CHAPTER XXXVIII

1.7K 49 3
                                    

MIKHA'S POV


"Hi, love" Nakangiting bungad ko sa linya ng sagutin ni Aiah ang tawag ko.

"I miss you, uwi ka na, dito na ako sa condo mo" Sagot niya, natawa naman ako ng maimagine ko na nakanguso siya ngayon.

"Pauwi na po, may gusto ka?" Tanong ko sa kaniya

"Wala, ikaw lang, kaya umuwi ka na baka lumamig pa tong niluto ko" Usap pa niya, napatango na lang naman ako habang nilalagay sa likod ng kotse ko ang maleta ko.

"Yes, Madamme! Actually nasa parking lot na ako at magdadrive na pauwi sayo" Usap ko sa kaniya tsaka pumasok na sa loob ng kotse.

"Drive safe, okay?" Maawtoridad na tanong niya sa akin

"Opo. I love you" Nasagot ko na lang at nagseat belt.

"Dito na lang yung i love you too mo na may kasama pang hugs and kisses, bye" Natatawang sabi niya at binaba na ang linya. Nakangiti naman akong nagdrive palabas ng parking lot at excited makauwi para makuha na ang dapat kong makuha kay Aiah.


Pagkauwi ko ng condo ay agad naman akong sinalubong ni Aiah ng pinangako niyang hugs and kisses pero ng papasok na ako ay agad niya akong pinigilan at pinatikom ang bibig ko, taka naman akong tumingin sa kaniya pero nagpipigil siyang tumawa habang hila hila ako papalapit sa sala. Pagdating ko sa sala ay doon ko nakita ang kambal na pamangkin niya na seryosong nakadekwatro at parehas pang naka cross arms. Natawa naman ako at medyo kinabahan ng maalalang girlfriend ko na nga pala ang Tita Aiah nila.


"Ikaw po ba ang girlfriend ni Tita Aiah namin?" Seryosong tanong sa akin ni Carter. Nagulat naman ako sa pagiging seryoso nila kaya napaupo na lang ako sa sofa na nasa harap nila.

"Opo" Sagot ko. Napapailing na lang naman si Aiah sa ginagawang pagkikilatis ng mga pamangkin niya sa akin. Well, cute naman pero nakakaba ng slight dahil kailangan ko rin magpalakas sa mga batang to para sa Tita Aiah nila.

"Mahal mo po ba Tita Aiah namin?" Tanong pa ni Cooper sa akin, napatango naman ako

"Mahal na Mahal, Cooper" Nakangiting sagot ko kay Cooper at tumingin kay Aiah.

"Gaano kamahal?" Dagdag na tanong pa ni Carter.

"Hmm, siguro po mas mataas pa sa eroplanong pinapalipad ko" Sagot ko sa kanila, nanlaki naman ang mata nila pareho at sabay na nagkatiniginan sa isa't isa. At doon ko lang napansin ang mga laruan kong eroplano na nasa sofa. Napangiti naman ako ng makitang gustong gusto rin nila ang mga eroplano at lalo na ang maging piloto kagaya ko.

"Paano kami makakasiguradong hindi mo sasaktan at papaiyakin ang tita Aiah namin?" Biglang seryosong tanong ni Carter sa akin. Kita ko naman nagulat din si Aiah sa tanong ng pamangkin niya pero nginitian ko lang at sinabing okay lang at nakangiti rin humarap sa mga pamangkin niya.

"Sorry kids, pero hindi ko rin alam kung paano ako makakasiguradong hindi ko papaiyakin ang tita Amari niyo" Sagot ko kaya awtomatiko naman nagdikit ang mga kilay ng kambal habang si Aiah naman ay naupo sa tabi ng kambal.

"Kilala niyo naman siguro ang tita Aiah niyo, kahit anong maramdaman niya, lagi siyang umiiyak, pero isa lang mapapangako ko sa inyo, iiyak lang ang tita Aiah niyo sa tuwa dahil gagawin ko ang lahat para mapasaya siya" Sagot ko. Napatango naman ang dalawang bata.

"Tapos na po ba kayo? Hindi pa ho kasi kumakain ang Tita Mikha niyo" Usap ni Aiah sa dalawang bata. Napangiti naman ako at napatitig kay Aiah. Mahal na mahal ko talaga tong babaeng to. Kakauwi ko pa lang sa  pero excited na ulit akong umuwi ng paulit ulit sa kaniya.

"Okay po, Let's eat na tita idol" Usap ni Cooper at tumayo na para hawakan ang kamay ko habang si Carter naman ay inaalalayan ang tita Aiah niyang tumayo.

Pagdating sa hapag kainan ay agad inasikaso ni Aiah ang tatlo na nasa harapan niya pero hindi rin nagtagal ay inagaw din ni Mikha ang serving spoon sa dalaga upang siya na lang ang mag asikaso sa mga Arceta.

"Alam kong pagod ka na kakaluto kaya ako na dito" Usap ni Mikha at sinandukan na ng kanin ang mga pamangkin ni Aiah habang si Mikha naman ay natulala pa rin sa ginawa ni Mikha. "Baka ho nakalimutan mo na galing kang flight kaya ako na, love" Usap ni Aiah at akmang aagawin pa ang sandok sa dalaga. "No, nawala na pagod ko nung niyakap mo ko kanina kaya don't worry, love" Nakangiting usap ni Mikha sa dalaga at nilagyan na niyo ang pinggan ng dalaga. Wala naman na nagawa ang dalaga at pinagpatuloy na lang ang pag tingin tingin sa dalawa niyang pamangkin. Pagtapos kumain ay nakatanggap naman si Mikha ng tawag mula sa ate niya kaya naman agad din siyang nag excuse sa mga Arceta para sagutin ang tawag.

"Bunso, remind ko lang sayo, sa Saturday na birthday ng pamangkin mo" Usap ni Maloi sa kabilang linya

"Ate, gustuhin ko man pumunta, pero mas mahalaga pa rin sa akin yung mararamdaman at yung kalagayan ni Mommy" Sagot ng dalaga, hindi naman nakasagot agad ang ate niya kaya napahinga na lang ng malalim si Mikha

"Papadala ko na lang yun regalo ko, bawi na lang kamo si tita sa kaniya sa susunod"  Suhestiyon ng dalaga

"What if pumunta na lang kayo after party? Sa bar ng kuya Jl mo gaganapin, para mameet ko na rin girlfriend mo" 

"Please, bunsoooo"

"Hayss. Okay, okay"

"Ayieee, see you captain"

"See you Atty"

Nang ibaba na ang linya ay agad siyang tumabi sa nobya niyang nasa sala na at dali dali niya itong niyakap.

"Yung kambal?" Tanong ni Mikha habang nililingon ang dalawang bata

"Natulog sa guest room, antok na antok daw sila kaya natulog muna kanina pa rin kasi naglalaro yon" Sagot ni Aiah, tumango lang naman si Mikha at sumandal sa sofa

"Love, okay ka lang?" Tanong ng nobya niya sa kaniya habang hinahaplos haplos ang buhok ng dalaga

"Si Ate, iniinvite niya tayo sa sabado, hindi ako makakapunta sa birthday party ng pamangkin ko kaya after party na lang tayo pupunta" Sagot ng dalaga sa kaniyang nobya

"Masasamahan mo ba ako? Gusto ka na rin mameet ni Ate e tsaka kasama rin natin sila Sheena ron kaya ---

"Shhh! Sasamahan kita, okay?" Natatawang sagot ng dalaga

"Baka kasi nadadalian ka o di kaya hindi ka pa ready or what kaya okay lang ---

"Love, Ready ako anytime basta para sayo" Nakangiting sagot ng dalaga sa nobya at hinawakan ang mukha nito

"Sana alam mo rin na ganon din ako pagdating sayo" Nakangiting usap pa ni Mikha sa nobya.

"Alam ko" Nakangiting sagot ni Aiah.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now