CHAPTER XLVIII

1.6K 33 1
                                    

Nang tuluyang makaalis si Aiah ay agad na nilapitan ni Maloi ang kapatid at niyakap ito pero agad din humiwalay sa yakap niya si Mikha para lapitan si Akira at ang Mommy nito na si Amanda. Kinagulat naman ng lahat ng biglang lumuhod ito sa harap ng mga Arceta.

"Alam ko ho na malabong mapatawad niyo pa ako. Pero nandito po ako sa harap niyo, humingi ng kapatawaran kahit alam ko hong malabo" Umiiyak na sabi ni Mikha habang nakayukong nakaluhod

"Patawarin niyo rin po ako kung minahal ko ang bunso niyo, kung kaya ko lang ho sana turuan at pagaling tong puso ko ay hindi ko na rin po hahayaan na may mawala at masaktan pa ng dahil dito" Umiiyak pa rin na dagdag ni Mikha sa mga Arceta.

Ilan sandali pa ay inalalayan na siyang tumayo ng mommy ni Aiah at nakangiting hinarap si Mikha.

"Matagal na kitang pinatawad, Janna" Nakangiting usap nito kay Mikha at maluha luhang pinunasan ang mga luha nito.

"Patawarin mo rin ako kung nagawa kong magalit sayo noon, huli ko na napagtanto na wala ka naman talagang kasalanan, na walang may gusto ng nangyari at tanging aksidente lang ang lahat " Dagdag pa ni Amanda habang hawak hawak pa rin ang mukha ni Mikha.

"Alam ko rin na mayroon kayong relasyon ng anak ko, sinubukan ko man na ilayo siya at ipilit siya sa iba ay alam kong nananaig pa rin ang kagustuhan ng puso niya. Ikaw ang gusto ng puso niya, ikaw ang mahal ng anak ko, noon mapa hanggang ngayon, pero alam kong nabalutan nanaman ng poot at galit ang puso niyang yon dahil sa nalaman niya" Usap pa ni Amanda, napayuko naman si Mikha at niyakap si Amanda.

"Patawarin niyo ho ulit ako at hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat, pero hayaan niyo ho muna akong sundan at ihatid ko ang anak niyo kahit na sa malayo. Dahil hindi ko ho alam kung kailan at kung mapapatawad pa ho ba niya ako" Usap ni Mikha sa mommy ni Aiah at niyakap ito.

"I'm sorry, Tita Amanda" Paghingi ng pasensya ulit ni Mikha at agad din na humiwalay sa yakap para lapitan si Akira.

"I'm sorry kuya Akira" Usap pa ni Mikha kay Akira, ngumiti lang naman si Akira at niyakap ang dalaga.

"Pasensya ka na sa mga sinabi ng kapatid ko ah" Paghingi naman niya ng pasensya sa dalaga.

"Alis na ho muna ako" Paalam niya sa mga Arceta at mabilis na tumakbo palapit sa kotse niya. Agad din naman sinundan ng magkakaibigan si Mikha at mabilis na pinatakbo ang kotse.

Ngunit nang nasa kalagitnaan na ng daan ay bigla na lamang nanikip ang dibdib ni Mikha na siyang dahilan kung bakit nawalan na siya ng kontrol sa manibela hanggang sa


*beep
*beep
*beep

"Mikha!"

"Lim!"

"Mikhs"

"Tangina! Bro!"

*beep
*beep
*beep

*szszszsszszsszsss

*Boooogggsssss

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon