CHAPTER LIX

2.2K 61 6
                                    

"Ang alam kasi ni Mikha, party, hindi niya alam na simpleng family dinner lang ang paganap ni Kuya Akira ngayon, kaya ayon, nagpakabusy na lang si Gaga" Natatawang usap ni Sheena sa mga taong nasa harap niya matapos ng dinner nila para sa birthday celebration ni Akira. Well, kumpleto silang lahat pwera lamang kay Mikha na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Sayang lang kasi siya lang yung wala" Biglang usap ni Aiah habang pinapakain pa rin si Baby Queen. Na siyang kinatuwa naman ng ilang matatandang kasama nila at ng mga kaibigan niya.

"Aww, namimiss na niya agad asawa niya" Asar pa ni Jhoana kaya naman inirapan na lang siya ni Aiah.

"Gusto mo papuntahin na natin para magkaalaman na ano?" Birong hamon pa ni Stacey kaya naman natawa na lang ang mga magulang nila.

"Akin na nga muna yang magiging apo ko at magkwentuhan na muna kayo diyan" Biglang usap ni Myrla kay Aiah bago kunin si Baby Queen.

"Tapusin mo na rin muna yang pagkain mo at baka mapagalitan ka ng anak ko kapag nalaman nagpapalipas ka ng kain" Natatawang usap ni Myrla kay Aiah.

"Oo nga po, mainitin pa naman ulo non" Natatawang sagot naman ni Aiah.

"Sinabi mo pa, anak. Oh siya kumain ka na riyan at kami na muna bahala ng mommy mo rito sa cute na cute na bata na 'to" Tuwang-tuwa pang usap ni Myrla habang nilalaro na si Baby Queen. Nang makaalis na ang maglola ay agad naman nilapitan ni Gwen ang kaniyang hipag.

"Alam mo sis, okay na sana lahat e, okay na pamilya natin, pamilya ni Mikha, okay na sila kay Baby Queen, buo na nga pamilya mo e, kaya lang hindi pa alam ni Mikha lahat yon, hindi pa niya naaalala ang lahat" Nakangusong usap pa ni Gwen sa sister-in-law niya.

"Ayon na nga lang din ang hinihintay ko, sis e. Pero sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako sa pwedeng mangyari, sa mga nagawa at nasabi ko sa kaniya noon, hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako ulit" Nag aalangan na usap pa ni Aiah, ngunit ngumiti lang naman si Gwen at niyakap ang hipag.

"Sa karupukan ni Mikha sayo, doon ka manalig" Natatawang usap ni Gwen kaya natawa na lang din naman si Aiah.

"Balita ko may pa bulaklak na si Mikha sayo ah" Biglang usap ni Akira at tumabi sa kapatid.

"Kaming dalawa ni Baby Janna yung binigyan niya" Nakangiting sagot ni Aiah.

"Bakit daw?" Takang tanong ni Akira sa kapatid.

"May kasalanan kasi, uminom sa bar kasama nung dalawang ugok, kaya ayon, pag uwi na pag uwi galing kumpanya nagsorry ulit atsaka parehas kaming binigyan ni Baby Janna ng bulaklak" Sagot ni Aiah sa kuya niya, napatango na lang naman si Akira atsaka ngumiti.

"Marunong bumawi pati si Baby Queen sinusuyo" Natatawang usap pa ni Akira kaya nakatanggap naman siya ng hampas mula sa Asawa.

"Oo diyan kayo magaling dinadaan niyo sa bata yang panunuyo niyo" Inis na usap pa ni Gwen kaya napailing na lang naman si Aiah.

"Bo! tara inom" Biglang yaya pa ni Sheena at hinila na ang kaibigan, umiling naman si Aiah at hinanap ang anak

"Don't worry, pinaalam na kita kila tita mommy at sila na raw muna bahala ngayon gabi kay Baby Queen" Dagdag pa ni Sheena, hindi naman na siya makatanggi ng hilahin na rin ni Stacey ang kabila pa niyang kamay.

"Magpakalasing ka na ng todo ngayon dahil kayong dalawa lang ni Mikha sa bahay niyo ngayong gabi" Mapangasar pang usap ni Stacey kaya nakatanggap na lang naman siya ng hampas mula kay Aiah.

"Bunganga mo nga baka may makarinig sayo" Saway ni Aiah sa kaibigan habang lilingon lingon

"So? parang hindi niyo pa naman nagagawa ni Mikha yon" Usap pa ni Stacey sa kaibigan.

"Hindi talaga!" Sigaw ni Aiah sa kaibigan

"Edi gawin niyo ngayong gabi" Usap pa niya bago bigyan ng alak si Aiah.

"Stacey naman e" Nahihiya ng usap ni Aiah, natawa naman ang iba pa nilang kaibigan kaya dinaig pa ni Aiah ngayon ang kamatis sa pagpula ng mga pisnge niya.

"Joke lang, mag chill ka naman muna, kailangan mo yan" Nakangiting usap ni Stacey kaya tinanguan na lang siya ni Aiah bago uminom.

Sa kalagitnaan ng pag iinom ng magkakaibigan ay nakatanggap naman si Sheena ng tawag mula kay Mikha.

"Si Mikha" Usap ni Sheena sa mga kaibigan ng makita ang tumatawag.

"Ayy wala tong kaibigan mo, torpe" Biglang usap ni Jhoana kay Colet kaya natawa na lang ang mga ito.

"Yes? Daddy Mikhs" Asar pa ni Sheena sa kaibigan.

"Mukha mo! Kamusta si Aiah at si Baby Queen diyan?" Tanong ni Mikha sa kabilang linya.

"Hmm, okay naman yung mag ina mo pero yung asawa mo medyo lasing na" Sagot ni Sheena sa kaibigan. Well, totoo naman dahil sa tagal din hindi nakakainom ni Aiah ay hindi na rin siya sanay sa alak.

"E bakit naman kasi pinainom niyo?" Inis na tanong ni Mikha sa kaibigan.

"Kasi party 'to at kailangan niya rin yon, kaya pagbigyan mo na" Pakiusap pa ni Sheena kay Mikha.

"Tawagan mo na lang ako para masundo ko silang dalawa diyan" Usap pa ni Mikha.

"No need, hiniram ng mga tita si Baby Queen kaya rito muna si Baby Queen ngayon gabi" Sagot ni Sheena.

"At si Aiah?"

"Iuuwi namin siya sayo, kaya paki alagaan na lang, bye! i love you" Nagmamadali pang usap ni Sheena at agad din binaba ang linya.

"Tumawag para kamustahin kayong dalawa ni Baby Queen, sabi ko rito muna si Baby Queen at ikaw naman, uuwi ka sa bahay niyo ni Mikha" Usap ni Sheena kay Aiah na halatang malapit-lapit na ring malasing.

"Dito na lang din ako matutulog baka kung ano pa magawa ko ron" Usap pa ni Aiah kaya sabay-sabay naman napatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya

"Ayon nga yung point!" Sabay-sabay na usap ng magkakaibigan kaya napailing na lang si Aiah at napatayo.

"Mga baliw na kayo" Mahilo-hilong usap pa ni Aiah bago tuluyang tumayo pero bago pa man din siya makalayo sa mga kaibigan niya ay nakita na lamang ito nila Sheena na buhat buhat na ni Akira.

"Okay guys! oras na para sa ating mission" Biglang sigaw ni Stacey, kaya matawa-tawang  nilapitan naman ng magkakaibigan si Aiah.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now