CHAPTER I

2.9K 63 5
                                    

AIAH'S POV


"Lim! Vergara!" Tawag ni Sheena sa dalawang piloto. "Catacutan!" Tawag naman nung Vergara kay Sheena, nakita ko yung name tag e. "Ang gandang gwapo niyo naman talaga sa uniform niyo" Ngiting ngiti na sabi ni Sheena. Okay, sa amin nga ang punta nito dahil kakilala naman pala nitong kaibigan ko. Saglit pang nagyakapan ang tatlo kaya naman nag excuse na lang muna ako sa kanila.

"Bo, bili lang akong kape natin" Paalam ko sa kaniya. Pipigilan pa sana niya ako ng bigla na lang akong umalis sa harap nila


"Hmm, next time ko na lang pakilala sa inyo bestfriend ko kapag hindi na siya allergy sa mga piloto kagaya niyo" Rinig ko pang sabi niya sa mga kaibigan niya. Napaikot na lang ang mga mata ko sa sinabi niya at dumiretso na lang sa nakita kong coffee shop.


Bo, ang tawagan namin ni Sheena. Pinaikling BOBO. Nagkakilala kasi kami dahil sa kabobohan namin noong unang araw namin bilang college. Parehas ba naman namin itulak yung pinto sa library na may sign na pull e. Sinabayan pa niya ng malakas na tawa kaya natawa na rin ako, ang ending, Deans Office. Mga bobo.



Pagbalik ko sa kanila ay kausap pa rin ni Sheena ang dalawang piloto kaya naman dahan dahan lang akong lumapit sa kanila. "Kapag nakuha ko na schedule ko sa Thursday at Friday doon lang ako makakapag decide" Usap naman nung pilotong si Lim. Sa nametag ko ulit nakita hehe. Well, siguro nga maganda na pogi nga itong Lim na ito, kahit hindi siya mag uniform, sa tangkad, sa puti at ganda ba naman ng katawan niya e. Kung tutuusin kagaya niya ang mga tipo ko, maputi, may katangkaran, hindi kalakihan yung katawan, hindi rin kapayatan, yung tama lang kapag nagsuot siya ng dress o hindi kaya suit.


"Bo!" Sigaw sa akin ni Sheena. "Huh?" takang tanong ko. "Sama ka sa amin sa Friday, Siargao. Tamang tama sa mga vlogs mo" Nakangiting yaya pa niya habang nakaabang sa sagot ko ang dalawang piloto na si Lim at Vergara. "Try ko, bo" Sagot ko. Gusto ko rin sanang sumama kaso ayokong may kasamang piloto. Kaya lang ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ko sila pasasamahin sa sarili nilang lakad, hindi ba?



"Una na kami Catacutan, may flight pa kami" Paalam ni Vergara kay Sheena. Tumango naman si Sheena at nakipag fist bump pa sa dalawa. "Okay okay, see you" Nakangiti pang sabi ni Sheena. Ngumiti naman muna sa akin si Vergara at naglakad na sila palayo kasama nung Lim. Mukhang masungit, panget kabonding.


"Kung si Lim ang nais mo, nako girl! iwas iwasan mo na, pamilya ng mga piloto yan" Paalala naman ni Sheena, napailing na lang naman ako at inabot na sa kaniya ang kape niya. "Kahit hindi mo sabihin iiwasan ko talaga, piloto te oh! baka hindi pa nakakapasok sa bahay ng mga kuya yan bigla na lang paalisin" Natatawang sabi ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin ng nakakaloko at sinundot sundot pa ang tagiliran ko "Crush mo nga? oyyyy" Asar pa niya, umiwas naman ako sa kaniya at hinila na ang maleta ko "Don't worry hindi ko sasabihin kay Tita at Kuya Akira" Ngiting ngiti pa na sabi niya ng makasabay na siya sa paglalakad ko. Kung kailan bente singko na ako tsaka pa talaga ako nagkacrush ah, ibang klase ka talaga Aiah.


"Bo, sumama ka sa amin ah, alam kong gusto mo rin" Usap pa niya habang naglalakad kami palabas ng parking lot sa airport. "Pero bo—


"Walang pero pero, isa pa, hindi sila pupunta ron bilang piloto. Pupunta sila ron bilang kaibigan ko at hindi piloto" Seryoso ng sabi niya. Sa amin talaga dalawa, si Sheena ang mas maaalalahanin, kaya pag kasama ko siya sa mga travel ko ay parang kasama ko na rin ang mommy ko. Well, hindi naman magpapalose yan at tita Aiah rin ang itatawag niyan sa akin. Ewan ko ba ron!

"Okay okay" Sagot ko na lang.


Nang makarating kami sa labas ng bahay ni kuya Aki ay nandoon na sa labas si kuya at ang mga pamangkin ko para sunduin kami, nang itigil na ni Sheena ang sasakyan niya ay pinukpok na ni kuya ang compartment para pabuksan ito kay Sheena "Consistent si kuya Aki ah, napaka supportive sa gala mo" Natatawang sabi niya tsaka bumaba ng kotse niya, pagbaba ko naman ay masayang kaming sinalubong ng dalawang pamangkin ko na kambal na sila Carter at Cooper. "Tita Aiah" "Tita Sheena" Sabay nilang sabi, Umupo naman ako ng bahagya para yakapin sila "Namiss ko kayong kambal" Sabik na sabik na sabi ko sa kambal habang yakap yakap sila at niyakap din nila ang tita Sheena nila "Pasok ka na muna Sheena, dito ka na muna matulog at gabi na, naghanda rin ang ate Gwen niyo ng hapunan" Hindi ko nga pala nasabi sa inyo, ate ni Sheena si Ate Gwen na siyang napangasawa ng kuya ko kaya naman hindi niyo talaga kami mapaghihiwalay nitong si Sheena.

Pagpasok namin sa loob ay pinadiretso na kami ni kuya sa dining area dahil doon naghihintay si Mommy at ate Gwen. "Mommy amanda" Sabik na sabik na sabi ni Sheena sa mommy ko at niyakap pa ito. "Hoy bo! ako yung totoong anak, makayakap ka naman sa mommy ko" Saway ko sa kaniya pagkababa ko ng bag sa upuan. "Anak na rin ako ni Mommy amanda huwag ka nga" Saway niya sa akin at umupo na rin bago bumati sa ate niya, yumakap na rin at humalik naman na muna ako kay mommy bago umupo. "Kamusta kayo rito mommy?" Tanong ko kay mommy. "Okay naman, salit salitan kami ng ate Gwen niyo sa kambal, mabuti na lang at meron na akong mga apo na naglilibang sa akin dito" Nakangiting sagot niya "Padagdagan niyo na po kay Aiah, mommy amanda" Natatawang usap pa ni Sheena. "Nako! tatanda na yatang dalaga yan katulad mo Sheena" Natatawa naman sabi ni Ate Gwen "Hindi ka sure ate" Proud na proud pang sabi ni Sheena sa ate niya "Basta kapag usapang lalaki, dadaan na muna sa amin tatlo ng kambal yan, diba mga anak?" Tanong pa ni Kuya Akira sa mga anak niya, tumango naman ang dalawang kambal habang hawak hawak ang fried chicken nila "Hindi nila pwedeng saktan ang tita Aiah at tita Sheena namin" Usap pa ni Carter, ang nauna sa kambal. Natawa naman kaming lahat at kumain na rin.



Bukas makalawa aalis nanaman kami ni Sheena, minsan lang talaga kami makumpleto sa hapag kainan

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now