggg!

*Thud*
*Crack*

Bumangga yata ako sa isang bangka.

"Hoy ano ba, hindi ka ba tumitingin sa daan?!" Iritang sigaw ng kung sino.

Hindi ko muna ito pinansin dahil ako'y nagtatali pa ng aking buhok.

"Bingi ka b-" Putol ko.

"Ang lawak lawak ng ilog, baka sinadya mo lang... If I know baka technique ninyo pang yan para maka huthot ng pera sa mga mabibiktima ninyo!" Baling ko sa kaniya.

Hmm? A very unusual hair and attire... Must be a local.

"Anong huthot, hoy hindi mo ba ako kilala-" Sigaw nito sabay patong niya ng kanang paa sa bangka ko.

"Hindi ko balak ika'y kilalanin, wala akong pake sa isang goon na kagaya mo... Kung gusto mo sayo nalang itong bangka ko, bye!" Dahil sa pagkairita sa nakakairitang ugali ng mama na iyon ay tumalon nalamang ako palayo sa bangka na iyon.

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon