CHAPTER XVI

1.7K 48 1
                                    

Kinaumagahan ay agad din nagdrive ang dalawang magkaibigan para puntahan ang mga kabayo na gustong gustong sakyan ni Aiah, dahil sa kalasingan ni Aiah ay tinanghali pa sila ng alis. Mabuti na lamang matiyagang naghintay si Mikha sa dalaga sa lobby ng hotel na tinutuluyan nila. Hindi rin naman maiwasan ni Mikha na mahawa sa mga ngiti ni Aiah ng makita na nito ang mga kabayo na kanina pang bukambibig ng dalaga sa sasakyan.

"Tara na!" Yaya ni Aiah sa kaibigan, umiling naman si Mikha at kinuha ang camera ng dalaga "Videohan na lang kita, ingat" Bilin pa ni Mikha sa dalaga habang inaalalayan itong sumakay sa kabayo, "Manong, ikaw na bahala" Nakangiting bilin pa ulit nito isang lalaki na may hawak ng kabayo. "Don't worry po, safe po girlfriend niyo" Nakangiting sagot ng lalaki, parehas naman nabigla ang dalawa at parehas na hindi agad nakapag salita.

"Hmm, tara na ho manong" Pagbabasag ni Aiah sa katahimikan at hindi na pinansin si Mikha. Habang nag eenjoy ang dalaga ay vinivideohan naman siya ni Mikha para idagdag sa gagawing vlog ng dalaga. Matapos ng ilang ikot ay nagsawa na si Aiah at naisipan ng bumaba sa kabayong kinakausap niya habang sakay sakay siya nito. Nang makita ni Mikha ang dalaga ay agad siyang tumakbo palapit dito para alalayan pababa ang dalaga. "Mag lunch na muna tayo bago tayo mag mines view" Nakangiting sabi ni Mikha kay Aiah pagkababa nito sa kabayo. "Sounds good, tamang tama gutom na rin ako e" Sagot ng dalaga habang hawak hawak ang tiyan nito


"Ang sarap!" Nasabi na lang ni Aiah pagkatapos. Nanlaki naman ang mata ni Mikha ng makitang naubos ng kaibigan ang napakaraming pagkain na pinaorder nito sa kaniya. "Halata nga" Nakangiting sabi na lang niya habang napapailing.


Nakatanggap naman si Mikha ng text galing kay Colet kaya awtomatikong nagdikit ang dalawang kilay niya at napapailing na nilapag ang cellphone sa mesa.


"May problema ba Mikha?" Umiling lang naman ang dalaga at ngumiti

"Hmm wala, si Colet lang"

"Bakit daw?"

"Nasa condo ko sila nila Jhoana, silang lahat daw actually, may inaayos daw sila doon"

"Ah okay, swerte mo sa mga kaibigan mo ah"

"Sobra, sila na lang din naman meron ako e" Napatitig na lang naman si Aiah sa sagot ng dalaga at inalala ang nabasang message galing sa ate ni Mikha

Matagal ng wala si Daddy. Huwag mo na sisihin ang sarili mo.

Huwag mo na rin pahirapan ang sarili mo. Mapapatawad ka rin nila Mommy.

"Last two destination, bago tayo maghiwalay ulit" Usap ni Aiah matapos magpunas ng labi. Napatango na lang naman ang dalaga

"Yeah, maghihiwalay ulit"

Pagkarating sa mines view ay kinatuwa pa ng magkaibigan na walang masyadong tao kaya naman sinulit na nila ang natitirang oras nila na magkasama bago sila ulit tuluyan na bumalik sa kaniya kaniya nilang bahay.

"Iba rin talaga ganda ng tanawin dito sa Baguio no" Todo ngiting sabi ni Aiah habang tinatanaw ang napaka gandang tanawin sa Mines View. Lingit naman sa kaalaman niya ay sa kaniya natingin ang kaibigan at nakangiti rin tinititigan ang isa rin napaka tanawin para rito.

"Sobra" Napatingin naman si Aiah sa dalaga na ngayo'y nakatingin na rin sa mga puno.

"I love the view" Nakangiting sabi pa ni Mikha atsaka tumingin kay Aiah. Ngumiti naman ang dalaga bago sumagot

"I love the view too" Sagot ng dalaga bago nila ulit abot tengang titigan ang napaka gandang tanawin, bago ulit gumawa ng video para sa kanilang vlog.




Pagdating sa La Trinidad ay masayang pumitas ng Strawberry ang magkaibigan para sa supply nila para sa isang linggo, alam kasi nilang mas mamamahalan na sila sa siyudad at iba pa rin talaga pag galing mismo at sila mismo ang pumitas ng mga ito

"Okay na ako, buong week naman ako may flight kaya kila Stacey lang mapupunta to" Usap ni Mikha sa dalaga habang bitbit bitbit ang basket nito

"Favorite rin kasi ni Mommy 'to kaya papagalitan lang ako non kapag konti kinuha ko" Natatawang sabi ni Aiah habang pumipitas pa ring ng mga Strawberry. Kinuha naman ni Mikha ang basket ni Aiah at siya na ang nagbitbit.

"Thank you" Nasabi na lang ng dalaga at nagpatuloy sa pagpipitas.

Pagdating sa sasakyan ay tahimik lang na nagdrive si Mikha habang tahimik lang din nakadungaw sa bintana si Aiah. Tanging kanta lang galing sa radio ng sasakyan ang kanilang naririnig at ang malakas na buhos ng ulan.

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay

Bigla namang nag ring ang cellphone ni Aiah kaya agad niya rin itong sinagot.

Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay 'di pa rin magawa
Hindi naman ako tanga
Alam ko na wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
'Di na kita kapiling
Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

"Hello Gelo" Bungad nito, napatingin naman si Mikha sa dalaga at napailing. Tss walang araw na hindi ko narinig yang pangalan na yan


Pero 'wag mag-alala, 'di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayong may kapiling ka nang iba
Tanging hiling ko sa 'yo na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo

"Napag usapan na natin yan diba? Okay na ako sa ginagawa ko ngayon, ayokong mastress diyan sa mga papel na yan no" Nang marinig ni Mikha ang sagot ni Aiah sa kabilang linya ay nakangiti siyang nagpatango tango habang nagdadrive.

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan


"Okay okay, thanks, love you! bye!" Napapreno naman ng malakas si Mikha at inis na bumusina dahil sa kotseng mabilis na biglang nag overtake sa kanila

Pero 'wag mag-alala, 'di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayong may kapiling ka nang iba
Tanging hiling ko sa 'yo na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo, ako


"Hayaan mo na, baka may emergency lang sila" Pagpapakalma ni Aiah kay Mikha pero tinignan lang siya ni Mikha at nagfocus na ulit sa pagdadrive. Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Bwiset!

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now