Tale 35

324 33 3
                                    

10 years ago:

"Aaahh!" Sigawan ng mga tao habang balot ng hamog ang maulang paligid.

"Rox! Itigil mo na ito!" Sigaw ng isang lalaki na may hawak ng isang mahabang sandata na may patalim sa magkabilang dulo.

"Bakit naman? They are the reason of my death, it's only natural for Rox to return back the favor!" Sagot ng lalaking puno ng dugo sa kaniyang katawan.

"Kuya Xian? Na sealed na ang kaniyang Spear, tapusin mo na po siya bago pa lumala ang sitwasyon natin!" Humahagulgol na sigaw ni Ran, isa sa mga tinuruan mismo ng nagwawalang nilalang na galing mula sa pagkamatay.

Alam nila kung gaano kalakas ito kapag makuha niya muli ang kaniyang Spear, mabigat man sa damdamin ang kinabagsakan ng kanilang minamahal na 2nd Zen. Buo na sa loob nilang tapusin na ito at tuluyan nang kalimutan ang taong ito.

"Kaya mo bang patayin muli ang iyong kapatid? The only person who can sacrifice everything just for your future, the 1st Zen's future. I did everything just for you-" Sigaw ng nilalang na galing sa hukay, ang nagngangalang Rox.

"You're already dead, you're no longer my brother. Rest in peace!" Saad ng 1st Zen bago niya ito tuluyang masaksak.

Matapos mabalitaan mula sa isa sa mga pinsan niyang malapit sa kapatid na nabuhay itong muli ay nagkaroon siya ng munting pag asa na masilayan muli ang ngiti ng kapatid ngunit ng marating niya ang bukana ng
Front hall ay nasilayan nalamang niya ang kanilang ina na duguan habang ang isa niyang pinsan na humahagulgol sa harapan ng nakatayong Rox, dahil sa pagbabago ng ugali ni Rox na galing sa kamatayan ay na puwersa siyang ibalik muli ito sa lupa kung saan ito nararapat!

*Thud* Bagsak ng duguang Rox, binalot ito ng puting usok at naglaho.

"His hatred and regrets brought him back to the living, we'll form a seal in his grave so he won't come back again- manghihingi tayo ng tulong sa LinSan, kami na ho ang bahalang mag asikaso nito!" Sambit ng babae na mula pa sa QinSan na tumugon sa panawagan ng Zen Clan.

Matapos nito ay naipahayag sa bawat sulok ng kanilang nayon ang kuwento ng pagbalik ng isang anak ng Zen Clan, and namatay na 2nd Zen apat na taon na ang lumipas!

"Xian? Tama lang ang naging desisyon mo!" Saad ng kaniyang asawa.

"Sinisisi niya ako Ren, wala akong ginawa nung araw na iyon- nagpakaduwag ako!" Naluluhang yakap ng 1st Zen sa kaniyang asawa na si 1st Yoin, Yoin Ren...

***

Rox's

"Rox? Is that you?!" Tanong niya muli na hindi ko sinagot.

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon