CHAPTER XLI

1.5K 39 1
                                    

Lumipas ang araw, linggo at buwan ng hindi man lang nakatanggap si Mikha ng ni text o tawag mula sa kaniyang nobya. Tanging kay Sheena na lamang niya nakakamusta ang kaniyang nobya at oras-oras minu minuto pa rin siyang naghihintay at umaasang na sana tumawag at magparamdam na sa kaniya ang nobyang si Aiah.

"Sa inyo siya sasabay?" Tanong ni Mikha sa magnobyang si Colet at Sheena. Tumango naman ang dalawa bilang sagot. Nasa condo ngayon ni Mikha ang dalawa, dumaan sila rito para magpaalam at ipaalam na ngayon na ang family outing ng pamilya nila Sheena at Aiah.

"Hmm, ingat kayo. Kamusta niyo na lang ako kay Aiah tsaka sa dalawang bata" Nakangiting usap pa nito sa dalawa.

"Nga pala, pabigay na rin nito kay Aiah" Usap pa niya sa dalawa at binigay ang isang papel at isang maliit na box.

"Hindi pa rin kasi siya nagrereply sa mga text ko, baka kasi hindi niya nababasa o hindi kaya hindi siya pinapayagan ng kuya niya na kausapin ako, pabigay naman oh" Pakiusap pa niya sa dalawa, napaiwas na lang naman ng tingin si Colet habang kinuha naman ni Sheena ang papel at maliit na box kay Mikha

"Don't worry, Mikhs. Makakarating kay Aiah to" Nakangiting usap pa ni Sheena sa kaibigan.

"Oh siya, sige na, baka hinihintay na kayo non, may pagka mainipin pa naman yon" Dagdag pa ni Mikha at tinulak na palabas ng condo ang dalawang kaibigan niya. Agad naman siya niyakap ni Colet

"Babalik ako agad, rides tayo pag uwi ko" Usap pa niya sa kaibigan niya habang yakap yakap pa rin ito.

"Okay okay, goodluck bro" Natatawang usap pa ni Mikha sa kaibigan.

"Sheena, Ikaw na bahala kay Vergara ah, goodluck sa inyo" Nakangiting usap ni Mikha sa dalawa.

Nang makaalis na ang dalawang magnobya sa condo ay hindi maiwasan malungkot ng dalawa ng makita ang kaibigan sa ganon sitwasyon. Hinawakan na lang naman ni Sheena ang kamay ni Colet atsaka ngumiti.

"Magiging okay din ang lahat" Nakangiting usap niya pa kay Colet. Ngumiti na lang din naman si Colet sa kaniyang nobya.

Nang masundo na si Aiah ay agad din nagdrive si Colet papunta sa resort na binook noon ni Mikha at Aiah sa Vigan para sa family outing nila Aiah at Sheena.

"Nga pala, bo! nakapag exam na ako, results na lang hinihintay ko" Usap ni Aiah

"Tas kapag nakapasa baka igrab ko na rin yung offer ni Gelo" Dagdag pa nito.

"Alam ba ni Mikha yan?" Biglang tanong ni Sheena.
"Hindi ko pa nasasabi sa kaniya" Sagot ni Aiah sa kaibigan

"Oo nga pala, paano mo nga naman pala masasabi sa kaniya e isang buwan ka lang naman walang paramdam sa girlfriend mo" Sarcastic na sabi pa ni Sheena

"Alam mo naman na hindi madali to ———-

"Pero alam mo rin na hahantong to sa ganto, akala ko ba ilalaban mo?" Iritang tanong pa ni Sheena sa kaibigan

"Alam mo, mabuti na lang talaga hindi ka nagpiloto, nang iiwan ka sa ere, pinagmumukha mong tanga yung tao kakahintay sayo" Dagdag pa ni Sheena, hinawakan naman na ni Colet ang kamay ng kaniyang nobya para pakalmahin ito, na kahit siya ay gusto rin sumbatan ang isa pang kaibigan dahil sa ginagawa nito sa taong kapatid na rin niya kung ituring.

"Huwag mo na pahirapan ang sarili mo Aiah pati  na rin si Mikha, kung hindi mo kayang lumaban, itigil mo na lang" Biglang usap ni Colet, napatingin naman sa kaniya si Aiah.

"Alam kong alam mong hindi ka pakakawalan ni Mikha pero kilala ko rin si Mikha, basta para sa taong mahal niya pilit niya iintindihin, pilit niyang kakayanin kahit dobleng sakit pa yung maramdaman niya, gaya ng nangyari sa kanila ng mommy niya"

"Lalo na sa sitwasyon na meron kayo, nasa desisyon mo nakasalalay kung magtatagal kayo. Kung lalaban ka, mas hihigpit ang kapit sayo ni Mikha at sasamahan ka niya sa laban mo pero kung hindi naman at kung susuko ka, alam kong hindi siya magdadalawang isip na bitawan ka kahit mahal na mahal ka niya, hindi selfish si Mikha, lagi ka niya iniisip pati na rin ang pamilya mo"

"Kaya Aiah, pag isipan mo, kasi awang awa na rin ako sa kaibigan ko" Usap ni Colet at tinignan si Aiah sa itaas na bahagi na salamin ng kotse niya.

Nang makarating sa resort ay tahimik lang kinuha ng tatlo ang mga gamit nila sa likod ng kotse at ni isa ay walang kumibo, agad naman napansin iyon ng mag asawang si Akira at Gwen ng salubungin nila ang mga ito.

"Nabanggit sa akin ni Sheena na simula ng malaman mo ang relasyon ng dalawa e ni hindi na nagparamdam ulit si Aiah kay Mikha" Usap ni Gwen sa kaniyang asawa at pataray niya itong tinignan

"Wala ka naman siguro kinalaman doon, Arceta" Madiin na usap pa nito sa asawa niya, agad naman napailing si Akira bilang pagtanggi.

"Wala, sarili niyang desisyon yan, ang akin lang, alalahanin niya ang pwedeng maramdaman ni Mommy dahil hindi lang basta Piloto yang karelasyon niya, si Mikha yon" Seryosong usap naman ni Akira sa kaniyang asawa.

"Akala ko ba?——

"Oo, aksidente ang lahat ng nangyari noon, naiintindihan ko yon dahil hindi lang din kami ang nawalan, sila Maloi at Mikha rin. Pero sila mommy? kaya ba nilang intindihin yon? kaya bang intindihin ni Aiah ang lahat kapag nalaman na niya ang totoo?" Sunod-sunod na tanong ni Akira.

"Kung ako lang din ang tatanungin walang kaso ang relasyon niya kay Mikha, mabuting bata si Mikha, alam kong hindi niya iiwan at pababayaan si Aiah. Ayoko lang din masaktan si Mikha at Aiah kapag pinatagal pa nila ang relasyon nila bago pa nila malaman ang totoo" Usap ni Akira na siya naman kinabigla ni Gwen

"Ano ang ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Gwen

"Akira, don't tell me———-

"Nag usap na kami ni Maloi, kailangan na namin gawin kung ano ba talaga ang dapat namin gawin, para matapos na ang isyu ng pamilyang to dahil kahit ako awang awa na rin kay Mikha. Pagtapos nila malaman ang totoo, na kay Aiah pa rin talaga ang desisyon"

"Hindi magiging madali para sa kanilang dalawa ang mga susunod na pwedeng mangyari" Nag aalalang usap pa ni Gwen sa kaniyang asawa

"Pero kailangan nilang kayanin" Biglang sabat ni Akira

"Sa ngayon, pabayaan na muna natin sila, kakausapin ko na lang muna si Aiah kaya huwag ka na magalit, sayang bakasyon" Natatawang usap ni Akira sa kaniyang asawa at niyaya na ang asawa na balikan na ang kanilang mga anak.

We Fell In love in OctoberWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu