CHAPTER XVII

1.7K 44 0
                                    

"Hmm, nagtext sa akin si Sheena" Usap ni Aiah habang nakatauon pa rin sa cellphone niya

"Ano sabi?"

"Na nasa condo mo nga raw siya kaya doon na raw ako dumiretso" Sagot ni Aiah, tumingin lang naman sa kaniya si Mikha

"Ang alam kasi ni kuya, si Sheena ang kasama ko kaya baka sabay na kami umuwi mamaya" Paliwanag ni Aiah, napatango na lang naman si Mikha at lumiko na daan papunta sa condo niya.


Iniwan naman na nila Mikha ang bagahe ni Aiah sa kotse niya para hindi na sila mahirapan magbitbit pa kapag aalis na sila Aiah at Sheena. Pag akyat naman nila sa condo ni Mikha ay naiba ang ayos nito kaya nagdikit nanaman ang kilay ng dalaga


"Welcome back, lovers!" Sigaw ni Colet pagpasok ng dalawa, binato naman sa kaniya ni Mikha ang bag na dala dala nito at dumiretso sa kusina. Nilibot libot naman ni Aiah ang paningin niya sa condo ni Mikha at doon niya nakita ang picture frame kung saan nandoon ang litratoni Mikha na naka uniform bilang piloto.

"Pogi niya lalo kapag naka uniform no?" Kunwaring kinikilig kilig pang bulong ni Sheena sa kaibigan

"Pang piloto yung uniform sis" Bulong ni Aiah sa kaibigan kaya tinarayan na lang siya nito.


"Care to explain?" Usap ni Mikha sa kaibigan na si Sheena pagbalik niya sa sala habang binubuksan ang beer in can na kinuha niya sa ref niya.

"Well, alam naman namin na gray ang favorite color mo kaya ——

"Luma na yan, hindi ko bibilhin yan" Pagpuputol ni Mikha sa paliwanag ng kaibigan at ininom ang beer

"Okay, kahapon pa talaga namin to sinimulan kasi nag aalala na kami sayo, hindi pwedeng beer ang laging pampatulog mo, kaya medyo dark na tong condo mo kasi mas makakatulong sayo pag dim yung paligid mo para makapag relax ka tsaka para makatulog ka agad" Paliwanag ng nurse nilang si Stacey. Napabuntong hininga na lang naman si Mikha at lumapit sa mga kaibigan

"Okay, thanks" Usap ni Mikha sa apat na kaibigan at hinalikan ang dalawang babae sa ulo at nakipag fist bump naman sa mga hindi siguradon mga babae na si Jhoana at Colet. joke


"Pero okay lang ako. Don't worry" Nakangiting usap pa niya sa mga kaibigan niya pero nagkunwari na lang ang mga kaibigan niya na naniniwala at tumango


"Nga pala, may nilagay na rin akong mga gamot sa medical kit mo, napansin ko kasi na wala nang laman yon nung last na punta ko rito" Napatango naman si Mikha ng marinig ang sinabi ng isa pa nilang nurse na si Jhoana.


"Kapag nagkasakit ka naman tawagan mo kami, nagugulat na lang kami na ubos na gamot mo lagi e" Napapailing na sabi ni Colet sa kaibigan. Sasagot pa sana si Mikha ng biglang nagsalita si Sheena

"Nagluto ako, mag dinner na tayo" Yaya ni Sheena at hinila na ang kaibigan na si Aiah papuntang dining area.

"Transfer ko na lang sa mga account niyo yung mga nagastos niyo" Napatingin naman sa kaniya ang mga kaibigan niya ng maupo na ito sa kanilang mga upuan.

"Hindi namin kailangan ng pera mo" Napapailing na sabi ni Colet habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng nobyang si Sheena

"Ikaw mismo ang kailangan namin" Dagdag pa ng nobiya nitong si Sheena

"Nakuha na ni Colet ang sched niyo for next week, off niyo ng Saturday at Sunday kaya mag Papalawan tayo!" Excited na sabi pa ni Stacey na para bang hindi sila nahirapan ni Jhoana na kumuha ng off sa sarili nilang hospital na pinagtratrabahuan.

"At bilang bayad, sasama ka sa amin ng wala kaming maririnig na reklamo sayo" Dagdag pa ni Jhoana na mayabang na tumango dahil alam niyang kontrolado nila si Mikha.

"Hoy! kasama ka rin don kaya tapusin mo na mag edit niyang Baguio Trip niyo" Usap naman ni Sheena sa kaibigan na si Aiah na busy sa cellphone.

"Hmm okay" Nakangiting sagot ni Aiah

"Ano? Sagot!" Tanong pa ni Jhoana

"Okay" Sagot din ni Mikha kaya naman napangiti si Colet

"It's liver lover. boy!" Nakakalokong usap pa ni Colet sa kaibigan kaya pasimple pa siyang hinampas ni Sheena.

"Para kang tanga, kumain ka nga" Saway nito sa nobya. Matapos kumain at gawin ang mga dapat na gawin ay sa sala na tumambay ang magkakaibigan para planuhin na ang bakasyon nila sa Palawan. Nang matapos ang pagplaplano ay si Aiah naman ang nasilip ni Stacey ng mapansin nitong sobrang busy nito sa kaniyang Cellphone.

"Ikaw naman, Sheena. Hindi mo man lang sinabi na taken na pala tong kaibigan natin" Natawa naman si Sheena habang napapailing na lang si Aiah ng mapagtantong siya ang tinutukoy ni Stacey.

"Taga saan sis? Pogi ba?" Interesadong tanong pa ni Stacey rito. Habang pasikreto pang nagkalabitan ang dalawa pa nilang kaibigan na si Colet at Jhoana habang nakatingin kay Mikha.

"Wala, kaibigan ko lang to si Gelo" Nang marinig ni Colet ang pangalan ni Gelo ay grabe na ang pagpipigil niya sa tawa niya habang kinukulit siya ni Jhoana na sabihin kung sino si Gelo. Sinamaan lang naman sila ng tingin ni Mikha at ininom na lang ang beer.

"Oww. Gelo, pangalan pa lang mukhang magugustuhan na ng mommy at kuya mo" Chika pa ni Stacey kaya hinampas na siya ni Sheena habang tinuturo si Mikha gamit gamit ang mata. Napabilog naman ang bibig ni Stacey ng marealize ang gustong iparating ni Sheena.

"Joke! syempre dapat don ka sa mahal ka diba tsaka sa mahal mo rin para mahal niyo yung isa't isa" Usap pa ni Stacey at nag peace sign sa kaibigan na napahilamos na lang ang mga kamay sa kanilang mga mukha

"Pagod na ako, tulog na ako" Paalam ni Mikha habang nililigpit ang mga lata ng beer.

"Bukas na kayo umuwi. Sa kwarto ko na lang kayo Colet, Jhoana. Sa guest room kayong tatlo Goodnight" Usap pa ni Mikha bago tuluyan iwan ang mga kaibigan sa sala. Saglit pa silang natahimik bago tuluyan ipagpatuloy ang pagkwekwentuhan nila sa tulong ng pagiging makulit ng mag nobyang si Jhoana at Stacey.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon