Tale 53

136 7 0
                                    

Man's

*Thud* Bagsak sa sahig nung isang guard na pinatulog ko gamit ang isa sa pinaka mabisang pampatulog na gawa ni Senior Hain.

"We'll enter at the same time once I gave the signal..." Bulong ni Can saamin bago siya umatras para sipain ang pintuan.

*Blag!*

Sabay sabay kaming tumakbo papasok ngunit hindi namin inaasahang alam na pala ng kalaban ang aming pag dating!

"Retreat!" Sigaw ni Ran ngunit huli na ang lahat.

*Woosh!*

Shou's greatest Craft, mist!

"Ran!" Sigaw ko at mukhang nauna na niyang gawin.

Naramdaman ko naman ang pagbalik ng aking lakas dahil sa Enhancing Craft ni Ran.

Gagamitin ko na sana ang aking Essence sight ng biglang dumilim ang aking paningin-

"Man!" Rinig kong sigaw ni Can ngunit hindi ko siya makita.

*Thud!* Naramdaman ko nalang ang aking sarili na nasa sahig at may mga kamay na naka hawak saakin.

"The smoke, it's toxic!" Rinig kong saad ni Can ngunit bakit puro dilim lamang ang aking nakikita.

"C- Can... Nakikita mo ba ako?" Bulong ko habang kinakapa ko ang aking mga mata-

Napansin ko namang naka mulat ang mga ito ngunit bakit wala akong makita kahit anino?!

"Shit, Ran let's retreat!" Sigaw ni Can na ikinabahala ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang takot na ito, kahit sa boses ni Can ay maririnig mong may pangamba siyang nararamdaman.

"Gaaaaahhh!" Rinig kong sigaw ni Ran bago ko maramdamang lalong napupuno ng lakas ang aking katawan.

"Can?" Tanging katagang lumabas sa aking bibig habang ramdam kong karga karga niya ako sa iisang kamay lamang.

"How did this happened? We're supposed to be immune with toxic, the Jins couldn't possibly be here?!" Rinig kong banggit ni Can habang malakas na ihip ng hangin at yabang niya ang namumuo sa aking pandinig.

Kahit anong pikit at mulat ang aking gawin ay wala pa rin akong makita.

"M- Man?" Rinig kong sambit ni Ran habang patuloy parin ang pag takbo ni Can sa kakahuyan.

"Don't lose focus Ran, once you lift your Craft, where all dead!" Sigaw ni Can sa pagitan ng kaniyang malalim na pag hinga.

Unti unti namang luminaw ang aking paningin...

"Can?" Sambit ko habang unti unting namuo ang mga luha sa aking mga mata.

Buhat niya kaming dalawa ni Ran habang natakbo sa kakahuyan, at lumiliwanag ang kaniyang buong katawan. Gumagamit siya ng Enhanced Regeneration para sa aming tatlo-

"Can, huwag mo kaming piliting iligtas... Iwan mo na ako!" Palag ko ng mapagtanto ang nangyayari!

"Shut up! If I stop treating us all, we'll die-" Can

"Kaya huwag mo na akong iligtas pa, iwanan nyo na ako ni Ran at upang maka balik kayo kaagad sa ZenUa!" Sigaw ko bago ako nakakawala sa kanyang kamay.

*Thud!* Nagpagulong gulong ako sa dahuhan dahil sa tulin ng kaniyang takbo.

"Man!" Rinig kong sigaw nila bago nanlabo muli ang aking paningin, unti unti na ring nag laho ang aking pandinig at pakiramdam.

Paanong hindi ko napansing may lason ang Mist ng Shou? Alam kong ginamitan ko ito ng Essence sight ngunit wala naman akong nakitang kakaiba dito- sa ganitong paraan ba ako mamamatay?...

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon