CHAPTER LXIII

2.3K 61 10
                                    

Kinagabihan ay nakauwi na rin si Mikha at Baby Janna sa bahay nila na nagtatawanan pagpasok ng bahay.

"Ah Tess, Si Aiah?" Tanong ni Mikha sa isang katulong

"Nandoon po sa dining area tinulungan po si Aling Fe na maghain, hinihintay na rin ho kayo ni Ma'am Aiah doon" Nakangiting sagot naman nito kay Mikha.

"Kayo, kumain na ba kayo?" Tanong pa ni Mikha

"Tatapusin na lang po namin yung dapat namin tapusin tas kakain na rin po kami" Sagot pa nito kay Mikha, tumango na lang naman si Mikha at naglakad na rin papuntang dining area.

"Mommy!" Sigaw ni Mikha ng makita si Aiah, agad naman napalingon si Aiah at napangiti ng makita na ang dalawa.

"Aww! Namiss ko tong baby ko na 'to" Masayang usap pa ni Aiah at agad naman na lumapit sa dalawa, excited naman na kinuha ni Aiah ang bata kay Mikha at mahigpit na niyakap ito.

"Ako hindi mo miss?" Biglang tanong ni Mikha kay Aiah kaya taka naman itong tumingin sa dalaga.

"Wala man lang, welcome hug or ki—-

"Sa tingin ko, gutom lang yan, tara na nga, kumain na tayo" Pagpuputol niya sa sasabihin ni Mikha kaya itinulak na lang niya ito paupo sa upuan habang natawa na lang naman si Mikha sa reaksyon ni Aiah.

"Nga pala, si Colet at Sheena, manonood ng Concert ni Sarah G. sa susunod na araw, habang sila Jhoana at Stacey naman bukas na ang flight papuntang bohol, ikaw ba san mo gustong pumunta?" Biglang tanong ni Mikha na siyang talagang nagpatigil kay Aiah sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Mikha.

"San ko gustong pumunta? Aalis tayo?" Gulat na gulat na tanong ni Aiah, napangiti na lang si Mikha. 

"Kung ako ang isasama mo" Sagot ni Mikha na siyang nagpatigil kay Aiah.

"Sino pa ba isasama ko?" Takang tanong pa ni Aiah, nagkibit balikat na lang naman si Mikha at sinimulan na lang ang pagkain.

"Yung kwinekwento mong taong mahal mo" Casual na sagot ni Mikha, napailing na lang naman si Aiah sa sinabi ni Mikha.

"Ikaw rin naman yon" Bulong pa ni Aiah.

"Alam ko" Biglang usap ni Mikha

"Huh?" Takang tanong naman ni Aiah kay Mikha.

"Alam kong excited ka na kaya isipin mo na kung saan tayo pupunta para maasikaso ko na" Nakangiti pang usap ni Mikha kaya napatango na lang naman si Aiah at nagsimula na rin kumain kasabay ng baby nilang si Janna.

__________________________________________

"Oh my god!" Hindi makapaniwalang usap ni Aiah ng makita ang magandang tanawin mula sa tuktok ng Marlboro Hills sa Batanes. Batanes ang napili niya dahil alam niyang malabong makarating sila rito dahil sa limitadong flight sa lugar na iyon, balak lang sana niyang asarin si Mikha ngunit laking gulat na lang niya ng umuwi ito kinabukasan na may dala dalang ticket.

"Thank you, loveeee" Usap pa ni Aiah at excited na niyakap si Mikha. Gulat na gulat naman si Mikha sa sinabi at ginawa ng babaeng nasa harap niya ngayon. Love?

"I mean, Mikha" Nahihiyang usap ni Aiah at agad din humiwalay sa pagkakayakap kay Mikha. Hinawakan na lang naman ni Mikha ang kamay ng dalaga atsaka huminga ng malalim.

"Patawarin mo ko pero ang tagal tagal ko ng gustong gawin to" Seryosong usap ni Mikha ng dahan dahan niyang hilahin si Aiah palapit sa kaniya para yakapin ito.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon