CHAPTER IX

1.7K 48 0
                                    

AIAH'S POV

"Dito na lang muna siya sa sala. Baka magkalat pa ron sa kwarto e" Sabi ni Sheena matapos punasan ang mukha ni Mikha ng basang bimpo at pulbusan. Maalaga talaga tong si Sheena kahit kailan.

"Tulog na kami, Aiah. Maaga pa flight ko bukas, may pasok din tong si Sheena. Ikaw ba?" Tanong sa akin ni Colet habang hawak hawak na ang kamay ni Sheena. Alam ko na nga rin pala na sila na, sinabi nila sa akin pagpasok nilang dalawa rito kaya nalaman rin namin na wala si Mikha dahil ibabalita sana ni Colet yung good news kaso wala ito sa kwarto niya habang tulog na tulog naman na sila Jhoana at Stacey.

"Wala pa naman ako ganap, hapon pa naman din flight namin nito ni Boss baby pabalik ng Manila, mag eedit na lang muna ako rito" Nakangiting sagot ko kay Colet, tumango naman silang magjowa kaya binuksan ko na lang ulit ang laptop ko.


"May kaniya kaniya silang tawagan" Rinig ko pang bulong ni Sheena kay Colet. Napailing na lang naman ako


"Bo, naririnig pa kita" Nasabi ko na lang, nakangiti naman siyang nag peace sign atsaka lumapit ulit sa akin para yakapin ako


"Goodnight bo. Thank you ulit" Todo ngiting sabi niya tsaka tumakbo na paalis para magpahinga. Huminga naman muna ako ng malalim bago simulan ang pag eedit.



"I'm sorry, Dad. I'm sorry" Rinig kong usap ni Mikha. Napatingin naman ako sa kaniya pero tulog pa rin ito. Tumagilid naman siya at pinatong ang mukha sa dalawang kamay niya at tahimik na ulit natulog. Cute.




"Sorry" Sabi pa niya kasabay ng luhang pumatak sa mga mata niya, lumapit naman ako sa kaniya at naupo sa baba ng sofa



"Ang bigat ng dinadala mo, sinabi ko naman sayo na mag open ka sa akin, makikinig naman ako sayo" Napapailing na sabi ko na lang at pinunasan ang luha niya. Bigla naman nag ring ang phone niya na nasa tabi niya. Ate Maloi.


"May ate ka pala" Hindi ko sinagot yung tawag dahil hindi naman para sa akin yon, napansin ko rin na marami ng text galing sa ate Maloi niya kaya kinuha ko na ang phone niya para ichineck.


Uwi ka na bunso.

Matagal ng wala si Daddy. Huwag mo na sisihin ang sarili mo.

Huwag mo na rin pahirapan ang sarili mo. Mapapatawad ka rin nila Mommy.

Nandito lang si Ate. Tawagan mo ko, please.



"Hindi pala talaga biro pinagdadaanan mo" Nasabi ko na lang at hinawakan ang mukha niya. Sana sa susunod na pagkikita natin mag open ka na sa akin. Sana magkita pa tayo.






——————————————————————

Kinahapunan ay nakarating na sila Aiah at Mikha sa NAIA at doon na muna nag meryenda bago tuluyan maghiwalay. "Uuwi ka na?" Maingat na tanong ni Aiah kay Mikha, umiling naman ito habang ngumunguya. "May flight ako ng 6pm, so may isa't kalahating oras na lang ako para mag ready" Sagot ni Mikha, tumango lang naman si Aiah at pinagpatuloy na lang ang pagkain. "May sundo ka? hatid na kita" Alok pa ni Mikha habang nagpupunas na ng labi "Ahm meron, dadaanan ako ng kuya ko rito" Napatango na lang naman si Mikha at naalala ang pinag usapan ni Aiah at ang kuya nito. basta't hindi ikaw. Aiah. Alam kong maiintindihan pa ni Mommy si Sheena pero ikaw mismo na anak niya, umiwas iwas ka na, tatlo na lang tayo Aiah, ayokong magkagulo gulo pa tayo



Nang matapos kumain ay sabay na lumabas ng restaurant ang dalawa at muling nagharap.


"Sayo na lang 'to" Sabi ni Mikha sabay bigay ng kwintas na binili niya sa souvenir shop ni Aling Tessie. Tinanggap naman ni Aiah yon at nakangiting tinignan ang pendant nito.


"Ang ganda naman nito" Todo ngiting sabi pa ni Aiah

"Ang totoo niyan, gumaganda ka lalo kapag nakangiti ka, kaya kung mayroon kang pagkakataon, huwag na huwag mong ipagkakait sayo 'yon" Seryosong usap ni Mikha habang na kay Aiah ang tingin. Tumango naman ang dalaga at nakangiting humarap din kay Mikha


"Okay, captain!" Sagot ni Aiah, napailing naman si Mikha at humawak sa kaniyang bewang

"Akala ko ba ayaw mo sa captain? alam mo kung gusto mong tumagal tong pagkakaibigan natin, kalimutan mong piloto ako" Nakangiting usap pa ni
Mikha, napaisip naman si Aiah


"Mukhang sa kasal naman na tayo ni Colet at Sheena magkikita ulit e" Usap ni Aiah, huminga na lang naman ng malalim si Mikha at umiwas ng tingin


"Kung ganon, kung sa kasal man nila tayo magkita ulit, pwede bang ngumiti ka kapag nakita mo ko?" Seryosong tanong ni Mikha, taka naman tumingin si Aiah sa kaniya at natawa


"Talagang gusto mong nakangiti ako ah" Napapailing na sabi nito, parehas naman silang napangiti ni Mikha.


"Kaya nga nung binili ko yan, ikaw naalala ko, kaya para sayo talaga yan, palatandaan yan na kailangan mong ngumiti" Nakangiting sagot ni Mikha. Gulat naman tinignan ni Aiah si Mikha ng makita niyang nakangiti ito, iniwas niya ang tingin at doon pinakalma ang sarili. Hindi ka pwede sa piloto, Aiah.


"Oh siya, una na ako, nasa labas na raw yung kuya ko" Paalam ni Aiah habang nasa cellphone ang atensyon, tumango naman si Mikha ng ibaling na sa kaniya ang atensyon ni Aiah.

"Bye, Mikha" Paalam ni Aiah bago tuluyan lagpasan si Mikha, napatango naman si Mikha bago lingunin ulit ang dalaga.


"Smile for me, Queen" Huling usap pa ni Mikha habang nakatingin sa papalayong si Aiah. Nang hindi na niya ito matanaw ay tsaka siya umalis para maghanda na sa susunod niyang flight.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now