CHAPTER XLIII

1.6K 45 7
                                    

AIAH'S POV

Matapos namin mag usap ni kuya ay napag desisyon na rin namin na pumasok na rin sa kaniya kaniya namin kwarto. Solo ako ngayon sa kwarto dahil kay Colet daw muna matutulog ngayon si Sheena, umoo na lang din naman ako dahil umalis na agad sila sa harap ko at hindi na ako pinansin.

Naiintindihan ko naman sila, kasalanan ko rin naman, na kahit ako ay hindi nalaman kung paano ko nakayanan na balewalain ng matagal ang taong mahal ko. Miss na miss ko na si Mikha, sobra. Pero kahit gustong gusto na siyang puntahan at yakapin ay hindi ko magawa sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Mommy. Mga ngiti ni Mommy na ayokong mawala ng dahil lang sa akin.

"Love, I'm sorry" Nasabi ko na lang sa litrato niya na hawak hawak ko. Napatayo naman ako sa kama ng maalala ang pinabibigay ni Mikha kay Sheena sa akin. Agad ko naman kinuha sa bag ko ang isang maliit na box at isang papel. Una ko naman binuksan ang papel na naglalaman ng hindi kahabaan na sulat ni Mikha.


Hi, love. I miss you so much. Alam kong hindi pa okay ang lahat kaya hindi ka na nagparamdam, pero don't worry, naiintindihan ko, naiintindihan kita. Maghihintay ako, hihintayin kita. Alam kong magiging okay din ang lahat. Kapit lang. But for now, suotin mo muna yan singsing hanggat hindi pa tayo nakakauwi sa isa't isa. Regalo ko sana sayo yan nung monthsary natin kaso hindi ka na sumipot non sa date natin. Miss na miss na kita, Queen. Kaya halos lahat yata ng vlogs mo natapos ko na. See you soon, My Love. Promise pagbalik mo kahit ilan vlogs pa gawin natin, hindi na ako magrereklamo. Haha. Enjoy! I love you. So much.

Hindi ko naman na mapigilan ang maiyak ng maalala ang gabing naghintay lang sa wala sa akin si Mikha. Na halos lahat ng kaibigan namin ay panay na ang text at tawag sa akin pero hindi ko pa rin siya nagawang siputin.


"Aiah, ano ba? ilan oras na naghihintay sayo si Mikha ron" Inis na usap ni Sheena sa telepono

"Pauwiin niyo na siya" Sagot ko sa kaniya

"Gago ka ba? Nag effort yung tao para sayo, Aiah. Ni wala pa ngang pahinga at tulog yon" Galit ng usap nito.

"Sorry bo, pero hindi ako makakapunta, bye" Sagot ko at binaba na ang telepono.

Naiyak naman ako lalo ng maalala na nagawa kong balewalain ang pakiusap ni Jhoana at Stacey sa akin ng minsan silang tumawag sa akin para makiusap para sa kalagayan ni Mikha.

"Aiah, pwede bang pilitin o samahan mo si Mikha na pumunta sa hospital para magpa check up? Ayaw niya kasi magpatingin, ayaw din papilit. Dito rin sana, sa tito niya. Alam mo naman yung lagay ng puso rin ng mommy niya" Pakiusap ni Jhoana sa akin

"Mukha naman siyang okay nung huling kita ko sa kanya, hindi naman siguro siya makakapag trabaho kung hindi siya okay, di ba? kaya bakit pa niya kailangan magpa check up?" Takang tanong ko.

"Kung nasa tabi ka lang sana niya nitong mga nakaraan edi sana alam mo na kung ano mga nararamdaman niya at hindi ka na dapat namin kailangan tawagan para samahan ang girlfriend mo " Biglang sagot ni Stacey sa kabilang linya. Hindi naman ako agad nakasagot at narinig ko pang sinaway siya ni Jhoana sa inasal nito.

"Sorry, Aiah. Pasensya na kung kinailangan ka pa namin tawagan pero sana kung may time ka baka kaya mong samahan si Mikha pero kung wala naman naiintindihan namin" Sagot niya

"Okay, sige" Simpleng sagot ko

"Hmm, sige, sorry sa abala" Sagot ni Jhoana at binaba na ang linya.


Alam kong maling-mali lahat ng inasal ko, alam ko maaari nilang kwestyunin na ang nararamdaman ko para kay Mikha. Alam kong hindi lang ako kay Mikha nagkasala. Pero anong magagawa ko? Kung ako rin mismo ay naiipit na sa sitwasyon na meron kami ng pamilya ko.

Hindi ko intensyon na pati ang ilan kaibigan namin ni Mikha ay madamay sa mga desisyon na hanggang ngayon hindi pa ako sigurado.

"Mikha, I'm sorry"




-------------------------------------


"Bunsoo"

"Aiah, anak!"

"Tita Aiahhhhh"


Sabay sabay nilang tawag sa akin. Sakto naman na tapos na akong mag ayos kaya agad ko rin nilabas ang buong pamilya ko.





"Oh? kumpleto kayo ah. Bakit?" Takang tanong ko sa kanila ng makita ang buong pamilya ko sa labas.

"Congratulations! naka pasa ka sa exam!" Biglang sigaw ni Mommy at niyakap ako.

"Congrats bunso" Usap ni Kuya at ginulo ang buhok ko.

"Congrats tita!" Usap naman ng dalawang bata at niyakap ang beywang ko. Hindi ko naman alam kung ano dapat ang maging reaksyon ko dahil kahit ako ay hindi makapaniwalang napasa ko yon.


Nakita ko naman ang pamilya nila Sheena na kasama si Colet na papalapit na rin sa amin. Agad naman ako niyakap ni Ate Gwen para icongratulate.

"Congrats sis!"Usap ni Ate Gwen.

"Salamat, ate" Sagot ko naman

"Congrats!" Sabay na usap ni Colet at Sheena, ngumiti naman ako at nagpasalamat.

"Ano na plano mo? Canada na ba? Engineer Arceta" Nakangiting tanong ng mama ni Sheena.

"Panigurado yan, tagal na naghihintay sa kaniya ni Gelo roon, buti na lang kamo naisipan mag take ng exams" Biglang usap ni Mommy sa Mommy ni Sheena at Ate Gwen. Nakatingin lang naman sa akin si Colet at Sheena kaya huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Hmm, siguro po, tita, mommy. Siguro tatapusin ko lang po muna yung dapat kong tapusin pag uwi na pag uwi rin natin" Sagot ko sa mommy ni Sheena at kay Mommy. Kita ko naman na napailing na lang si Colet at Kuya Akira kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Tara na, bawal pag hintayin ang mga pagkain" Biglang usap ni Ate Gwen at hinawakan na ang kamay ng mga anak niya.

Agad naman lumapit sa akin ang daddy ni Sheena at inakbayan ako.

"Aiah, anak. Paano si Mikha?" Biglang tanong niya na kinabigla ko.

"Parang anak ko na rin yon, Aiah. Mabuting tao si Mikha, sa amin na pangalawang mga magulang na niya rin, sa mga kaibigan niyo at alam kong ganon din siya sayo" Dagdag pa niya.

"Mahal na mahal ka ni Mikha, kitang kita namin yon at alam kong ganon ka rin sa kaniya. Kaya sana pag isipan mo munang mabuti. Anak" Nakangiting sabi niya at hinalikan ang ulo ko.

Pero buo na ang loob at desisyon ko

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now