Tale 88

44 1 0
                                    

Madame ZenLe's P.O.V

*Kaboom!* Isang malaking pagsabog ang naganap sa aking likuran ng sinubukan ng isa sa mga alagad kong sirain ang Barrier ng Lord na iyon.

"They should've been dead, why is his Craft still active?!" Bulong ko bago sakalin ang isang QinMe na pasugod saakin.

"Ack!" Daing nito bago siya malagutan ng hininga.

"Very courageous, for an Assist Clan to face me one on one!" Tanging sambit ko bago lumipat palayo dito.

"Para saan ba ang ito Madame ZenLe? Sinasayang mo ang mga bagay na pinaghirapan mo para lang saan? Para lang patayin mo kami?!" Sigaw ng isang elder ng Lin na ikina tawa ko.

*Flashback*

"Hai anak, tatandaan mong mabuti, kailangan mong maging malakas upang walang ni sino man ang makakapanakit sa iyo- ang ating uri ay kinakatakutan ng sangkalahatan..." Yakap sa akin ng aking ina.

"Sana'y sa pag laki mo ay hindi ka mahirapang mamuhay, kung hindi lamang sa ating angking kaanyuan ay hindi tayo magtatago sa mga tao-" Ama

"Huwag po kayong mag alala, ako mismo ang titigil sa pang aaping ginagawa saatin ng mga taong iyan. Pamumunuan ko ang pinaka tanyag na Clan at lahat ng mga taong nakapaligid saatin ay katatakutan tayo, ang Zen Clan ang magiging bagong Jin ama, ina, pangako iyan!..." Saad ng dalagang bersiyon ko na naka luhod sa harapan ng ama at ina na unti unting naglalaho na kinakain ng dilim.

*End of Flashback*

"And I won't get back on my word- every Clan who's behind your death are now slowly paying their debt!" Bulong ko habang pinagmamasdan ang mga Cultivators sa ibaba na pinalilibutan ng aking mga Spirits!

Tuluyang nabasag ang Barrier ng Lord na aking ikina tuwa, mabilisang lumabas sa aking katawan ang mga special Spirits kong kulay asul at sumanib sa ilang mga taong natagpuan nila sa ibaba.

*Continuous explosions!* Rinig na rinig ko mula dito ang sigawan ng mga tao na nagpangiti saakin!

Mother, Father, your deaths will now see the light of day. My revenge is finally over, after 400 years of trying!...

***

Third's 

*Glass breaking* Kita sa ere ang mga nagsisilaglagang mga Cultivators kasabay ang pag sugod ng daan daang Spirits.

 Sa isang banda sa kalangitan ay aninag mo ang isang babaeng nakalutang na nanonood sa mga nangyayari, si Madame ZenLe. 

Hindi nila alam kung bakit ito ginagawa ni Madame ZenLe, ang taong nagbuhat sa kaniyang Clan na maging miyembro ng Five Great Clans, gumawa ng magandang pangalan sa Cultivation World bilang isang tanyag na Healer at Clan Leader. Hinggil sa kanilang kaalaman na isa itong anak ng Demon na naghihiganti sa kanila.

"What have we ever done to you Zen Hai, we treated you as a family!" Sigaw ni Qin Tal na siyang kasabayan niyang lumaki.

Kung hindi naagapan ni Qin Tal ang mga asul na Spirits ay mas marami pa sanang mga masasawi sa mga pagsabog na ito!

"You may not know, but your ancestors did something to my family that I will never forgive your Clans for!" Umalingaw ngaw ang boses ni Madame ZenLe sa lahat ng sulok ng Great Land.

Dahan dahang lumapag si Madame ZenLe at hinarap ang mga sugatang Cultivators.

"Have you ever wondered why the Five Great Clans were formed?!" Saad ni Madame ZenLe na ikina tigil ng mga taong naka paligid sa kaniya.

Lahat ng nakikinig ay miyembro ng Five Great Clans.

"The same reason why you massacred the Jins, for power-" Saad ni Qin Tal na naka upo sa wheel chair.

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon