Tale 2

1.2K 79 4
                                    

Lan Jin's

"1st Child? Saan po kayo pupunta?" Sigaw ng isa sa mga alagad ko.

"Sa CaJin mag aabang ng mga Royalties, inatasan kasi ako ng ama- teka bakit ba ako nagpapakiwanag sayo, shoo!" Taboy ko sa kaniya.

Tsk, bakit kasi ako pa ang naatasang mag abang?! Pu puwede namang isa nalang sa mga Elders ng Clan, kasalanan ko ba kung maligaw ang mga bisitang parating, alamin sana nila muna ang pupuntahan nila, kasalanan ko bang hindi sila maalam sa JinSan, pinaka sikat na Great Clan!

Marami daw kasing naligaw na mga tao mula sa Qin Clan kaninang madaling araw, yung Support Clan na iyon mga bobo talaga ang mga Descendants, kilala pa naman sila sa pagiging matalino sa battlefield!

"Susundan lang ang ilog hindi pa alam!" Singhal ko sa sarili.

*Thud*
*Crack*

Aray- ano yun? Bastos to ah!

"Hoy ano ba, hindi ka ba tumitingin sa daan?!" Iritang sigaw ko, dumagdag pa ito sa nagpapakulo ng aking dugo!

Hindi lang ako pinansin nung naka gray na pananamit,

"Bingi ka b-"

"Ang lawak lawak ng ilog, baka sinadya mo lang... If I know baka technique ninyo pang yan para maka huthot ng pera sa mga mabibiktima ninyo!" Putol niya sa akin at lumingon ito, p- purple eyes? Parang familiar ang mga mata niya, anong Clan kaya ito?!

Teka?

"Anong huthot, hoy hindi mo ba ako kilala-" Sigaw ko sa kaniya sabay patong ng paa ko sa kaniyang bangka.

"Hindi ko balak ika'y kilalanin, wala akong pake sa isang goon na kagaya mo... Kung gusto mo sayo nalang itong bangka ko, bye!" Sunod sunod niyang sambit, hindi ko namalayang wala na pala siya sa bangka niya.

Lumipat ako sa bangka niya para hanapin kung nagtatago ba siya duon, napansin ko nalang nasa daungan na pala siya nung lumutang palapit duon ang mga gamit nito.

Hala? Kakaibang Craft! Anong klase kaya ito? Saang Clan?!

"Hoy bumalik ka dito at kausapin mo ako ng maayos, tiga saang Clan ka- ho- Hoy!" Sigaw ko pero hindi manlang niya pinansin.

Bastos yun ah! Lagot ka saakin!

"Gray long hair, light pink eyes, wears a robe type gray clothes! Pag nahanap kita ulit patay ka saakin!" Saad ko habang nadaong.

Hindi palang ako nakakapag lakad palayo ng daungan ay bumalik na ang bastos na hinahanap ko!

"Hoy mabuti naman at naisipan mong bumalik, na realize mo na ba kung sino ang binangga mo? Hindi ko naman masisisi kung hindi mo ako mamukhaan sa simula kaya naman kitang patawari-" Bungad ko sa kaniya habang nakaharang sa daungan, mukhang nagmamadali siya at walang balak huminto.

"Tabi!" Hindi palang ako nakakapag react ay tinulak na niya ako pagilid.

Aray! Nauntog pa saakin yung isa sa mga gamit niyang balot ng tela na nagsisilbing lagayan ng mga ito.

"Aba- baliw ka ba?" Sigaw ko ng puno ng galit dahil may nauntog muli saakin at ngayon naman ay matigas na stick, gusto ba talaga niyang mamatay?!

Lumingon lang siya saakin ng panandalian bago lumipad palayo, anong Craft iyon? Kaya niyang maglakad sa tubig?

*Woosh*
*Splash*

"*Gasp* Tarantado yun ah!" Sigaw ko at sigurado akong namumula na ang mukha ko sa galit, punong puno na ako sa taong iyon.

Ngayon lamang kami nagkakilala ay marami na siyang pagpapahiyang ginawa saakin?! Alam ba niyang ako ang 1st Jin Clan? Hmp sigurado akong hindi dahil kung alam lang niya ay mapapaihi na ito sa takot kapag nalamang binastos niya ako!

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon