CHAPTER XIX

1.7K 45 0
                                    

Nag stay lang ang magkakaibigan sa resort na tinutuluyan nila ng napagdesisyunan nilang kinabukasan na lang umalis at tanging sa resort na lang muna maglibang. Magkakalapit lang ang villa nila at nasa gitna ng bawat villa nila ang private pool. Tamang tama talaga ang resort ng katrabaho ni Sheena para sa kanilang magkakaibigan. Ngayon ay nasa private pool nila ang magkakaibigan, walang  sawang kwentuhan, inuman at paglalangoy.


"Wala pa ba future mo?" Tanong ng kakatapos lang na maglangoy na si Colet kay Mikha na nakaupo lang sa gilid ng pool habang umiinom

"Wala pa" Napangiti naman si Colet sa sagot ng kaibigan

"Sigurado ka sa future mo ah" Nakangiting biro pa ni Mikha sa kaibigan, sabay naman silang napalingon ng tawagin ni Stacey si Aiah na kakalabas lang ng villa niya.

"Hindi naman siguro ito yung unang beses na nakakita kang babaeng naka bikini no? grabeng paghanga na yan e" Tawang tawa sabi ni Colet sa kaibigan, sinabuyan naman ng tubig ni Mikha ang kaibigan kaya napunta sa kanila ang atensyon ng ilan pa nilang kaibigan.

"Wag ka na magsayang ng oras tol" Simpleng sabi pa ni Colet bago umahon sa swimming pool, pinagpatuloy na lang naman ni Mikha ang pag iinom habang nakalusong pa rin ang mga paa sa pool.

"Pahinga mo na talaga ang alak e no" Napalingon naman si Mikha sa nagsalita at doon nakita ang babaeng hindi niya inaasahan na lalapit sa kaniya at umupo pa sa tabi niya

"Pampaantok" Simpleng sagot ni Mikha at uminom ulit. Napalingon naman siya ng buksan din ni Aiah ang dala dala niyang beer in can atsaka ininom

"Hindi pa kayo lalangoy?" Tanong ni Sheena sa dalawang kaibigan pero umiling lang ang dalawa at sabay na uminom

"Alam mo, iniinom na lang nila yung problema nila pero yung problema nila katabi lang nila" Napapailing na bulong ni Colet sa nobya niya at niyaya na itong lumangoy. Napatanong din naman ang dalawang kaibigan nila sa sitwasyon nila Aiah at Mikha

"Kailangan na ba natin mangielam?" Tanong ni Stacey kay Sheena habang nakalusong na silang lahat sa swimming pool

"Bakit? ang alam ko lang naman si Mikha lang ang may nararamdaman kay Aiah. Si Aiah rin ba?" Takang taka na tanong ni Jhoana

"Jusko Jhoana, hindi pa ba obvious?" Napapailing na sabi ni Stacey

"Si Aiah ang unang babaeng nagustuhan ni Mikha malamang sa malamang si Aiah rin ang unang babaeng magpaparamdam kung gaano kasakit yang papasukin niya" Napapailing na sabi ni Colet

"Desisyon na nila yan, sila gagawa, sila magsisise. Nandito lang tayo para damayan sila kung sakali" Seryosong usap ni Sheena habang nag aalala rin nakatingin sa dalawang malapit na kaibigan


Pasalamat na lang din ni Sheena kay Colet, Jhoana at Stacey dahil naging masaya pa rin ang gabi nila sa pag stay nila sa resort, nakilangoy na rin sa kanila si Aiah habang nagpatuloy lang si Mikha sa pag iinom. Nang mapagod sa paglalangoy ay sinamahan na rin ng magkakaibigan sa pag iinom si Mikha at niyakap naman ni Stacey ang kaibigan

"Ayokong maalagaan ka sa hospital dahil diyan sa pampatulog mong alak ah" Usap ni Stacey sa kaibigan habang yakap yakap ito

"Ayoko rin naman mahospital" Natatawang sagot ni Mikha sa kaibigan, niyakap lang naman siya nito lalo tsaka tumingin kay Aiah na nakatingin sa kanila

"Umamin ka na" Bulong pa ni Stacey sa kaibigan bago bumalik sa tabi ng kaniyang nobya

Masayang nag inuman ang magkakaibigan habang kinakamusta ang isa't isa sa kani kanilang trabaho at mga ganap sa buhay.

"Okay lang, paulit ulit walang bago" Simpleng sagot ni Mikha tsaka tumingin sa babaeng katabi niya

"Ikaw ba?"

"Paulit ulit lang din pero may bago akong offer galing kay Gelo" Nakangiting sagot ni Aiah sa dalaga, umiwas na lang naman ito ng tingin tsaka tumango

"Offer?" Takang tanong pa ni Stacey

"Yung ba yung kwinikwento ni Kuya Akira na kababata mong may gusto sayo?" Nakangiting tanong pa ni Colet habang tinitignan ang kaibigan na si Mikha na tahimik na lang na umiinom.

"Oo, kababata ko si Gelo kaya lang nasa Canada siya ngayon, gaya ni Sheena engineer din siya kaya pinipilit niya akong maging engineer sa sarili niyang engineering company" Kwento ni Aiah sa mga kaibigan, tumango naman ang mga ito habang nanatiling seryoso naman si Mikha

"Childhood sweethearts pala parang tayo lang" Todo ngiti pang sabi ni Jhoana habang nakatingin sa nobyang si Stacey

"Nainlove ka ba ron bo?" Tanong pa ni Sheena sa kaibigan niya, natahimik naman ang magkakaibigan at hinihintay ang sagot ng kaibigan

"Inlove? Ewan ko, bata pa kami non, wala pa akong idea sa love pero siguro kung magkikita kami ulit doon ko lang malalaman" Sagot ni Aiah, nagkatinginan naman ang magkakaibigan at napatango na lang ang mga ito

"Paano kung inlove ka bo?" Dagdag na tanong pa ni Sheena sa kaibigan "Edi inlove ako" Natatawang sagot ni Aiah. Napatitig naman sa kaniya si Mikha at agad din iniwas ang tingin dahil sa pananakit ng kaniyang dibdib

"Paano mo ba malalaman na inlove ka?" Seryosong tanong ni Mikha habang nilalaro ang lata ng alak niya, napabilog naman ang mga bibig ng mga kaibigan niya at sabay sabay na umiwas ng tingin para itago ang kanya kanya nilang ngiti

"Bakit? Hindi ka pa ba naiinlove?" Gulat na gulat na tanong ni Aiah sa dalaga

"Ewan, siguro kung malalaman kung ganto nga yon baka nga, baka ngayon pa lang" Sagot ni Mikha habang nakatitig sa mga mata ng dalaga na nakatingin din sa kaniya. Lingit din naman sa kaalaman nila ay gulat na gulat din ang mga kaibigan nila dahil sa pag amin ni Mikha sa totoo niyang nararamdaman

"Siguro kapag hinahanap hanap mo na siya, kapag hindi ka na makapaghintay na makasama mo ulit yung taong yon, siguro kapag naiinis ka kapag may kasama siyang iba, kapag alam mo na kahit komplikado, safe ka kapag kasama mo siya" Nakangiting sagot ni Aiah. "Nainlove ka na?" Tanong pa ni Mikha, ngumiti naman si Aiah at nakibit balikat. "Ewan ko, sinisiguro ko pa" Nakangiting sagot nito.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now