CHAPTER XXVII

1.8K 45 3
                                    

Lumipas ang araw, linggo at buwan na hindi nagkikita at nagkakasama si Aiah at Mikha. Umaalis naman ang magkakaibigan pero kung hindi si Mikha ang busy ay si Aiah naman ang may laging alis, halos hindi na rin sila makumpleto kaya naman napansin na ng magkakaibigan ang sitwasyon ng kanilang dalawang kaibigan.

"Iniiwasan ba nila ang isa't isa?" Takang tanong ni Colet sa nobya nito. Nasa coffee shop silang apat nila Sheena, Jhoana at Stacey, nagkayayaan lang matapos ng napakabusy nilang schedule nitong nagdaang linggo.

"Pansin ko rin, parehas mga nagpapalusot, may umamin na ba sa kanila?" Takang tanong pa ni Jhoana, tumango lang naman si Sheena at uminom ulit ng kape niya. Nagkatinginan naman sila Colet at Stacey tsaka naglabas ng pera sa kani kanilang wallet. "Kay Pareng Mikha ako, malabong si Aiah, bawal piloto sa pamilya nila e" Pusta ni Stacey at nilapag ang pera niya sa mesa "Kay Mareng Aiah ako, basta, kilala niyo naman si Mikha" Pusta pa ni Colet at nilapag din ang pera niya sa mesa. "So? sino?" Tanong ni Jhoana sa kaibigan "Si Mikha" Sagot ni Sheena. Napapalakpak naman si Stacey at kinuha na ang pera sa mesa. Napanganga na lang naman si Colet at Jhoana sa nalaman nila.

"Imposible" Hindi makapaniwalang usap ni Jhoana
"Si Mikha? aamin?" Takang takang dagdag pa ni Colet

"Kailan pa?" Takang tanong ni Stacey. "Nung nagkasakit si Mikha" Sagot ni Sheena, nanlaki naman ang mata ni Stacey at napatango "Kaya pala, kaya pala ganon katahimik si Aiah nung lumabas ako sa kwarto ni Mikha, may something na pala" Patango tango pang sabi ni Stacey ng mapagtanto ang nangyari nung araw na yon. Ilan minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin si Aiah at umorder na rin ng iinumin niya.

"Ang tagal mo naman bo" Reklamo ni Sheena sa kaibigan. Niyakap lang naman siya ni Aiah at ngumiti "Inayos ko kasi yung mga papel na kakailanganin ko para sa darating na exams" Nakangiting sagot ni Aiah, natahimik lang naman ang magkakaibigan at napatingin na lang kay Aiah. "Tatanggapin mo na offer ni Gelo sayo sa Canada?" Takang tanong ni Sheena "Hmm, siguro, hindi naman ako mag eexam para sa wala lang, hmm pwede rin naman bored lang ako" Natatawang sagot ni Aiah, tumango na lang naman ang kaibigan nito at nilingon ang isang kaibigan na kanina pa nakatayo sa likod ng dalaga

"Naka order ka na?" Nakangiting tanong ni Sheena kay Mikha, tumango naman ang dalaga at umupo na sa bakanteng upuan katapat ng kay Aiah.

"Nga pala, birthday ni Mandy sa sabado, iniinvite niya tayo sa rest house nila sa Quezon Province" Nakangiting banggit ni Colet sa mga kaibigan "Sure na kami nila Sheena at Mikha, kayong tatlo na lang Aiah, Jhoana, Stacey. Ano g kayo?" Tanong pa ni Colet sa mga kaibigan nito, "Busy ——

"Sasama si Aiah" Nakangiting pagpuputol ni Sheena sa sasabihin ng kaibigan "Kami rin" Sagot din ni Stacey, saglit pa silang nagplano at naisipan nilang mag isang sasakyan na lang papunta sa rest house nila Mandy sa sabado.

"International pala flight niyo ni Mandy Zamora bukas, anong plano niyo?" Biglang tanong ni Colet sa kaibigang piloto. Nagdikit naman ang kilay ni Mikha at tinignan ng masama ang kaibigan "Kahit disneyland lang puntahan niyo pwede na" Nakangiti pang dagdag ni Colet. "Hindi ko pa alam, mas need ko ng pahinga pero baka, pag niyaya ako ni Mandy" Sagot lang ni Mikha. "May choice ka namang humindi" Biglang sabat ni Aiah, napatingin naman sa kaniya lahat ng kaibigan niya kaya pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya ng cake. Samantalang napaiwas din naman ng tingin si Mikha atsaka palihim na ngumiti.

"Walang choice yan si Mikha, sa pagkakakilanlan ko kay Mandy, hindi niya titigilan tong si Mikha habang hindi niya 'to napapa oo" Pangiti ngiting sabi ni Colet, kinurot naman siya ni Sheena sa tagiliran niya kaya napanguso na lang ito, habang ang dalawang magkasintahan naman na nurse ay kanina pang pinipigilan ang kanilang mga tawa dahil sa palabas ng mga kaibigan nila.

"Tsaka wala naman nagbabawal kaya okay lang yon, diba tol?" Dagdag pa ni Jhoana tsaka tinapik pa si Mikha sa balikat, hindi naman na nakayanan ni Stacey kaya yumakap na siya sa nobya niya at doon tumawa ng mahina.

"Teka nga, ang tagal na may gusto sayo non ah, bakit hindi mo bigyan ng chance? I mean, samahan mo, yayain mo, para mas makilala mo pa siya lalo, malay mo, worth it pala" Usap pa ni Stacey. Napapangiti na lang naman na si Sheena at nakatungong pinipigilan na rin ang tawa. Napailing na lang naman si Aiah sa pinagsasabi ng mga kaibigan nito. "Huwag niyong pilitin yung isang tao sa hindi niya gusto" Sabat ulit ni Aiah, napatingin naman ulit ang mga kaibigan niya sa kaniya at mga pinipigilan ang ngumiti. "Sino ba gusto ni Mikha?" Maang maangan pang tanong ni Jhoana kay Aiah. Sasagot na sana si Aiah ng biglang may lumapit sa kanila na isang matangkad na babae at nakangiting nakatingin kay Mikha

"Ms. Lim?" Usap ng isang babae, napatayo naman si Mikha at nakangiting nakipag beso sa isang babae. "Hmm, Angela? Kumusta?" Nakangiting bati ni Mikha sa babae "Okay lang, pero mas okay kung bibisitahin mo ko bukas sa condo ko" Nakangiting sabi pa ng babae, hindi naman nakasagot si Mikha kaya mas lumapit pa ang babae sa kaniya. "Ahm, hindi ako pwede, may flight ako" Pagpapalusot pa ni Mikha sa dalaga at umiwas ng tingin. Ngumiti lang naman ang babae at hinawakan ang pisnge ng dalaga "Hihintayin kita, Mikha" Malanding usap pa nito at hinalikan ang pisnge ng dalaga, nagbabye naman na ang dalaga sa mga kaibigan ni Mikha atsaka tuluyang umalis.

"That was hot!" Biglang sigaw ni Stacey, nagulat naman ang magkakaibigan kaya dali daling tinakpan ni Sheena ang bibig ng kaibigan. Napailing na lang naman si Aiah at nagpaalam na "Hmm, guys una na ako, hinahanap na ako ni kuya sa bahay, bye!" Sabi ni Aiah at humalik na kay Sheena at Stacey habang tinapik naman sila Colet at Jhoana tsaka dire diretsong lumabas na ng coffee shop.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now