Tale 75

72 4 0
                                    

"At bakit naman ako papayag na mag layag patungong hilaga, ayaw ko ngang magpunta sa lugar ng mga healers na iyon. Mamaya niyan ay kalaban pala sila ng Clan namin!" Sigaw ng isang batang babae sa sarili niyang repleksiyon.

Dahan dahan itong lumipad paibaba sa tabi ng ilog at nag pahinga.

"Kung kaya ko lang iyon sabihin sa ina at ama ay siguradong wala ako ngayon dito!" Hinihingal nitong sambit habang naglalaho ang kaniyang pakpak at Harp.

"1st Qin? 1st Qin nasaan na ho kayo?!" Nag aalalang sigaw ng isang batang babae na mula sa Yoin na naatasang bantayan ang nag iisang anak ng QInLe at QinSe.

"1st Ren lubayan mo na ako at kaya ko naman ang sarili ko!" Sigaw ng batang babaeng nagnga ngalang 1st Qin ng makitang palapit na ito sa kinauupuan niya.

"Hindi puwede, naatasan ako ng QInSe na bantayan ka at siguraduhing makakarating ka sa ZenSan ng ligtas. Ako ang mapapagalitan kapag may nangyari sayo." Upo ng babaeng batang nagngangalang 1st Ren.

"Naatasan naatasan, lahat nalang ng taong nakapaligid saakin ay naatasan lamang na samahan ako-" 1st Qin

"Hindi kaya yan totoo, pinilit ko ang ama na ako ang iatas na sumama sayo dahil gusto kitang makilala." Putol ng 1st Ren.

"Talaga ba?" Lingon sa kaniya ng 1st Qin.

"Sa tingin mo papayag ang mga magulang mo na kasing edad mo lang ang magiging bodyguard mo?  Kung hindi ko napilit ang ama ay wala ako ngayon dito, nag papakapagod na humabol sayo." Mangiyak ngiyak na sambit ng 1st Ren dahil sa pagod nitong pag hahabol sa 1st Qin.

"Kinokonsensiya mo naman ako... Sorry na." Yakap ni 1st Qin kay 1st Ren.

"H- hindi naman, gusto lang talaga kitang maging kaibigan, sorry kung mapilit ako, wala lang talagang gusto akong kaibiganin!" Iyak ng 1st Ren.

"Ako, ako puwede mong kaibiganin!" Hagulgol ng 1st Qin.

"Girls..." Tanging nasabi ng isang batang lalaki na naka tingin sa dalawang batang babaeng nagiiyakan sa tabi ng ilog.

Dahan dahan itong umatras at nagtago sa likuran ng isang puno, kumalansing naman ang hawak niyang kadena na siyang Weapon ng kanilang Clan.

"What the hell are you doing in our land?" Isang malamig na tinig ang gumulat sa kanilang tatlo, ngunit mas pinili ng batang lalaki na manatili sa kaniyang kinatataguan ng mapagtantong hindi pa siya nakikita.

"Kyaaahh!" Magkayakap na sigawan ng dalawang batang babae ng may nilalang na lumapag sa kanilang harapan.

"*Sigh* Kids..." Buntong hininga ng isang batang lalake na may kasuotang Hanfu na naka pameywang sa harapan ng dalawang nagsisigawang mga batang babae.

"Rox, bisita natin iyan, at kasing edad mo lang ang mga iyan ano ba. I'm sorry 1st Qin and her companion at ginulat pa kayo ng kapatid ko." Lapag ng isa pang batang lalake na sakay sakay ng kaniyang Spear.

"Kuya Xian, bakit ka naandito?" Naiiritang sigaw ng batang lalaking nagngangalang Rox.

"Dahil padating ang bisita natin galing QinSan, alam kong may kalokohan ka nanamang gagawin kaya sinundan agad kita. And to my surprise pinaiyak mo kaagad ang mga bisita nang hindi palang sila nakakapasok sa ating lugar-" Sambit ng batang nagngangalang Xian.

"I didn't do anything, I found them balling their eyes out-" Rox

"Sorry *Sniff*, hello I'm Ren Yoin, 1st Qin's personal bodyguard. We're here to assist your Clan for your annual Beast Hunting. Can we enter ZenSan?" Tumayo si 1st Ren upang ipakilala ang sarili na siyang ikinatanog nalamang ng magkapatid na Zen.

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon