CHAPTER V

2K 49 0
                                    

Kinahapunan ay mas pinili na lang ng magkakaibigan na sa Villa na lang muna sila mag stay matapos nilang pumunta pa sa isang lagoon sa Siargao Island na kung tawagin ay Magpupungko. Ang Magpupungko ang isa sa mga paboritong pinuntahan nilang magkakaibigan dahil sa naglalakihan mga rock formation doon, na pwedeng akyatin para talunin ang mga lagoon. Sa villa ay mayroon sariling kubo at sariling daan papunta sa tabing dagat na solo lang ng mga magkakaibigan, ngayon ay mas pinili na lang muna nilang maglaro ng buhangin at pinagpaliban muna ang paglalangoy habang si Aiah naman ay busy kuhanan ng video ang mga bagong kaibigan para sa kaniyang gagawin na mga vlogs.




"Hindi ka ba napapagod?" Biglang tanong ni Mikha kay Aiah na busy pa rin videohan ang buong dagat. Napatingin naman si Aiah sa kaniya at umiling. "Ito ang gusto kong gawin e. Bakit naman ako mapapagod?" Sagot ni Aiah at binalik ang tingin sa camera. "Masaya ka?" Tanong pa ni Mikha habang nakapamulsang pinagmamasdan ang dagat. "Kahit sino naman magiging masaya kapag nagawa niya ang gusto niya" Sagot ni Aiah. Napatango na lang naman si Mikha at hinayaan na lang si Aiah sa ginagawa niya, nang matapos, ay buong atensyong hinarap ni Aiah si Mikha at takang tumingin dito "Pansin ko lang ah, sa atin lahat dito, ikaw lang halos ang hindi naglalabas ng cellphone o ng camera, sayang oh! ang gandang kuhanan, pang remembrance" Sunod-sunod na usap ni Aiah kay Mikha habang tinuturo ang magagandang tanawin. Tapos ko na kuhanan yung magandang tanawin, Queen.

"Anong magagawa ng mga pictures? kung doon sa mismong moment hindi ako nakafocus" Simpleng sagot ni Mikha, napaisip naman si Aiah at pilit na iniintindi ang sinasabi ni Mikha "Ang ibig kong sabihin, huwag mong hintayin ang isang bagay na maging memories na lang bago mo pa sabihin sa sarili mo na sana pala sinulit mo na" Sagot pa ni Mikha at naupo na sa buhangin, saglit pang napailing si Aiah bago umupo rin sa tabi ni Mikha. "Alam mo ang labo mo, buti natagalan ka nila Sheena" Napapailing na sabi ni Aiah, natawa naman si Mikha. "Wala silang choice, nasanay na lang din sila tsaka natagalan ko rin naman sila" Sagot ni Mikha, tumango tango naman si Aiah at tumingin kay Mikha. "Dapat na rin ba akong masanay sayo?" Tanong ni Aiah. Napatingin naman sa kaniya si Mikha. "Tanungin mo muna sarili mo kung bakit kailangan mong masanay sa akin" Sagot ni Mikha. Napaiwas na lang naman si Aiah ng tingin at hindi na sumagot. "Akala ko pa naman friends na tayo" Nagmamaktol na sabi ni Aiah, taka naman siyang nilingon ni Mikha at natawa. "To be honest, ayokong maging kaibigan mo" Usap pa ni Mikha. "Okay! walang pumipilit. Mikha!" Inis na sabi pa ni Aiah at tumayo na pabalik sa mga kaibigan, naiwan naman mag isa si Mikha at napailing na lang.



"LQ agad?" Tanong ni Stacey sa mga kaibigan ng makitang nagtatalo ang dalawa "Wala pang 24hours" Dagdag na sabi pa ni Jhoana ng tumingin sa relo niya. "Puntahan mo muna si Lim" Utos ni Sheena kay Colet "Sundan ko lang si Aiah tas kayo lovebirds, enjoy!" Nasabi na lang ni Sheena at sinundan ang kaibigan na nag aayos na ng camera sa kubo. "Anong nangyari?" Simpleng tanong ni Sheena sa kaibigan, hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lang sa pag aayos ng camera "Hindi ka sasagot o ——". "Yang kaibigan niyo kasi" Pagpuputol ni Aiah sa kaibigan, napataas naman ang kilay ni Sheena at naghihintay ng kasunod. "Anong meron?" Tanong ni Sheena, umiwas naman ng tingin si Aiah bago sumagot. "Akala ko kaibigan na rin tingin sa akin tas sasabihin niya sa akin na ayaw niya akong maging kaibigan niya, may to be honest, to be honest pa siyang nalalaman" Sunod-sunod na usap ni Aiah, gulat naman napatingin sa kaniya si Sheena at napailing. "Para san pa yung pagbibitbit niya ng mga maleta ko, yung pagsama niya sa akin kanina tsaka yung paghihiram niya sa bata nung bike tas malaman ko ayaw rin pala akong maging kaibigan" Pagmamaktol pa ni Aiah, napahinga na lang naman ng malalim si Sheena sa mga pinagsasabi ng kaibigan. "Kung ako sayo, nagpapasalamat na lang ako, sayo lang ginawa ni Mikha yan, magpasalamat ka ron kasi nilalayo ka na niya sa posibleng maging problema niyo ni tita Amanda" Nasabi na lang ni Sheena at tinulungan na lang si Aiah sa mga camera niya.



"Bad shot ka naman agad pare, walk out agad" Biglang usap ni Colet sa kaibigan "E sa ayoko nga siyang maging kaibigan. Bakit ba?" Sagot naman ni Mikha. Napailing naman si Colet at seryosong tumingin sa kaibigan. "Panindigan mo yang mga gusto mong mangyari, kasi pag puso mo na nag utos baka pati sarili mong isip hindi mo na sundin" Seryosong sabi ni Colet kaya napatingin na lang sa kaniya si Mikha. "Ayaw niya sa atin, Vergara" Nasagot na lang ni Mikha. "Kasi piloto tayo?" Tanong ni Colet sa kaibigan, napatango naman si Mikha. "Hindi ka naman piloto ngayon ah, isa ka lang ngayong simpleng mamamayan na nagbabakasyon sa napaka gandang isla ng Siargao" Sagot ni Colet habang itinataas pa ang kamay sa ere "Kaya kung ako sayo, sulitin mo na ang ilang natitirang oras natin bago tayo bumalik sa pagkapiloto" Dagdag na usap pa ni Colet "Isa pa, hindi ka sigurado kung magkikita pa kayo ulit, dahil hindi naman sa lahat ng oras kasama natin si Sheena" habol pa niya bago iwan ang kaibigan.

Sulitin ang bawat sandali dahil sa paglipas ng panahon baka hindi na maibabalik ang pagkakataon.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now