CHAPTER XXII

1.6K 39 1
                                    

"Hindi pa rin ako nakaka move on sa nangyari kanina kahit ako naiiyak" Usap ni Stacey sa mga kaibigan, minabuti muna ng mga Vergara na mag usap sa loob ng bahay niya habang pinagpatuloy lang ng magkakaibigan ang pag iinuman nila

"Hanga talaga ako sayo, Mikha. Ibang klase kang mabored" Sabi pa ni Jhoana tsaka tinapik ang balikat ng kaibigan

"Kung alam mo lang, walang araw na hindi sinabi sa akin ni Colet na miss na miss na niya ang ate niya. Thank you Mikha" Naiiyak na sabi na rin ni Sheena tsaka niyakap ang kaibigan, napailing naman si Mikha. "Sa tingin ko kailangan mo na rin mag take ng leave" Usap ni Mikha sa kaibigan "Bakit?" Takang tanong ni Sheena, pinakita lang naman ni Mikha ang schedule nila for this coming week at nakita niyang walang schedule si Colet.


"Don't tell me, sinalo mo sched ni Colet for this coming week?" Tanong ni Sheena, nakangiti lang naman tumango si Mikha pero tanging kunot na noo lang natanggap niya mula sa mga kaibigan niya

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ni Aiah, saglit pang natahimik si Mikha dahil hindi niya inaasahan na kakausapin pa siya ni Aiah sa kabila ng pagiging busy nito sa lavi niya.

"Matagal hindi nabuo ang pamilya ni Colet, kaya dapat lang na magkaoras siya sa pamilya niya at mabuo sila na magkakasama" Tanging sagot ni Mikha, naiintindihan naman nila ang rason ni Mikha pero hindi ang pagpapabaya niya sa sarili niya. Nagpatuloy lang sila sa pag iinom hanggang sa

"Lavi, tinatanong na ni Tita kung nasan na tayo" Biglang usap ni Gelo kay Aiah, napatingin naman ang magkakaibigan sa kanila pati na rin kay Mikha na nagpapakabusy lang sa phone niya

"Lavi, alam ni mommy na kasama natin si Sheena kaya okay lang yon" Nakangiting sagot ni Aiah tsaka tinapik tapik ang mukha ng kaibigan

"Lavi baka magalit si tita" Nag aalala pang sabi ni Gelo

"Hindi magagalit yon, lavi, minsan ka lang nandito" Pagrarason pa ni Aiah


"Pero lavi ———


Nahinto sa pagsasalita si Gelo ng biglang tumayo si Mikha at napatingin naman sa kaniya ang lahat ng mga kaibigan niya


"Hoy lavi! ayyy lavi" Biglang usap ni Jhoana pero agad naman siyang siniko ni Stacey

"Este tol, bakit?" Tanong ni Jhoana sa kaibigan, na aligagang nilalagay ang wallet at cellphone sa bulsa niya

"Una na ako, pakisabi na lang kila Colet na umalis na ako" Nagmamadaling sabi ni Mikha pero kinapitan lang ni Sheena ang kamay nito at pinakalma ang kaibigan

"Sa tingin mo hahayaan ka namin na umalis ka ng ganyan? bakit? ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Sheena sa kaibigan, hindi naman nakasagot si Mikha at may pumatak na luha sa mata nito habang nakatingin sa kaibigan

"Si mommy" Nasabi na lang ni Mikha tsaka nagmadaling umalis sa harap nila. Nagets naman ng dalawang nurse ang sinabi ni Mikha dahil na rin sa pagbalik balik ng mommy ni Mikha sa hospital nila kaya nagmadali na rin silang kunin ang mga gamit nila.

"Yan na nga ba sinasabi ko, matagal na kasi pinatigil ni tita yang gamutan niya" Naiinis ngunit nag aalala na rin na sabi ni Stacey tsaka sumunod palabas kay Jhoana.

"Aiah, Gelo, mauna na kayong umuwi" Usap ni Sheena sa dalawang kaibigan

"Sasama kami" Pagpupumilit pa ni Aiah, umiling naman si Sheena "Hayaan mo muna si Mikha, huwag ka na muna dumagdag bo" Seryosong sabi ni Sheena sa kaibigan at tumakbo na palapit sa kaibigan paalis ng bahay nila Colet. Agad din naman nagpaalam sila Aiah sa mga Vergara kaya nalaman din ng mga ito ang nangyari patungkol sa pagmamadali ni Mikha patungkol sa mommy nito.


"Paanong nangyari na nakita ka ni Mikha?" Tanong ni Colet sa ate niya na nasa passenger seat habang nasa likod naman ang mga magulang nila. Papunta na sila ngayon kung nasaan nandoon si Mikha pati na rin ang mommy nito.

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko lang, may kumatok sa tinutuluyan ko and it turns out na si Mikha yon. Doon ko rin nalaman na halos isang taon niya rin akong pinahanap sa detective na nakilala niya sa Airport doon" Sagot nito "Naging mahirap ang buhay ko ron, nahihiya naman akong bumalik sa pamilyang to pero siniguro ni Mikha na magiging okay lang ang lahat, siya nag asikaso lahat ng papel ko pati na rin ng tickets ko para lang makauwi ako ulit sa inyo" Kwento pa nito, ngumiti naman si Colet pati na rin ang mga magulang nila.

"Colet, ano bang kondisyon ng tita Myrla mo ngayon at bakit nahospital siya?" Tanong ng daddy nito "Ang alam ko lang po dad, base kila Jhoana at Stacey, nagpabalik balik na po si Tita Myrla sa hospital dahil sa kumplikasyon nito sa puso" Sagot ni Colet

"Hindi ba ganon din —

"Opo mommy pero matagal na niyang nilabanan yon kaya tapos na siya roon" Pagpuputol ni Colet sa sasabihin ng mommy niya at nag focus na sa pagdadrive. Laban na minsan na naging mitsa ng lahat ng mga problema niya ngayon.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon