CHAPTER LXVI

2.3K 57 6
                                    

COLET'S POV

"Before lunch pa po talaga dapat meeting ni Ma'am Mikha diyan kay Ms. Angela, e kilala na rin po kasi yan si Ma'am Angela rito dahil sa pabalik-balik niya kaya siguro ganon na lang din siya kadaling nakapasok sa opisina ni Ma'am Mikha" Kwento pa ng secretary ni Mikha sa amin. Nandito kami ngayon sa cctv security control room dito mismo sa building ng kumpanya ni Mikha, kasama ko na ngayon si Kuya Akira at Kuya Jl para alamin kung ano ba talaga ang nangyari.

"Beneice, ayoko ng mauulit 'to. Hanggat maaari huwag na huwag kayong magpapasok ng kung sino-sino lang sa opisina ni Mikha" Seryosong usap ni kuya Jl sa secretary ni Mikha kaya napatango na lang naman ito. Maya-maya pa ay napanood at napakinggan na rin namin ang naging usapan ni Angela at Mikha kaninang umaga

"Iba ang tama ng isang to kay Mikha, paano niya nalaman ang tungkol doon sa isyu ng mga pamilya namin?" Takang tanong ni Kuya Akira ng bigla niyang ipause ang record ng cctv.

"Sa lakas ng tama niyan kay Mikha, hindi na ako magtataka kung pinasundan o pina imbestigahan niya si Mikha para lang may malaman tungkol sa nangyayari sa buhay non" Sagot ko kay Kuya Akira, napailing na lang naman ito at pinagpatuloy na lang namin ang panonood ng video.

"Wala siyang karapatan pangunahan ang mga bagay-bagay lalo na kung wala rin naman siya kinalaman doon" Inis ng usap ni Kuya Jl ng marinig ang mga sunod na sinabi pa ni Angela. Kahit ako ay nanggigil sa ginawa niya at mga sinabi niya na hindi pa dapat maaaring malaman ni Mikha sa ngayon lalo na't wala pa siya sa maayos na kundisyon.

"Ibig sabihin, nang paalisin na niya si Ms. Tungol sa opisina niya, doon na nagsimula ang pananakit ng ulo niya" Usap pa ni Kuya Jl.

"Ipapakita pa ba natin kay Aiah 'to? Baka hindi niya kayanin at baka kung ano lang ang gawin non kapag nakita niyang nasaktan ng ganyan si Mikha ng dahil sa kahibangan ng babaeng yon" Usap naman ni Kuya Akira at tumingin sa amin dalawa ni Kuya Jl.

"Kailangan nilang makita 'to at kailangan lang din pagbayaran ni Angela ang ginawa niya, kung sakaling mang may mangyaring hindi maganda kay Mikha" Sagot ko sa kaniya. Huminga na lang naman sila ng malalim at humingi na ng kopya sa nag ooperate rito.

Paglabas namin ng control room ay agad naman akong nagpaalam na babalik na ako ng hospital habang si Kuya Akira at Kuya Jl naman ay agad na kinontact ang pamilya ni Angela patungkol sa nangyari.

Nasa kalagitnaan pa lang naman ako ng daan patungong hospital ay agad din pinasa sa akin ni Kuya Akira ang kopya ng cctv footage sa opisina ni Mikha, napailing na lang naman ako ng maalala ang kagagahan ginawa ng babaeng yon.

"Sabi na e, yun talagang babaeng yon ang may kasalanan sa nangyari kay Mikha e" Inis na sabi pa ni Stacey ng mapanood ang cctv footage

"Nako! Pag nakita ko talaga yung babae na yon, hindi ko talaga alam kung mapipigilan ko pa sarili ko" Gigil na gigil pa na dagdag ni Stacku.

"Kaninang umaga, nabanggit na sa akin ni Mikha ang tungkol sa meeting niya at tungkol mismo kay Angela" Biglang usap ni Aiah habang hawak-hawak ang cellphone ko kung saan niya napanood ang footage.

"Nabanggit niyang matagal na nga siyang ayaw tigilan ng babaeng yon, ayaw niya raw magtago ng kung ano sa akin kaya sinabi niya ang tungkol sa babaeng yon, tinanong pa nga niya ako kung itutuloy pa niya o hindi" Napapailing na kwento pa ni Aiah. Mikha talaga, dinaig pa santo sa sobrang loyal.

"Pero kahit pala ituloy niya o hindi, iba ang tama ng isang 'to, nilagay niya pa sa peligro ang buhay ni Mikha dahil sa kagagahan niya" Galit na ring usap ni Aiah kaya agad naman siyang nilapitan ni Sheena para pakalmahin.

"Ngayon alam na ni Mikha ang lahat, hindi ko na alam ang gagawin ko, kilala ko si Mikha, mas uunahin niyang iisipin ang pamilya ko, bago ang sarili niya" Mangiyak-ngiyak ng usap ni Aiah, napailing na lang naman ako at naupo sa tabi ni Sheena.

"Pero iba na kayo ngayon, Aiah. May sariling pamilya na rin kayo, may Baby Janna na kayo" Usap ko sa kaniya

"At isa pa, kilala ko si Mikha, tigre man siya pagdating sa iba, pero pagdating sayo, dinaig pa non ang mga cute na kuting sa sobrang amo" Natatawang usap pa ni Sheena kay Aiah.

"Pustahan tayo, ano!?" Biglang sigaw ni Jhoana kaya agad naman siyang siniko ni Stacey.

"Sadista talaga" Nakangusong usap pa ni Jhoana, kaya natawa na lang ako.

"Tama, sana lang talaga at hindi na magmatigas yang kaibigan niyo pag gising niya" Napapailing na usap na ni Aiah kaya naman ay napangiti na lang din ako. Isa rin talaga yan sa hinahangaan ko pagdating kay Aiah, kahit na minsan may mga problema siyang dinadala pinipili niya pa rin magiging matatag para sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Oh e, anong gagawin na natin niyan kay Angela?" Galit pa rin na tanong ni Stacey kay Aiah. Isa pa to, pag galit talaga siya, galit talaga siya, kaya hindi namin ginagalit ang isang 'to e.

"Hoy Stacku! Kumalma ka nga, mamaya kakaganyan mo ikaw naman ang dadalawin namin" Saway ni Sheena kay Stacku, kita ko naman na napailing na lang si Jhoana kay pasikreto na lang ulit akong natawa. Hirap pag amazona jowa hahaha

"Isa ka pa! Nakita mong namomoblema yung isa sa dragon niyang jowa, tatawanan mo pa" Saway sa akin ni Sheena kaya natahimik na lang din naman ako. Ang hirap din kapag under ka ng mas bata sayo

———————————————————————-

"Aiah, anak. Ayaw mo bang umuwi muna?" Tanong ni Myrla kay Aiah ng manatili lang ito sa tabi ni Mikha mula ng mailipat na ito ng kwarto.

"Dito na po muna ako, baka po kasi magising si Mikha, nasa bahay naman na po si Mommy at Ate Gwen para alagaan si Baby Janna" Sagot ni Aiah sa Mommy nila, tumango na lang naman ito at nagpaalam na kay Aiah.

"Sige, ikaw na muna bahala kay Mikha ah, doon na lang din kami tutuloy ni Maloi sa bahay niyo para matulungan din namin sila sa pag aalaga sa bata" Nakangiting usap pa ni Myrla kay Aiah, napatango na lang naman si Aiah at yumakap na sa mommy Myrla nila.

Nang maiwan na lang mag isa si Aiah sa kwarto ay doon na niya naibuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala ng tuluyan niyang makita na wala pa rin malay at nasa ganon kalagayan si Mikha.

"Sinabi ko naman sayo na hihintayin ka namin ni Baby Janna para magdinner tayo ng sabay-sabay, di ba? Oh bakit ka nandito?" Umiiyak pa rin na tanong ni Aiah habang hawak-hawak ang kamay ni Mikha.

"Gusto kong magalit, gusto kong sugurin yung Angela na yon pero ayoko naman na pati sa akin magalit ka"

"Gumising ka na diyan, Love. Magbibirthday na si Baby Janna, oh, kailangan ka rin ng anak mo" Usap pa ni Aiah kay Mikha.

Kahit na antok ay pinipilit pa rin ni Aiah na hindi makatulog, maya-maya nitong tinitignan kung gising na ba si Mikha at tuloy pa rin sa pag aasikaso kay Mikha sa tuwing may kinakailangan gawin ang ilan nurse at doktor kay Mikha, nakailan kape at kung ano ano na ang ginawa niya sa naturang kwarto ni Mikha para lang hintayin ang pag gising ng dalaga.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon