CHAPTER LXIX

2.2K 46 3
                                    

Makalipas lang ng ilang araw ay dumating na nga ang ikadalawang taon na kaarawan ni Queen Janna Arceta. Nakarating na rin ang buong pamliya ni Aiah at Mikha pati na rin ang mga kaibigan nito sa isang resort sa Batangas, habang abala naman na ang mga organizer sa pagpapaganda ng venue at pag aayos pa ng ilan pa nilang kailangan ayusin.

"Love, pahinga ka na muna at baka napagod ka sa biyahe" Nag aalalang usap ni Aiah kay Mikha pagpasok na pagpasok ng naturang nilang kwarto sa resort.

"Tama ka, Love. Nakakapagod nga yung biyahe" Usap pa ni Mikha atsaka hinila na rin si Aiah pahiga ng kama.

"Hoy! baka anong oras na tayo magising kapag parehas tayong matutulog" Nag aalangan na usap pa ni Aiah kay Mikha habang nakapikit na itong yakap yakap si Aiah.

"Don't worry, nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga na muna tayo saglit, kaya sa kanila ko muna binilin si Baby Queen" Sagot pa ni Mikha.

"Baka nga kasi ——-

"Ssshhh, rest" Pagpuputol pa ni Mikha sa sasabihin ni Aiah atsaka mas lalo naman nitong niyakap ang nobya.

Kinahapunan ay agad na rin ginising ni Myrla ang dalawa para mag ayos na para sa naturang party ng anak ng mga ito.

"Mom, thank you" Nakangiting pasasalamat ni Mikha sa mommy niya ng pumasok na sa banyo si Aiah

"Sa paggising sa inyo?" Takang tanong ng mommy nito. Umiling lang naman si Mikha at napangiti.

"Sa pagtanggap ulit sa akin, sa amin ni Aiah, lalo na kay Baby Queen" Sagot ni Mikha, napangiti naman ang mommy nito at hinalikan ang pisnge ng anak.

"Naalala ko talaga ang daddy mo sayo, parehas na parehas kayo ng ugali, hirap man sabihin nito pero ang daddy mo rin talaga ang kamukha mo sa amin dalawa" Natatawang usap pa ni Myrla sa anak habang hawak-hawak na ang mukha nito.

"Oh siya! Pupuntahan ko muna ang apo kong inaayusan na ron, sumunod na rin kayong dalawa pagtapos niyo ah" Bilin pa ni Myrla sa anak bago lumabas ng kwarto.

"Yes, Mom! Thank you! I love you!" Sigaw pa ni Mikha sa mommy nito bago tuluyang makalabas.

"Whooaaa!" Biglang sigaw ni Mikha ng makitang nakadress na si Aiah para sa event.

"Crush mo nanaman ako, Ceo Lim" Mayabang na usap pa ni Aiah tsaka umupo na sa harap ng salamin upang tuluyan mag ayos.

"Well, everyday naman, love. Wala ng bago ron" Sagot ni Mikha atsaka hinalikan ang pisnge ng nobya.

"Sus! Sige na! Sige na! Maligo ka na para makapag ayos ka na rin" Nasabi na lang ni Aiah atsaka itinulak na si Mikha papasok ng banyo.

"I love you" Pahabol pa ni Mikha bago tuluyan pumasok sa banyo, nakangiting napapailing na lang naman si Aiah at pinagpatuloy na ang pag-aayos.

Nang magsama-sama na silang lahat sa Venue ay agad naman nilapitan ni Maloi ang nakakabatang kapatid.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na yung bunso kong kapatid ay nagpapaparty na para sa birthday ng anak niya" Hindi makapaniwalang usap ni Maloi sa kapatid.

"Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na" Napapailing na usap pa ni Maloi kaya natawa na lang naman si Mikha.

"Bakit hindi ba?" Tanong ni Mikha kaya nakatanggap naman siya ng hampas mula sa kapatid.

"Ate Maloi, ako pa rin naman ang bunso niyo at ikaw pa rin ang ate ko, wala ng makakapagbago non" Nakangiting usap pa ni Mikha sa Ate Maloi niya at hinahalikan pa ang noo nito bago yakapin.

"Ganon ba talaga kayo? Kapag tumatanda na mas lalong nagiging emosyonal?" Kunwari pang takang tanong ni Mikha kaya nakatanggap nanaman siya ng hampas mula sa ate niya.

__________________

"Proud ako sayo" Biglang usap ni Akira sa bunsong kapatid niya na nakangiting nakatingin kay Maloi at Mikha. Agad naman lumingon sa kaniya si Aiah.

"Proud ako sayo, kasi lahat nang nanyari sa atin noon nagawa mong makayanan, kahit alam kong hindi madali para sayo, nagawa mo pa rin magpatawad" Nakangiting usap pa ni Akira sa kapatid.

"Ganon yata talaga kuya kapag mahal mo" Nakangiting sagot ni Aiah sa kuya niya.

"Kamusta ka naman? Kayo ni Baby Janna?" Tanong pa ni Akira sa kapatid.

"Hindi ko alam kung gaano ka okay kuya, dinaig ko pa may sakit sa sobrang pag aalaga niyan ni Mikha, yung Ceo Lim na nakikita niyo sa mga meeting, ay nako! kuya, ibang-iba kapag kami na ni Baby Janna yung kaharap niya, yung kahit pagod na siya sa kumpanya niya lahat yon parang wala lang pag uwi na pag uwi niya sa bahay" Masayang kwento pa ni Aiah kaya nakangiting nakikinig naman si Akira sa kapatid.

Nang magsimula na ang party ay laking tuwa nila Aiah at Mikha dahil halos lahat ng tao sa venue, mapa bata o mapa matanda ay nag enjoy sa mga palaro at pakulo ng mga organizer. Nang oras na para sa birthday wish para kay Baby Janna ay agad din nagtago si Mikha sa likod ni Aiah matapos mag bigay ng birthday wish ni Aiah para sa anak.

"Whoooaaa! Iiyak din si Momik!" Sigaw pa ni Colet kay Mikha

"Bro! Walang iyakan!" Sigaw pa ni Jhoana kaya natawa naman ang lahat sa kalokohan ng magkakaibigan.

"Sige na, love. Para sa anak mo" Nakangiting usap pa ni Aiah kay Mikha kaya wala naman na nagawa si Mikha kung hindi ang kunin na lang ang mic.

"Hindi ko alam kung wish ko ba talaga para sa anak namin ni Aiah 'to o wish namin para sa amin ni Aiah" Natatawang bungad ni Mikha kaya nakangiti naman nakatingin sa kaniya ang lahat.

"Na sana lumaki siya ng maayos, mapalaki namin siya ng ayos, gaya ng pagpapalaki ng mga magulang namin ni Aiah sa amin. Wish ko sana lumaki siyang malapit sa amin ni Mommy Aiah niya at maramdaman niya yung sobrang pagmamahal namin sa kaniya ng Mommy Aiah niya" Pagsasalita pa ni Mikha

"Tsaka syempre, wish ko sana pag okay na ang lahat, apelyido ko naman na dalhin ni Baby Queen tsaka ni Aiah" Nakangiting dagdag pa ni Mikha kaya agad naman nagsigawan ang mga tao sa paligid nila

"Wala talagang pinipiling oras at lugar yang kalandian mo e no" Natatawang usap pa ni Aiah at bahagyang niyakap pa si Mikha. Agad naman binuhat ni Mikha si Baby Janna na kaninang buhat-buhat ni Aling Fe. Agad naman nilang nilaro ito ni Aiah at masayang nakipagkulitan sa bata.

"Happy Birthday, anak" Bati pa ni Mikha at hinalikan ang bata.

"Happy birthday, baby" Bati rin ni Aiah at hinalikan din ang anak

"And, Thank You, Mikha" Nakangiting pasasalamat pa ni Aiah kay Mikha kaya napangiti na lang naman si Mikha at mabilis na hinalikan ang labi ng dalaga

"I love you" Tanging sagot lang ni Mikha at niyakap na ang mag ina niya.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon