CHAPTER XLVI

1.6K 40 0
                                    

STACEY'S POV

Nandito na kami ngayon sa hospital, naiwan na ang tatlo sa condo ni Mikha at doon na lang daw muna sila magpapahinga para malaman din daw agad nila ang nangyari sa lakad namin ngayon ni Mikha pag uwi namin na Condo nito. Alam na rin ng mga magulang ko at ni Jhoana ang lagay ng puso ni Mikha kaya maski sila ay tutok at abala na rin sa paghahanap ng solusyon upang hindi na rin ito lumala kagaya ng kay tita Myrla.

"Nakausap ko na si Maloi patungkol sa lagay ng puso ni Mikha, kung hindi ko pa pala sasabihin ay wala rin siyang alam patungkol sa lagay ng kapatid niya" Napapailing na usap ng Tito niyang doktor.

"E dok. Nakiusap ho kasi sa akin si Mikha na sa amin amin na lang daw ho yon hanggat maari, kapalit ng pagpilit ko sa kaniya na gawin ang lahat ng ito" Sagot ko. Totoong nakiusap sa akin si Mikha na kung maari ay kami kami na lang din ang nakakaalam. Wala naman akong karapatan tumanggi dahil iyong na ang usapan namin. Hindi rin naman ako nahirapan na pilitin siya dahil sa loob loob niya ay gusto rin niyang gumaling dahil hindi pa niya nahahanap ang pamilyang nagawan niya raw ng atraso.

"Mabuti at pumayag siyang gawin to" Hindi rin makapaniwalang usap ng tito niya.

"May kinalaman nanaman ho tungkol sa nakaraan niya, gusto niya pang mabuhay dahil gusto pa niyang humingi ng kapatawaran sa pamilyang nadamay noon dahil sa kaniya" Simpleng sagot ko. Napatango naman siya ng magets ang pinupunto ko.

"Malapit na siya sa pamilyang yon, oras na lang talaga ang magsasabi kung kailan at saan at kung sa paanong paraan nila malalaman ang katotohanan" Sagot naman ng tito niya, napatango naman ako.

Matagal na namin alam ang pinagdaan ni Mikha noon nawala ang daddy niya pero kanina lang naging malinaw sa amin magkakaibigan ang lahat ng nangyari noon, kung sino, saan at yung dahilan. Kahit ako ay nagulat sa nalaman ko, kahit ako ay hindi alam ang gagawin kapag nalaman na nila ang totoo.

Hanggang sa pumasok na rin sa opisina niya si Doc. Garcia. Doktor na nakatoka rin kay Mikha.

"Dok, Nurse Stacey. Natapos na namin ang ilan tests kay Mikha kasama ng ilan nurse, nagpapahinga na siya ngayon sa kwarto niya at mamaya ay maari na rin kayo makauwi, sa ngayon maghintay na lang tayo ng ilan araw para sa results ng mga yon para masimulan na rin natin ang dapat natin gawin" Usap naman ni Doktor Garcia.

"Salamat ho ng marami dok" Nakangiting sagot ko. Ngumiti rin naman siya at tumango.

"Hmm. Nurse Stacey sa ngayon stick na muna tayo sa binigay kong gamot at pain reliever hanggat wala pa yung resulta. Nabanggit na rin sa akin ng daddy mo na kayo na nga raw ni Jhoana ang magiging nurse ni Mikha rito gaya ng gusto niyo kaya sa inyo ko na siya ibibilin muna sa ngayon" Usap pa niya, nakangiti naman akong tumango.

"Kaming bahala ni Jho, dok" Sagot ko. Saglit pa kami nag usap patungkol sa lagay ni Mikha bago ako tuluyan nakapunta sa isang kwarto kung saan siya nagpapahinga, pagpasok ko naman ay nakita ko lang siyang nakahiga habang tulala na nakatingin sa kisame.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya, tumingin lang naman siya sa akin at ngumiti.

"Nakausap ko na yung head namin patungkol sa kundisyon ko, mamaya rin ay kailangan ko na magresign bilang piloto" Nakangiting usap niya ngunit mangilan saglit lang ay tinaksil na mismo siya ng sarili niyang mga mata

"Hindi ba dapat masaya ako kasi hindi na ako magiging piloto? Hindi ba dapat masaya ako kasi sa wakas pwedeng pwede na kami ni Aiah?" Nakangiti pa rin usap niya habang umiiyak.

"Pero bakit pakiramdam ko parang balewala lang yon? Bakit pakiramdam ko lahat ng meron ako lahat mawawala?" Dagdag pa niya, hindi ko naman na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya ng mahigpit.

"Huwag mong sabihin yan, magiging okay din ang lahat, nandito pa rin naman kami nila Jho, Colet tsaka Sheena, mga pamilya namin, lalong lalo na ang pamilya mo" Pagtatahan ko sa kaniya, hindi ko rin naman na napigilan ang sarili kong maluha habang yakap yakap pa rin siya. 

Kinahapunan ay niyaya na niya akong umuwi para makapagpahinga na raw kami pare-pareho. Nang makarating kami sa Condo niya ay nadatnan namin ang si Colet at Sheena na abala sa pagluluto at paghahain sa dining area habang nagpapahinga pa rin sa sala si Jhoana. Kawawa naman ang baby ko.

"Mamaya ka na magpahinga para tuloy tuloy na, kain na muna tayo" Usap ni Sheena kay Mikha at hinila na ito paupo sa dining area, alam kong napansin nila ang mugto na mata ni Mikha pero alam kong naramdaman din nila na hindi ito ang tamang oras para pag usapan yon.

"Hon, gising na, kain na muna tayo" Pag gising ko kay Jhoana, agad naman siyang tumayo at humalik sa pisnge ko.

"Okay ka lang, Hon? Si Mikha? Kamusta?" Tanong niya, ngumiti lang naman ako at hinila na rin siya papuntang dining area.

"Mamaya na natin pag-usapan pagtulog ni Mikha" Sagot ko sa kaniya. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa nagsalita na si Mikha.

"Thank you and I'm sorry kung minsan nakakaabala na ako sa inyo" Biglang usap niya habang nilalaro ang pagkain niya sa plato niya, napailing na lang naman ako habang seryoso siyang hinarap ni Colet

"Non sense, alam mong hinding hindi ka magiging abala sa aming apat. Sa katunayan nga niyan walang wala tong mga ginagawa namin sayo kumpara sa mga nagawa mo sa amin at sa pamilya namin, kaya please, huwag na huwag kang mag isip ng ganyan, bro" Seryosong usap ni Colet kaya nginitian na lamang siya ni Mikha.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag niyong papapalitan tong puso ko ah, gusto ko kahit na anong mangyari, maaalala pa rin nito si Aiah" Sabi pa niya habang tinuturo ang dibdib niya, napaiwas na lang naman ng tingin si Sheena at hindi na lalong umimik.

"Pahinga na muna ako, nanghina ako sa mga pinag gagagawa nila sa akin kanina e" Natatawang sabi niya habang isa isa kaming niyakap bago tuluyan umalis sa harap namin.

"Bro, yung gamot mo inumin mo na sa kwarto mo ah! Checheck ko yan mamaya!" Sigaw naman ni Jhoana kay Mikha.

"Opo, nurse Jhoana. Don't worry!" Sigaw pabalik ni Mikha.

"Thank you guys! I Love You!" Pahabol pa niya bago tuluyan pumasok sa kwarto niya.

Nang masigurong nasa kwarto na si Mikha ay doon ko na kwinento ang lahat ng nangyari at napag usapan namin ni Mikha. Gaya ng reaksyon ko ay nagulat din sila ng malaman na kinailangan ng mag resign ni Mikha sa trabaho niya dahil alam din namin pare-pareho kung gaano kahalaga ito kay Mikha.

We Fell In love in OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon