CHAPTER XLV

1.6K 38 0
                                    

Isang umaga ay nagising na lang si Mikha ng may narinig siyang pagtatalo sa sala niya kaya hindi na rin niya ininda ang antok niya at tumayo na lang para tignan kong sino yon. Kahit na alam niyang posibleng mga kaibigan niya lang iyon ay tumayo pa rin siya dahil bago pa rin sa pandinig niya ang pagtatalo ng mga ito.

"Alam mong hindi lang si Aiah ang nawalan. Paano naman si Mikha?" Inis na tanong ni Stacey kay Sheena.

"Naisip mo ba yung pwedeng maramdaman ni Aiah na kapag nalaman niya na yung taong minahal niya ang isa sa dahilan kung bakit hindi na sila kumpleto ngayon?" Inis na rin na usap ni Sheena.

"Naisip mo rin ba kung gaano kahirap ang naging buhay ni Mikha na sa buong buhay niya sinisise niya ang sarili niya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa? Naisip mo rin ba kung gaano kasakit kay Mikha ng itakwil siya ng sarili niyang magulang? Naisip mo rin ba kung gaano magiging kasakit kay Mikha ang lahat kapag nalaman na niya ang totoo? Katotohanan na maari na niyang ikamatay" Nauubusan ng pasensya na usap ni Stacey sa kaibigan.

"Parehas lang silang biktima rito, parehas lang silang nawalan at alam niyong parehas lang silang pwedeng masaktan. Kaya pwede bang huminahon muna kayong dalawa?" Sabat ni Colet sa dalawa.

"Hindi niyo kailangan pumanig sa kung sino dahil kahit anong pang sabihin niyo, aksidente lang at walang may gusto ng nangyari" Sabat na rin ni Jhoana.

"Ano man ang maramdaman nila ay hindi na natin kontrolado" Dagdag pa ni Jhoana

"Tama si Jhoana, basta kahit anong mangyari, hindi pa rin pwedeng malaman ni Mikha sa ngayon ang totoo" Dagdag naman ni Colet.

"Kailan ko ba dapat malaman yon?" Tanong ni Mikha habang nakaupo na sa isang upuan niya pa malapit sa sala. Gulat naman napatingin sa kaniya ang magkakaibigan ng makita si Mikha roon.

"Hindi ka pumasok?" Takang tanong ni Colet sa kaibigan.

"Obvious ba?" Sagot naman ni Mikha habang antok pa ring nakapikit na nakasandal sa upuan.

Hindi naman agad nakapagsalita ang magkakaibigan ng biglang nakatanggap ng tawag si Mikha mula sa tito niya na Doktor sa hospital nila Jhoana at Stacey.

"Don't worry, uncle. Iniinom ko pa rin naman ang mga gamot ko, hindi ko na rin muna pinipilit ang sarili kong pumasok sa ngayon, ayoko rin naman isugal ang buhay ng mga pasahero ko" Biglang usap ni Mikha sa kabilang linya habang nakapikit pa rin.

"Okay, uncle. Punta rin ako diyan sa hospital agad" Sagot naman ni Mikha sa kabilang linya. Taka naman napatitig si Colet at Sheena sa kaibigan ng marinig ang mga sinabi nito.

"Akala ko si Aiah lang ang walang alam" Pataray na usap ni Stacey at inirapan ang dalawang mag nobya. Napatingin na lang naman ang dalawa sa isa pang kaibigan ngunit hindi naman ito nagsalita na at itinuro na lang ang kaliwang dibdib niya patungkol sa kaniyang puso.

Hindi naman agad nakapagsalita ang dalawang magnobya ng napagtanto ang pinupunto ng kanilang kaibigan.

"Ayan ang hindi namin inaasahan na bumalik, na sana nga hindi na lang talaga bumalik" Pabulong na usap pa ni Jhoana habang nakatingin sa kaniyang kaibigan

"Kailan pa?" Nag aalalang tanong ni Colet

"Last month" Sagot pa ni Jhoana

"Ang totoo niyan, sinubukan pang pakiusapan ni Stacey si Aiah na kung maari samahan sa hospital si Mikha ng mahuli niyang iniinda na naman ni Mikha ang sakit ng dibdib non pero mukhang wala naman na pake si Aiah kaya hindi na rin namin pinilit" Dagdag pa ni Jhoana.

"Paano niyo napapayag?" Tanong ni Sheena

"Alam naman natin na kahit anong badtrip ni Mikha sa kakulitan ni Stacey ay hindi niya ito mahindian lalo na kung haluan na ni Stacey yon ng drama" Sagot ni Jhoana. Napatingin naman ang dalawang magnobya kay Stacey at nagpasalamat.

"Ngayon alam niyo na kung bakit ganon ko na lang siya ipagtanggol? Parehas lang silang dehado dito" Bulong pa ni Stacey sa mga kaibigan.

Sabay-sabay naman silang natahimik ng biglang tumayo si Mikha at hinarap ang mga kaibigan.

"Kung ano man ang pinagbubulungan niyo diyan at kung tungkol man yan sa akin, please lang, kung wala rin naman kayong balak na sabihin, manahimik na lang kayo, dinaig niyo pa mga bubuyog" Usap naman ni Mikha.

"Hmm, Stacey? Samahan mo ko, ikaw rin naman pumilit sa akin na gawin 'to, baka ikamatay ko pa kung ako ang magdrive" Usap naman ni Mikha kay Stacey, tumango lang naman ang dalaga at ngumiti.

"Ayaw mo bang samahan ka namin?" Seryosong tanong naman ni Sheena, ngumiti lang naman si Mikha at umiling.

"Alam kong kakarating niyo lang kaya magpahinga na muna kayo pare-pareho, dito ka na lang din muna magpahinga, Jhoana, hintayin mo na lang kami ni Stacey maya-maya" Usap ni Mikha bago tuluyan umalis sa harap nila para mag ayos.

Nang mawala na si Mikha sa paningin nila ay sabay-sabay silang napaupo sa sofa at natulala.

"Coronary Artery Disease, gaya ng dati, gaya ng sa mommy niya" Biglang usap ni Jhoana sa dalawang kaibigan.

"Bakit hindi niyo sinabi agad sa amin?" Tanong ni Colet.

"Ayaw na ipaalam pa ni Mikha sa marami tsaka busy kayo e tas inaasikaso niyo pa yung outing niyo" Sagot naman ni Jhoana.

"Kaya ba hindi na siya nakakapasok?" Tanong pa ni Sheena. Tumango naman si Jhoana

"Kailangan malaman ni Aiah 'to" Biglang usap ni Sheena tsaka tumayo.

"Para saan pa? E narinig niyo naman ang lahat ng sinabi ni Kuya Akira at Ate Maloi kanina. Di ba?" Seryosong usap ni Stacey.

"Kung alam ko lang na ganto karaming impormasyon ang malalaman ko ngayon araw sana pala hindi na ako nagising" Napapailing na usap ni Colet.

"Gagaling pa naman si Mikha, di ba?" Nag aalalang tanong niya sa dalawang nurse na nasa harap niya. Nagkibit balikat na lang naman si Stacey bilang sagot.

"Siguro kung tutulungan niya yung sarili niya gumaling, baka pwede pa" Sagot ni Stacey.

"Si Aiah ang kailangan niya" Biglang usap ni Sheena, napailing naman si Stacey

"I hate to admit it, pero kahit ako, ayon din ang nasa isip ko. Pero hindi na natin kailangan umasa kay Aiah kahit alam pa natin siya lang ang makakatulong at makakapilit kay Mikha na magpagaling sa ngayon" Seryosong usap ni Stacey

"Tama si Stacey, hindi natin kailangan umasa sa taong alam din natin ng kailangan din ng tulong sa sitwasyon at pagdadaanan pa nilang sitwasyon" Sagot ni Colet sa mga kaibigan.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now