Tale 91

60 2 0
                                    

Third's P.O.V

"Hindi ka makakatakas sa mga kasalanan mong ito, isinusumpa ko, hanggat hindi ako nakakaganti sa lahat ng pinaggagawa mo sa akin, hindi ako matatahimik!" Sigaw ng isang babaeng buntis habang pilit pumapalag sa pag kuha ng kaniyang dugo.

"You're in labor, this is the last time I could get a pure Weapon out of you- and don't worry, I won't let you live after I deliver your baby, so you can rest your revenge thing, the Kaans won't be able to save you!" Naka ngising sambit ng isang babaeng may puting buhok.

"Zen Xi, please..." Baling ng buntis sa lalaking naka tayo lang sa gilid.

Walang nagawa ang lalaki kundi manuod lamang, alam niyang para sa kinabukas ng anak niya ang Weapon na ito, at kung gusto niyang mailigtas ang anak niya sa labas, kailangan niyang sumunod sa kaniyang asawa.

"Patawarin ka sana ng mga Diyos, hindi pa huli ang lahat, ilayo mo ang ating anak sa lugar na ito- tumakas ka na at magbago..." Mga huling salitang binitawan ng babae bago siya malagutan ng hininga dahil sa panganganak.

"Take care of this, the Kaan is on it's way!" Sambit ng babaeng may puting buhok bago ito naglaho dala dala ang bagong panganak na bata.

"I won't rest until I kill her, even if it takes me years!" Sigaw ng isang tinig sa kawalan habang pinagmamasdan ang lalaking nagbigay sa kaniyang katawan ng tamang paglilibing.

"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry!" Rinig niyang paghihingi ng patawad nito sa kaniyang libingan.

"Thank you for letting our child live, thank you for showing me mercy, until we meet again!" Sambit ng tinig sa kawalan na walang nakakarinig.

"Binding Curse Crafted, reincarnating in 3...2...1!" Sambit ng tinig na parang galing sa ilalim ng lupa.

Nang malaman ng Kaan Clan ang pag panaw ng kaisa isang anak ng kanilang Clan Leader ay isinumpa nila ang taong responsable sa pagkamatay nito, at sila'y gumawa ng sumpaan kay Death na ang kanilang Binding Craft ay para lamang kay Madame ZenLe, ang pinaka malakas na Cultivator na hindi nila kayang talunin kahit anong gawin nila, dahil isa itong Demon, ang pinanggalingan ng kanilang Craft na itinago sa lahat ng Cultivators ng kanilang mga ninuno na nagnakaw mismo sa pamilya nito!

"Kahit anong gawin ninyo ay hindi nyo ako matatalo, tandaan mo yan, kahit bumalik ka pa!" Sambit ng isang babaeng may puting buhok at mga sungay sa isang Kaan na naghimasok sa kanilang Chamber at kinitil ang buhay nito!...

Sa kabilang dako ay may isang dalagang namatay sa lunod ang bigla nalamang nabuhay, dahan dahan itong umahon sa tubig at nag inat.

"Mien! Akala ko patay ka na, ang tagal mong umahon!" Lapit dito ng isang grupo ng mga dalagang basa.

"S- sorry kinapitan kasi ako ng mga ugat sa paa ko." Ngiti nito bago sila nagsiuwian.

"Mag iingat ka kase sa pag talon sa ilog, ikakasal ka pa naman sa isang Crowned Clan Leader. Ano nalamang ang sasabihin namin kina MinLe kung natigok ka ngayon, siguradong pupugutan nila kami!" Nag aalalang sambit ng isa pang dalaga.

"Don't worry, I didn't die didn't I?" Sambit ng dalagang nagngangalang Mien na ikina ngiti nila.

Hindi nila pansin ang malaking ngisi ng dalagang ito, lingid sa kanilang kaalaman na ang dalagang kasama nila ay may ibang katauhan na.

"Year 493?!" Hindi makapaniwalang saad ni Mien ng mabasa ang taon sa kanilang kalendaryo.

Hindi siya makapaniwalang inabot siya ng ilang taon bago nabuhay muli, at lalong gumuho ang kaniyang mundo ng mapagtantong patay na ang kaniyang buong Clan!

The Soul CultivatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon