CHAPTER VII

1.9K 44 0
                                    

Pagdating ng tanghalian ay tinawag na ni Sheena ang dalawang kaibigan na si Aiah at Mikha sa labas para kumain na habang si Colet naman ang tumawag sa magnobyang nurse sa kwarto nila. "Ang tahimik" Biglang usap ni Stacey paglabas ng kwarto, wala naman pumansin sa kaniya kaya umupo na lang din siya sa bakanteng upuan "Hoy Jhoana, anong nangyari?" Bulong naman ni Stacey sa jowa niya "Hoy Stacku, hindi ko rin alam kasi parehas lang tayong tulog" Inis na bulong naman ni Jhoana sa girlfriend niya. Tahimik lang silang kumain hanggang sa napansin na ni Jhoana at Stacey ang pinaka problema at nagkatinginan na lang naman sila at napailing. "Anong plano niyo pagtapos nito?" Tanong ni Mikha. "Sugba lagoon tsaka naked island" Nakangiting sagot ni Aiah, tumango naman si Mikha kaya nagkatinginan ulit si Jhoana at Stacey "May nagkakamabutihan, may nagkakalabuan" Bulong ni Jhoana sa nobya "Okay, since nagbubulungan lang kayong magjowa diyan kayo na rito at mag aayos na kami, mamayang gabi na lang kami ni Queen sa kusina" Usap ni Mikha kay Jhoana at Stacey tsaka dali daling tumayo para hindi na makaangal ang dalawa, nang matapos na ang iba ay tumayo na rin sila para makapag ayos.


"Lim, ikaw naman mang angkas sa akin" Nakangusong sabi ni Sheena kay Mikha, ginulo naman ni Mikha ang buhok ng kaibigan at tumango. "Ingat sa pagdrive" Utos ni Mikha kay Colet, napangiti na lang naman si Aiah at umangkas na rin kay Colet. Nang makasakay na rin sila Jhoana at Stacey ay sabay sabay na rin silang umalis at ienjoy ulit ang tanawin. "Kumusta kayo ni Vergara?" Tanong ni Mikha sa kaibigan. "Okay lang, ganon pa rin" Simpleng sagot ni Sheena at yumakap na lang sa kaibigan "Hindi ko na alam" Dagdag pa nito "Sheena, madali na lang yang sayo, yang inyo, kung parehas niyo gugustuhin" Biglang sabi ni Mikha habang nagdadrive pa rin "Parehas nga namin gusto pero bakit parang ang hirap?" Nawawalan ng pasensya na sabi pa ni Sheena. "Baka ikaw lang nag iisip na mahirap" Usap ni Mikha, natahimik na lang si Sheena at hindi na sumagot. "Noon pa man mahal ka na niyan ni Colet, alam mo yan, sa sobrang pagmamahal sayo non kahit yata sabihin mo na mag resign siya bilang piloto ngayon, gagawin niya talaga" Natatawang sabi pa ni Mikha. Natawa rin naman si Sheena at niyakap na lang ang kaibigan "Namiss lang kita lalo, Mikha" Sagot lang nito at hindi na muna inisip ang problema.



"Ilang taon na nga ulit kayo magkakaibigan ng Bo ko?" Tanong ni Aiah kay Colet. "11 years, since 1st year high school hanggang ngayon na tatlong taon na kami sa kanya kanya naming propesyon" Sagot ni Colet. "Edi 10 or 11years mo na ring mahal si Sheena?" Tanong ni Aiah "Paano mo nalaman?" Takang tanong pa ni Colet. "Hula ko lang, e nagkataon na tama" Sagot naman ni Aiah. Natatawa naman napalingon sa kaniya si Colet kaya hinampas niya ang balikat nito "Focus, gusto ko pang magkapamilya" Usap pa ni Aiah "Gusto niyong magkapamilya pero ayaw niyo sa mga piloto" Natatawang sabi ni Colet. "Mommy ko lang naman may ayaw sa piloto" Natatawang sabi pa ni Aiah. "Kaya niyo bang suwayin ang mommy niyo?" Natatawang tanong pa ni Colet. "Kaya mo bang ipaglaban ang kaibigan ko?" Tanong ni Aiah "Kung parehas kaming lalaban" Sagot ni Colet, napangiti naman si Aiah at tinapik tapik ang balikat ni Colet. "Kakampi niyo ko" Nakangiting sagot ni Aiah.


Nang makasakay na sila sa bangka papuntang naked island ay nilapitan ni Aiah at Mikha ang magnobyang sila Jhoana at Stacey. "Stacey, samahan mo si Queen na kausapin si Sheena" Sabi ni Mikha kay Stacey. Taka naman tumingin sa kaniya si Stacey. "Narinig namin kanina na nag uusap yang dalawang yan" Kwento pa ni Aiah habang tinuturo si Colet at Sheena na hindi nagpapansinan. "Ayaw pa rin pumayag ni Sheena na ligawan siya ni Colet dahil nga iniisip niya ang pamilya ko na pamilya na niya rin na ayaw sa mga piloto. Mag asawa kasi kuya ko at ate niya kaya close na close na rin si Sheena sa pamilya ko" Dagdag pa ni Aiah. "Sabi ko naman kasi sa inyo ni Vergara mag nurse na lang din kayo" Inis na sabi ni Jhoana at dinuro pa si Mikha. "E kung manahimik ka na lang kung ayaw mong ikaw mismo gumamot sa sarili mo" Usap pa ni Mikha. Nanahimik na lang naman si Jhoana at nakinig na lang sa usapan.


Pagdating nila sa Naked island ay isa isa na silang bumaba. Pagkababa nilang lahat ay hinila agad ni Stcey si Aiah at Sheena para makalayo sa mga kaibigan habang si Jhoana naman ay inakbayan parehas si Colet at Mikha. "Pilot Problems" Napapailing na sabi ni Jhoana sa dalawa. "Ano na plano mo?" Seryosong tanong ni Mikha kay Colet, inalis naman na ni Jhoana ang pagkakaakbay sa dalawang kaibigan at nakinig. "Ganon ulit, maghihintay ulit" Nakangiting sagot ni Colet, tumango na lang naman si Mikha habang nakatitig sa kaniya si Jhoana. "E ikaw tol? Anong plano mo?" Tanong ni Jhoana kay Mikha. "Bakit? Ano bang meron?" Kunwaring walang alam na sabi ni Mikha. "Ano raw plano mo kay Aiah? Hindi ba tol?" Panggagatong pa ni Colet at humingi pa ng suporta kay Jhoana. Huminga naman ng malalim si Mikha at napailing. "Tinawagan kanina ni Aiah yung kuya niya na napangasawa ni ate Gwen. Narinig kasi namin ang usapan niyo kanina ni Sheena kaya tinanong niya si ate Gwen at kuya niya kung okay lang ba na piloto ang manliligaw kay Sheena" Kwento pa ni Mikha. "Oh anong sabi?" Interesadong tanong ni Colet sa kaibigan. "Okay lang daw sa kuya ni Aiah tsaka kay ate Gwen, wala naman na raw kinalaman si Sheena sa isyu ng pamilya nila Aiah kaya wala raw kaso hanggat hindi si Aiah ang involved" Kwento pa ni Mikha. Nanlaki naman ang mata ng dalawang kaibigan at napatitig kay Mikha. "Agapan mo na yan tol, ikaw na ang umiwas, pamilya ni Aiah ang masisira mo kapag nagkataon" Napapailing na sabi pa ni Jhoana. "Alam ko naman na hinihintay mo si Aiah sa mga ig story ni Sheena noon pa pero tol tama si Jhoana, masisira mo ang relasyon ni Aiah sa mommy at kuya niya kapag lumala pa yang paghanga mo sa kaniya" Dagdag pa ni Colet, napatingin na lang naman si Mikha kay Aiah tsaka ngumiti. "Ayoko nang may pamilya pang malulungkot dahil sa akin, hindi ko pa tapos bayaran ang mga kasalanan ko, wala pa akong karapatan sumaya" Nasabi na lang ni Mikha, nag aalala naman tumingin si Colet at Jhoana sa kaibigan dahil nanaman sa dati pang problema ni Mikha.

Hanggang kailan nga ba dapat pagbayaran ang mga bagay na hindi naman talaga sila mismo ang may gawa? Hanggang kailan nga ba dapat sisisihin ang sarili sa pagkawala ng dalawang taong naging importante sa buhay nila?

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now