CHAPTER XXXI

2K 46 0
                                    

MIKHA'S POV

"Love, dito sa bulsa ko yung susi" Usap ko kay Aiah ng makarating kami sa tapat ng pinto ng condo ko, gustuhin ko man na pagbuksan siya ay malabong magawa ko pa yon dahil napag desisyon ni Aiah na mag grocery kami kaya ang dami dami kong dala.

"No need, love. Meron ako" Sabi niya tsaka kinuha sa bag niya ang susi, taka naman akong tumingin sa kaniya kaya natawa siya.

"Binigay sa akin to ni Colet nung yayain nila ako ni Sheena na kumain sa labas kahapon. Sabi niya, balak niya raw talaga ibigay yung duplicate sa magiging girlfriend mo kasi kampante na raw siyang may makakasama ka na, swerte lang kasi ako yon" Todo ngiting sabi niya bago tuluyan pumasok sa loob ng condo.

"Hindi ba't ako yung swerte sa kaniya?" Takang tanong ko pa sa sarili ko bago tuluyan pumasok sa loob. "Love! narinig ko yon!" Natatawang sigaw niya. "Totoo naman" Sagot ko bago tuluyan ibaba sa mesa ang mga pinamili ni Aiah.

"Hayyy sa wakas, nakauwi na rin" Sabi ko habang yakap yakap ko na ang likuran niya. "I miss you" Usap ko pa at hinarap siya sa akin. "I miss you too, love" Nakangiting sabi niya at hinalikan ang pisnge ko. Awtomatiko naman ngumiti ang mga labi ko, ganon din ang kaniya.

"Pero hayaan mo muna akong ayusin tong kakainin natin dahil alam kong gutom na gutom ka na" Natatawang sabi niya tsaka pinagpatuloy ang paghahain ng pagkain sa mesa.

"Love, kamusta nga pala lakad niyo kahapon nila Sheena? Kanina ko lang kasi nabasa mga text mo pagkababa ko ng eroplano" Usap ko sa kaniya habang kumukuha ng tubig sa ref para sa amin dalawa. "Ayon, nagyaya nanaman mga gumala, kaya send mo na sa akin sched mo for next week kung meron na para malaman natin kung kailan ka free" Sagot niya. "Free naman ako anytime, pero pag sayo lang" Usap ko, natawa naman siya at hinila na ako paupo.

"Alam mo, love. Kumain na tayo, gutom lang yan" Natatawang sabi niya tsaka nilagyan ng pagkain ang plato ko. Aminin ko, lahat ng to bago lang sa akin, ang may mag asikaso sa mga gamit ko tuwing may pasok ako, na may naghihintay na makauwi ako, may yayakap sa tuwing napapagod ako. Binuhay ulit ako ng taong 'to, binigyan niya ulit ng kulay tong patapon kong buhay na to.

"I love you" Nasabi ko na lang sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sa babaeng nasa harap ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ang labi ko.

"I love you too, Captain"

Pagkatapos namin kumain at ayusin ang dapat ayusin ay agad ko siyang hinila palapit sa akin tsaka ko siya niyakap ng napaka higpit. Miss na miss ko talaga tong babaeng to, kung pwede lang na dito lang ako sa yakap niya, dito na lang talaga ako e.

"Hindi naman halatang miss na miss mo ko e no" Natatawang sabi niya habang yakap yakap na rin ako

"Tagal ng oras don e, uwing uwi na ako sayo" Sagot ko. Ilan minuto pa kami nanatiling magkayakap hanggang sa

"Oh come on" Inis na sabi ko kaya tawang tawa ang magandang babae na nasa harapan ko.

"Sige na, pagbuksan mo na" Natatawang sabi niya at tinutulak tulak pa ako papuntang pinto. Kakauwi ko lang sa girlfriend ko, jusko naman mga istorbo.

"Wassup!" Tanging bati nilang apat at dire diretsong pumasok sa condo ko, napailing na lang naman ako at sinara na ang pinto. Pagdating ko sa sala ay nakaupo na silang lahat kaya natatawa pa rin na tumingin si Aiah sa akin habang tinatap ang sofa para paupuin ako sa tabi niya.

"Ang tagal na nung huling gala natin, my god! kaya pala hinang hina ako" Pag iinarte ni Stacey. "True, nasasayang ang day off dai" Pag sang ayon naman ni Sheena sa kaniya. Sumandal na lang naman ako sa sofa at nakapikit na tumingala habang hawak hawak ang kamay ni Aiah.

"Love, pahinga ka na kaya sa kwarto mo" Bulong sa akin ni Aiah, umiling naman ako at pinisil ng bahagya ang kamay niya

"Dre, hinang hina ka yata, nasa tabi mo na girlfriend mo ah" Natatawang usap ni Jhoana

"Istorbo kayo e" Bulong ko pero mukhang narinig iyon ni Aiah dahilan ng pag hampas niya ng mahina sa kamay ko. Nag vibrate naman ang phone ko kaya agad agad ko yon tinignan "Love, sched" Sabi ko tsaka binigay kay Aiah ang phone ko.

"Thanks god, wala kang international flight next week kaya makakapag pahinga ka kahit papano" Nakangiting sabi niya "More pahinga with you" Nakangiting usap ko at siniksik pa lalo ang sarili ko sa kaniya.

"Uuwi ka?" Tanong ko sa kaniya, umiling naman siya at humarap sa akin. "Dito muna ako sayo kasi bukas may flight ka nanaman" Sagot niya tsaka nanggigigil na pinisat ang ilong ko. "Paano mommy at kuya mo?" Takang tanong ko sa kaniya "Sila talaga inisip mo ah" Natatawang sabi niya "Importante sila sayo e, edi importante na rin sila sa akin" Pa inosenteng sabi ko.

"Sus, padagdag pogi points ka pa ah" Natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako. "Pogi naman talaga girlfriend mo" Natatawa pa ring sabi ko. Hindi pa ako pumapasok sa trabaho pero pag uwi agad kay Aiah ang nasa isip ko.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now