CHAPTER VIII

1.8K 45 0
                                    

Kinagabihan ay si Aiah at Mikha naman ang nakatoka para magluto. Mabuti na lang at parehas sila marunong magluto kaya naging madali na lang sa kanilang dalawa ang mga kailangan nilang gawin. "Nakausap niyo na si Sheena?" Tanong ni Mikha kay Aiah habang focus na focus pa rin sa niluluto. Tumango naman si Aiah "Oo. Nung una ang dami pa niyang sinasabi, kami talaga iniisip niya nila mommy hindi ang sarili niya haha pero sinabi ko na itago na lang muna kay mommy kung ayon ang iniisip niya" Sagot ni Aiah habang naghihiwa ng ilang mga rekado para sa niluluto nilang sinigang na hipon. "Hanggang kailan niyo naman balak na itago?" Tanong ni Mikha na nakatingin na kay Aiah "Siguro kapag alam na namin na okay na si Mommy, uuntiin tiin na lang muna namin" Nakangiting sagot ni Aiah kay Mikha, napatango na lang naman ito at nagpatuloy na sa pagluluto. Huwag mo na ipilit ang bagay bagay Mikha. parehas lang kayo mahihirapan




Pagkatapos ng hapunan ay kinausap ni Mikha si Colet na kausapin na si Sheena habang kinausap naman ni Aiah si Sheena na kausapin na si Colet.

Mabuti na lang ay hindi na nagmatigas ang parehas nilang kaibigan at nakinig na lang sa kanila. Nang mag usap na ang dalawa sa tabing dagat ay naiwan sa naturang bahay nila sila Aiah, Mikha, Jhoana at Stacey. "Una na kami sa kwarto Miks, Aiah, maaga pa flight namin bukas tas may duty pa kasi sa hapon" Paalam ni Jhoana kila Mikha, tumango naman ito "Goodnight Aiah" Nakangiting paalam pa ni Stacey rito "Goodnight" Nakangiting sagot naman ni Aiah. "Una na rin ako sa kwarto ko, mag eedit na muna ako ng video" Paalam ni Aiah kay Mikha. hindi naman na tumingin sa kaniya ito at tumango na lang. Kanina pa siya tahimik, i mean, oo tahimik siya pero madaldal siya pagdating sa akin e. Bakit kaya?



"Anong plano?" Tanong ni Sheena kay Colet. Nakaupo lang sila ngayon sa buhanginan habang tahimik na magkatabi. "Ikaw lang naman hinihintay ko" Natatawang sagot ni Colet na nanatiling nasa dagat ang tingin. "Nabanggit na sa akin ni Mikha na nakausap na ni Aiah ang kuya niya at ang ate mo, okay lang naman daw sa kanila at kaya naman daw itago hanggat hindi pa okay ang mommy ni Aiah. Alam kong nasabi na rin sayo ni Aiah yung tungkol don, kaya ikaw ang dapat kong tanungin. Anong plano?" Seryosong sabi ni Colet at nakatitig sa mukha ni Sheena na kanina pa walang emosyon.

"Okay game! sorry kung natagalan" Nakangiting sabi ni Sheena at hinawakan ang mukha ni Colet "So? pwede na kitang ligawan?" Todo ngiting tanong ni Colet, nakangiti naman umiling si Sheena at umiwas ng tingin. "Huh? Akala ko ba —." Hindi na natapos ni Colet ang pagrereklamo niya dahil hinalikan siya sa labi ni Sheena at parehas na lang napangiti habang magkalapit pa rin ang kanilang mga labi "Tayo na" Nakangiting sabi pa ni Sheena. Nanlaki naman ang mata ni Colet at napangiti "Diyos ko, Lord! Thank You!" Sigaw ni Colet bago yakapin si Sheena "I love you, Catacutan" Bulong pa ni Colet sa nobya. "I love you too, Vergara" Sagot naman ni Sheena, nakangiti naman napatitig sa kaniya si Colet atsaka hinalikan ang noo ni Sheena. The longer you wait for something, the more you''ll appreciate it when you get it.




"Captain Lim! mag isa ka lang?" Bati naman ng isang bar owner kay Mikha, umiling naman si Mikha bilang sagot "Kasama ko yung ilang kaibigan ko, may mga hangover pa kaya ako na lang mag isa umalis" Sagot ni Mikha. Inabot naman na sa kanya ng isang waiter ang alak na inorder niya saka niya ininom "Ganon ba? dalas dalasan mo naman pagdalaw dito halos tatlong buwan na nakalipas nung huling punta mo rito" Usap pa ng isang bar owner na si Matthew. "Hanap mo kong lupa para rito na ako umuwi" Nasagot na lang ni Mikha. Gulat naman tumingin sa kaniya si Matthew at napatango na lang "Aye aye Captain" Sagot ni Matthew at nagpaalam na.


"Hoy, Captain! kaya mo ba talaga magdrive?" Nag aalalang tanong ni Matthew. Tumango lang naman si Mikha at pagewang gewang na pumunta sa isang souvenir shop sa labas ng bar ni Matthew. "Aiah" Usap ni Mikha sa kwintas na mayroon smiley face "Captain, kunin mo na yan" Nakangiting alok ng tindera kay Mikha, tumango naman ito at dumukot ng pera sa kaniyang wallet "Ito ho, Aling Tessie" Nakangiti pang sabi ni Mikha sa tindera at kinuha ang kwintas tsaka nilagay sa kaniyang bulsa "Captain, hindi na, minsan ka na lang dumalaw rito e" Usap pa ni Aling Tessie habang inaabot pabalik ang pera ng binata, umiling naman si Mikha at sumakay na sa motor na nirentahan nila "Dagdag puhunan niyo na ho yan Aling Tessie, babalik na lang ho ako sa susunod" Nakangiti naman nagpasalamat si Aling Tessie at pinaalalahanan na mag iingat sa pagdadrive  ang piloto



"May mga kakilala naman si Mikha rito kasi madalas na talaga siya rito kaya sure akong safe yon" Pagpapakalma ni Colet sa nag aalala niyang girlfriend na si Sheena at bagong kaibigan na si Aiah. "Paano kung maaksidente yon?" Napapailing na tanong ni Aiah, gulat naman napatingin sa kaniya ang bagong magkasintahan "Aksidente agad?!" Sabay nilang tanong, napaiwas na lang naman ng tingin si Aiah at hindi na nagsalita "Kaya niya yan, eroplano nga dinadrive niya kahit nakainom e" Sabay naman napatingin kay Colet si Aiah at Sheena kaya napatawa ito ng malakas "Syempre joke lang" Tawang tawa na sabi nito. Makalipas lang ng isang minuto ay nakarinig na sila ng malakas na kalabog kaya naman dali dali rin silang lumabas at tinignan kung si Mikha na ba ito


"Sabi na e, hindi pwedeng hindi malasing to e" Napapailing na sabi na lang ni Colet at tumakbo palapit sa kaibigan na natumba na sa mga damuhan "Jusko! buti nakauwi pa yan" Napapailing na lang na sabi ni Sheena "Lasinggera ba talaga yang kaibigan niyo?" Kunot noong tanong ni Aiah "Malaki lang talaga problema niya kaya hindi rin namin siya masisise" Sagot lang ni Sheena "Lovelife?" Tanong pa ni Aiah, umiling naman ang kaniyang kaibigan "Family" Simpleng sagot lang ni Sheena at iniwan si Aiah para lumapit na kay Colet at Mikha.

Because alcohol tastes better than tears.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now