CHAPTER LVI

2K 55 8
                                    

"Whoooaa! Yare! Patay tayo nito Jhoana"

"Yare talaga tayo, lalo na ako kay Stacey pag nalaman niya 'to" Usap ng dalawang magkaibigan na si Colet at Jhoana ng puntahan si Mikha sa isang bar.

Nang makaupo na ang dalawa sa tabi ni Mikha ay agad din naman silang kumuha ng alak nila at kinamusta ang kaibigan.

"Celebration ba 'to o ano?" Tanong ni Jhoana sa kaibigan tsaka ininom ang alak niya.

"Kamusta ang family bonding, bro?" Tanong pa ni Colet sa kaibigan.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na may karelasyon na pala noon si Aiah?" Tanging usap lang ni Mikha sa dalawa, nagkatinginan na lang naman ang dalawa at parehas na hindi malaman ang gagawin at sasabihin.

"Talagang nirecord niyo pa mga pinagsasabi ko kagabi at pinarinig niyo pa sa kaniya" Seryosong usap pa ni Mikha sa dalawa.

"Kaibigan din ba natin yung ex niya? Kung hiwalay man na talaga sila" Tanong pa ni Mikha sa dalawang kaibigan, napanganga na lang naman ang dalawa at parehas na hindi alam ang sasabihin.

"Nevermind, pag sabihan niyo na lang kapag nakita niyo. Mahal na mahal siya ni Aiah at hindi niya dapat sayangin yon" Huling usap na lang ni Mikha at nagpatuloy na lang sa pag inom. Nakahinga naman ang dalawang magkaibigan at dinaan na lang din sa inom ang kaba.

"Kaya ka ba nandito ulit sa bar ngayon? Tagal mo ng hindi nagyaya, siguro, simula nung nagising ka galing sa pagkakatulog mo ng anim na buwan" Panimula naman na ni Colet.

"Ewan, namiss ko lang siguro uminom" Palusot pa ni Mikha.

"Hindi na bebenta yan, matagal na tayong magkakaibigan, Mikha. Mga nasa tamang edad na nga rin tayo para mag asawa e, hindi mo kami maloloko" Biglang usap naman ni Jhoana.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Colet sa kaibigan, umiling naman si Mikha bilang sagot.

"Okay naman, mukhang masaya naman si Aiah, mukhang nag enjoy naman si Baby Queen" Sagot ni Mikha, sabay naman napatingin ang dalawa sa kaniya.

"Oh anong problema?" Takang tanong ni Jhoana kay Mikha.

"Wala naman problema, sino ba naman kasing may sabing may problema?" Takang tanong ni Mikha sa dalawa, napailing na lang naman ang dalawa at ininom ang mga alak na nasa harap nila.

"Malalasing ako sa isang to" Nasabi na lang ni Jhoana. Huminga na lang naman ng malalim si Mikha at inenjoy na lang din ang alak niya.

Matapos ng napakaraming shot ay nagkaroon na ng lakas ng loob si Mikha na tanungin ang dalawang kaibigan patungkol kay Aiah.

"Anong nangyari sa dalawa?" Biglang tanong ni Mikha, napatingin naman ang dalawa sa kaniya.

"Sinong dalawa?" Tanong pa ni Colet.

"Kay Aiah tsaka roon sa sinasabi niyang taong mahal niya" Sagot ni Mikha, napatango naman si Colet.

"Ikaw na magkwento, Jhoana" Biglang usap niya at hinampas pa ang balikat ng kaibigan.

"Bakit ako? Bahala ka diyan" Sagot pa ni Jhoana at tinalikuran ang dalawang kaibigan.

"Ganto kasi yan. Piloto rin kasi yung karelasyon non ni Aiah, e ayaw ng pamilya ni Aiah sa mga piloto gaya natin, kaya nung nalaman ng kuya ni Aiah na may karelasyon ngang piloto kapatid niya, doon na nagkanda labo labo lahat. Hindi na nagparamdam si Aiah simula non, hanggang sa pinuntahan na nga non si Aiah sa kanila ng malaman niyang aalis na si Aiah pa Canada tas ayon hanggang sa may nalaman na lang din si Aiah na kinagalit niya sa karelasyon niya" Kwento ni Colet.

"Ano naman yon?" Takang tanong pa ni Mikha.

"Ahh, ehh ——-

"Tatayo ka diyan o tatayo ka diyan?!" Napalingon naman si Colet at Mikha sa nagsalita at laking gulat ng makitang nasa harap na ni Jhoana ang nobya nito at kaibigan nilang si Stacey.

"Mas mabuti kong aalis na tayo" Bulong ni Colet sa kaibigan. Napatango na lang naman din si Mikha dahil sa pagkakagulat. Ngunit ng makatayo na sila ni Colet ay laking gulat nila ng makita rin sa harap nila si Aiah at Sheena.

"Kung hindi lang talaga kita mahal, hindi talaga ako susunod sayo rito" Bulong na lang ni Colet sa kaibigan.

"Salamat sa pagmamahal niyo, mahal ko rin kayo kaya sama-sama tayo hanggang sa sermon ng mga 'to" Bulong na lang din ni Mikha sa kaibigan bago makatanggap ng irap mula kay Aiah.

Nang makarating sa bahay ni Mikha ay sabay-sabay na napaupo at napasandal sa sofa ang tatlo dulot ng kalasingan.

"My god! Jhoana. Alam mo naman na hindi pa pwedeng magpakalasing ng ganyan si Mikha, hindi ba? Naturingan ka pa naman, nurse!" Sermon ni Stacey sa kaniyang nobya. Bahagya naman lumapit si Mikha sa kaibigan.

"Sorry, bro. Bawi na lang ako sa kasal niyo, kung aabot" Bulong ni Mikha.

"Isa ka pa, Colet! Naturingan ikaw ang pinaka matanda sa mga yan nakisabay ka pa!" Sermon pa ni Sheena sa nobya niya.

"Langya, napagalitan ka ng bunso, bro" Bulong pa ni Mikha sa kaibigan, narinig naman yon ni Jhoana kaya bahagya pa itong natawa. Natahimik na lang naman sila ng makita nilang binato si Jhoana ng unan ng nobya nito.

"Oh! Anong nangyari diyan? Ngayon ko lang nakitang ganyang kalasing yan" Biglang usap ni Aling Fe ng makita si Mikha habang binibigay niya kay Aiah si Baby Queen na kakagising lang.

"Ewan ko ba diyan, nagpaalam ho, ang sabi may aasikasuhin lang sa kumpanya, malaman laman na lang ho namin na nasa bar pala nag iinom" Usap ni Aiah kay Aling Fe. Nang makita ni Baby Queen si Mikha ay agad naman nitong tinuro at nagyayayang lumapit sa dalaga.

"No, baby, bawal, sinungalin at nakainom yan kaya huwag na huwag kang lalapit diyan" Usap pa ni Aiah sa anak niya, napanguso na lang naman si Mikha at sumandal ulit sa sofa.

"Sorry baby, sorry mommy" Nasabi na lang ni Mikha bago tuluyang makatulog sa sofa. Napailing na lang ang mga nobya ng lasing at hinayaan na lang ang mga ito sa sofa.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now