CHAPTER XXXIV

1.8K 42 0
                                    

Bago tuluyan umuwi sa hotel na tinutuluyan nila ay nag drive thru na muna ang magkakaibigan sa isang fast food chain dahil sa mga kasama nila Aiah, Sheena at Stacey na maya't mayang mga nagugutom. Nang makauwi ay agad nilang nilinis ang mga sarili nila at agad sinimulan ng mag nobya na si Aiah at Mikha ang maghanap ng resort para sa family outing ng pamilya ni Aiah at Sheena.

"Love, Ano bang mas gusto niyo? Around Luzon lang ba?" Tanong ni Mikha sa nobya na nakadapa na sa kama habang busy sa kaniyang laptop. "Yes love, medyo may mga edad na mga kasama namin tas yung dalawang bata pa, land trip lang" Sagot ni Aiah sa nobyang busy rin maghanap ng resort sa laptop niya sa terrace ng hotel room nila. Nang makahanap na ang magnobya ay agad na tinawagan ni Aiah ang kaniyang kuya at mommy para ipaalam ang resort na nakita niya habang si Mikha naman ay kumuha lang ng beer sa mini ref nila sa kanilang room.

"Yes mommy, ahm sasama raw po siya ni Sheena" Nag aalangan na sagot ni Aiah habang nakatingin sa nobya niya na ineenjoy ang view sa terrace ng hotel room nila "Okay, i love you too mom" Sagot ni Aiah bago ibaba ang linya. Saglit pang napatitig si Aiah sa likod ng nobya atsaka huminga ng malalim.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mikha sa kaniyang nobya, tumango naman si Aiah at agad na pinuntahan ang nobya para yakapin. Agad din naman siyang niyakap ni Mikha. "Sasama ni Cassandra si Anthony" Biglang usap ni Aiah. "Goodluck sa kaniya" Natatawang sagot ni Mikha. "Sana sa susunod kasama na rin kita" Nakangusong usap pa ni Aiah. Natawa naman si Mikha at hinawakan ang mukha ng nobya. "Kahit naman gustuhin natin pareho, alam natin hindi magiging madali diba?" Seryosong usap na ni Mikha, tumango naman si Aiah at tinitigan ang nobya. "I'm sorry" Seryosong sabi pa ni Aiah. Napangiti naman si Mikha at hinalikan ang noo ng nobya. "Hindi mo kailangan mag sorry, hindi mo naman kasalanan na ayaw ng pamilya mo sa mga piloto" Natatawang sagot ni Mikha

"Mahal na Mahal Kita, Queem" Seryosong sabi ni Mikha at niyakap ang kaniyang nobya

"Mahal din kita, Mikha" Sagot ni Aiah. Magkayakap nilang sinulit ang bawat ang minuto hanggang sa...

"Tumatawag si Gelo " Usap ni Aiah at pinakita ang phone niya kay Mikha. "Sagutin mo baka importante, kuha lang akong beer sa loob" Nakangiting usap ni Mikha at pumasok na sa loob. "Love! last na yan ah!" Sigaw ni Aiah sa nobya. "Yes love!" Sigaw pabalik ni Mikha.

Agad naman naupo si Aiah sa upuan na nasa terrace bago tuluyang sagutin ang tawag ng kaibigan.

"Lavi!" Masayang bungad ni Gelo sa kabilang linya.

"Yes?" Tanong ni Amari, pinaupo naman ni Aiah si Mikha sa tabi niya ng makita itong kusang lumayo sa kaniya dahil sa may kausap siya sa telepono, nang makaupo na sa tabi niya ang nobya ay atsaka niya niloud speaker ang cellphone. Ayaw ni Aiah na pagdudahan siya ni Mikha kahit na alam niyang wala lang kay Mikha ito at naiintindihan nitong kaibigan lang si Gelo. Gusto niya lang maging fair pagdating kay Mikha dahil gaya niya, wala rin tinatago si Mikha sa kaniya lalo na sa pagdating sa mga babaeng lumalapit sa nobya niya.

"Kailan kayo bibisita nila tita Amanda rito? pinapatanong kasi ni mommy, alam mo naman yon" Usap ni Gelo.

"Hmm, hindi ko pa alam kila kuya at mommy, alam mo naman si mommy ayaw ng eroplano" Sagot ni Aiah, napaiwas naman ng tingin si Mikha at ininom ang kaniyang beer.

"E ikaw? Kailan mo kami bibisitahin dito nila mommy?" Tanong ni Gelo.

"Hindi ko alam, wala pa akong time e" Simpleng sagot ni Aiah sa kaibigan.

"Pati ba sa lovelife wala kang time?" Biglang seryosong tanong ni Gelo

"Bakit naman nadamay lovelife ko rito?" Inis na tanong ni Aiaj sa kaibigan

"Okay chill, gusto ko lang ipaalam sayo na manliligaw pa rin ako kahit na ayaw mo, ipapakita ko pa rin sayo kung gaano ako ka worth it" Natatawang usap pa ni Gelo.

"Sige na, bye" Dagdag pa ni Aiah at agad na binaba ang linya. Natawa naman si Mikha sa inasta ng nobya at pinakalma ito.

"Sorry love, hindi ko magawang sabihin sa kaniya yung totoo, ayokong makarating kay mommy yung tungkol sa atin ng hindi tayo handa"

"Ayokong siya lang yung magiging dahilan ng pag------

At muli nanaman natahimik ang isang Aiah sa halik ng isang Mikha Lim. Napangiti naman si Mikha kaya agad din siyang tinulak ni Aiah ng mahina.

"Chansing!" Natatawang usap ni Aiah sa kaniyang nobya. "Tsk tsk, halik ko lang pala stress reliever mo, Ms. Arceta" Nakangiti at napapailing na sabi ni Mikha sa dalaga. "Medyo makapal mukha mo, Ms. Lim" Sagot naman ni Aiah. Napangiti naman si Aiah ng marinig ang paborito niyang kanta mula sa telepono ng kaniyang nobya atsaka sinabayan ito.

"Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka makasama ka yan ang panalangin ko oooohh" Kanta pa ng dalaga, taka naman tumingin si Aiah sa kaniyang nobya ng bigla itong tumayo para alalayan siya patayo.

"Love, bakit?" Takang tanong ni Aiah kay Mikha, umiling naman si Mikha at pinatong lang ang dalawang kamay ni Aiah sa balikat niya kasunod ng mga kamay niyang papuntang bewang ng kaniyang nobya.

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
At sana naman, makikinig ka
Kapag aking sasabihing minamahal kita


"Wala naman, gusto ko lang isayaw ang reyna ko" Seryosong usap ni Mikha, napangiti naman si Aiah at niyakap ang nobya habang nagsasayaw pa rin.

Panalangin ko sa habang-buhay
Makapiling ka, makasama ka
'Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko, iyong dinggin

"Anong tumatakbo sa isip mo?" Biglang tanong ni Aiah habang yakap yakap pa rin ang nobya.

"Ikaw"

"Care to explain?"

"Ayoko kasing problemahin mo yung mga bagay na hindi pa naman nangyayari, ayokong sayangin mo lakas mo kaka hingi ng pasensya sa akin"

"Kasi love, ayokong mapagod ka sa akin, ayokong mapagod ka sa sitwasyon natin" Seryosong usap ni Mikha. Nang hindi na malaman ni Aiah kung ano ang dapat na sabihin ay tinapos na lamang niya ang usapan sa pamamagitan ng kaniyang halik at kasabay ng gabi, ganon din ang paglalim ng kanilang mga labi.

Panalangin ko sa habang-buhay
Makapiling ka (makapiling ka), makasama ka (makasama ka)
'Yan ang panalangin ko

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now