CHAPTER LXXI

2.2K 47 1
                                    

MIKHA'S POV

Makalipas ng isang taon ay sa wakas, kasal na si Jhoana at Stacey habang abala naman na sila Colet at Sheena para sa nalalapit na kasal nilang dalawa, kami naman ni Aiah ay naging abala lang sa pag aalaga kay Baby Queen at sa pagtutok sa pinagawa namin bahay dito sa Siargao, nitong nakaraan araw lang ay pina bless na namin ni Aiah ang bahay kaya naman ay mananatili na muna kami rito hanggang sa susunod na linggo.

Bilib din naman talaga ako kay Matthew, alam na alam niya talaga kung ano ang pinupunta ko rito sa Siargao, kaya siguro ang napiling niyang ipabiling lupa sa akin ay yung mismong lupa na malapit na sa dagat, kaya naman dalawang malaking gate ang pinagawa namin ni Aiah, ang isa ay sa palabas ng daan at yung isa naman ay malapit sa pinagawa namin kubo palabas ng sa tabing dagat.

Nandito kami ngayon ng baby Queen ko sa tabing dagat, patuloy ko lang inaabangan ang mga kilos niya habang siya naman ay inaabot nang inaabot sa akin ang napupulot niyang Shell.

"Janna!!!!" Biglang sigaw ni Aiah. Sabay naman kaming napalingon ni Baby Queen sa bahay namin bago pa kami magkatinginan sa isa't isa.

"Momik" Usap pa niya atsaka ako tinuro.

"Hindi po ako, baka ikaw yon baby" Hindi rin malaman na usap ko sa kaniya, sabay na lang din naman ulit kami napalingon sa bahay, sabay pa kaming nagulat ng makita na namin si Aiah papalapit sa amin kaya naman ay agad din nagpabuhat sa akin si Baby Queen kaya agad ko rin naman itong binuhat. Kaya natin 'to anak!

"Momai mad" Bulong pa niya sa akin kaya napatango na lang naman ako. Nang makarating na sa harap namin si Aiah ay napatingin na lang din naman ang baby namin sa kaniya.

"Love, sino bang tinatawag mo?" Tanong ko sa kaniya

"Kayong dalawa" Galit na talagang sabi niya. Ano bang ginawa namin?

"Momai, why mad?" Tanong na rin ni Baby Queen sa kaniya. Huminga naman muna si Aiah ng malalim bago tuluyang sumagot.

"Hindi ba sinabi ko naman sa inyong dalawa, bawal na bawal sa inyo ang maraming chips at ice cream" Sagot ni Aiah atsaka ako tinignan ng masama.

"Alam niyo naman na bawal yan sa mga puso niyo, di ba?" Nag aalala ng sabi niya, agad naman nagpabuhat sa kaniya si Baby Queen kaya agad din naman itong binuhat ni Aiah.

"Sowwy Momai" Paiyak ng usap ni Baby Queen, nakita naman iyon ni Aiah kaya agad naman niya itong niyakap. Tama yan, anak, marupok din sayo yang mommy mo e.

"Sorry din, basta sa susunod bawal na maraming chips at ice cream ah" Usap pa ni Aiah sa bata ng humiwalay na ito sa pagkakayakap sa mommy niya at nakayuko na lang itong tumango.

"Kiss mo na si Mommy" Utos pa ni Aiah, agad naman hinalikan ni Queen si Aiah.

"Momik, say sowwy" Usap pa ni Baby Queen habang tinuturo ang mommy Aiah niya.

"Sorry, love" Nasabi ko na lang din at hinalikan din ang labi niya.

______________________

Kinagabihan habang nagluluto ng hapunan si Aiah ay nagpaalam na muna si Mikha at Queen kay Aiah na magpapahangin na muna sa labas, ngunit ang hindi alam ni Aiah ay may mabilisan na inaayos si Mikha sa nipa hut na pinagawa nila kasama ng anak nilang si Queen Janna.

We Fell In love in OctoberKde žijí příběhy. Začni objevovat