CHAPTER XXI

1.7K 39 0
                                    

Naging masaya ang dalawang araw na bakasyon ng magkakaibigan sa Palawan lalong lalo na noon narating na nila ang Coron. Pero dahil din sa kani kanilang trabaho ay kinailangan na rin nilang bumalik para gampanan ang mga iyon.

Sabay-sabay ang flight ng magkakaibigan pabalik, kaya naman sabay-sabay din sila naglalakad papuntang parking lot para umuwi na sa kani kanilang bahay pero napatigil sila sa paglalakad ng biglang

"Lavi?" Tanong ng isang lalaki ng makita si Aiah, saglit pang napatitig si Aiah sa lalaki bago pa manlaki ang mata niya at tumakbo palapit sa lalaki

"Laviiiiii!!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit sa lalaki at niyakap ito. Gulat na gulat naman ang magkakaibigan at tinignan si Mikha na tanging nasa dalawang tao lang na nagyayakapan ang tingin

"Lovey?" Tanong pa ni Jhoana habang nakatingin sa dalawa

"Kumusta? Bakit ka napauwi?" Tanong ni Aiah sa kaibigan pero hindi siya sinagot nito at yumakap lang sa kaniya

"Namiss talaga kita" Todo ngiti pang sabi ng lalaki

"San ka galing?" Tanong pa nito, napatingin naman si Aiah sa mga kaibigan niya pati na rin kay Mikha na nasa kaniya ang tingin

"Ah sa Palawan, kasama ko mga kaibigan ko" Sagot niya, hinila naman niya palapit ang lalaki palapit sa mga kaibigan niya sa isa isa pinakilala ang mga ito

"Ah Gelo, si Mikha, kaibigan ko rin"

"Mikha, si Gelo ———-

"Soon to be boyfriend ni Aiah" Pagpuputol ni Gelo sa sasabihin ni Aiah at nilahad din ang kamay sa harap ni Mikha. Napatingin naman ang magkakaibigan kay Mikha pati na rin sa kamay na nakalahad sa harap nito

"Mikha" Tanging usap ni Mikha at tinanggap ang kamay ni Gelo at nakipag shake hands

"Nga pala Aiah. Nakausap ko na si Tita Amanda tsaka si kuya Akira, doon na raw muna ako sa inyo tumuloy kaya sabay ka na sa akin pag uwi" Nakangiting sabi pa ni Gelo sa dalaga, wala naman nagawa ang dalaga at nagpaalam na sa mga kaibigan niya bago umalis

"Soon to be boyfriend huh?" Napapailing na sabi ni Sheena habang tinitignan ang papalayo na si Gelo at Aiah.

"Mukhang gustong gusto talaga ni Tita Amanda at kuya Akira si Gelo para kay Aiah ah" Dagdag pa ng nobya nitong si Colet, napatingin naman sila kay Mikha na na kay Aiah pa rin ang tingin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Stacey sa kaibigan, tumango naman ito at ngumiti. "Hindi pa naman ganon kalala, kaya pang iwasan" Nasabi na lang ni Mikha at nauna ng maglakad palayo sa mga kaibigan, wala naman na nagawa ang mga kaibigan niya kundi sumunod na lang at umuwi na rin sa kani kanilang bahay.

Lumipas ang ilang linggo na hindi nagkasama sama ang magkakaibigan kaya naman minabuti nilang maging sigurado na kumpleto ulit sila sa darating na kaarawan ni Colet. Sa garden nila Colet ginanap ang kaniyang birthday halos nandoon na silang lahat kasama si Gelo at Mandy maliban na lamang kay Mikha.


"Nacontact mo na ba?" Tanong ni Sheena sa kaibigan na si Jhoana, umiling naman ito at sinubukan ulit itong tawagan. "Ang sabi naman ni Colet wala siyang flight ngayon" Takang sabi pa ni Sheena tsaka tinignan ang nobyang kausap ang ilang pang mga katrabaho nito. Halos patapos na ang party ng biglang dumating si Mikha na may bitbit bitbit na envelope. Napangiti naman ang magkakaibigan ng lumapit ito sa kanila.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Sheena sa kaibigan "Inasikaso ko pa tong regalo ko kay Colet" Tanging sagot niya bago ulit iwanan ang mga kaibigan para batiin ang mga pangalawa na niyang magulang na sila Mr and Mrs. Vergara

"Ay nako ang pangatlong baby ko" Tuwang tuwa na sabi ni Mrs.Vergara ng makita si Mikha at niyakap pa ito "Buti at nakahabol ka" Nakangiting usap pa ni Mr. Vergara. Niyakap din naman siya ni Mikha at ngumiti "Inasikaso ko lang ho yung regalo ko kay Colet pati rin po sa inyo kaya natagalan" Paliwanag nito sa mga matatanda, nagtaka naman ang matatanda at naghintay na lang sa balita ni Colet patungkol sa regalo ni Mikha


"Close talaga si Colet at Mikha, magkapatid na turingan niyang dalawa kaya ganyan na lang din ang turing ni Tita at tito kay Mikha para na rin nilang sariling anak" Kwento ni Sheena sa katabi niyang si Aiah.


"Muntikan na akong magtampo sayo, bakit ba ang tagal mo?" Inis na tanong ni Colet sa kaibigan. Tapos na ang party at sila na lang ang naiwan sa garden para ipagpatuloy ang party. Hindi pinansin ni Mikha ang sinabi ni Colet at binigay na lang ang brown envelope na regalo niya rito. Nang buksan ni Colet ang envelope ay nanlaki ang mata nito at tumakbo pa sa kaibigan niya para yakapin ito. Maya maya lang ay natawa na si Mikha dahil naiyak na ang kaibigan nito sa pagkakayakap sa kaniya at paghigpit ng pagkakayakap sa kaniya. Nang makita ng magkakaibigan ang regalo ni Mikha at nagulat din ang mga ito kaya pinatahan na ni Sheena ang nobya nito

"Paano?" Tanong ni Colet habang nagpupunas ng luha, ngumiti lang naman si Mikha at binigay ang panyo niya sa kaibigan "Punasan mo muna yang luha mo, hindi ayan ang inaasahan kong reaksyon mo" Napapailing na sabi ni Mikha. "Last year may international flight ako, Pa US. May nameet akong private detective roon so grinab ko na yung opportunity na gumawa ng paraan para pahanap si Ate Nicole, pasensya na kung natagalan kanina ko lang din kasi siya ————

Hindi naman natapos magsalita si Mikha ng bigla ulit siyang yakapin ni Colet at panay na ang iyak. Pinaliwanag naman na ni Stacey kila Aiah at Gelo ang nangyari at doon nila nalaman na matagal ng nawawala ang ate ni Colet na si Nicole, almost 7 years na rin kasi ang nakalipas mula ng umalis ito sa bahay nila para sumama sa nobiyo nito pero nabalitaan nila na sinasaktan saktan lang ito ng nobiyo pero hindi nila mahanap hanap dahil ayaw din magpahanap nito. Pero hinanap pa rin ito ng pamilya Vergara, nagtanong tanong, nagpatulong sa opisyal pero wala, hindi nila alam kung saan ito hahanapin, tanging sa US lang ang alam nilang impormasyon at wala ng iba.


"Bakit umiiyak ang may birthday?" Natatawang tanong ni Mr. Vergara ng makitang umiiyak ang anak, hindi naman sumagot si Colet at pinakita lang ang regalo ni Mikha na may litrato at address kung saan nandoon ang panganay na anak ng mga ito. Napaiyak na rin ang mga magulang ni Colet at niyakap din si Mikha bilang pasasalamat.

"Okay, relax" Nakangiting sabi ni Mikha at inalalayan umupo si Mr and Mrs. Vergara. May dinial naman siya sa phone niya at maya maya lang ay may pumasok ng babae sa garden nila Colet at doon nila ang ate ni Colet at anak nila Mr. and Mrs Vergara. Hindi naman na nagsayang ng oras ang pamilya Vergara at niyakap na ang matagal na nawalay na kapamilya.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now