KABANATA 2

111 5 14
                                    

KABANATA 2

“Mama, alis na po ako! Lola, alis na ako.”

Tiningnan muna ni Ryma ang hitsura niya sa salamin. Tinuwid niya gamit ang palad ang maliit na gusot sa kaniyang puting blouse at pinasadahan ng ayos ang kaniyang pink na necktie. Medyo tinaas niya rin ang pink niyang palda. Tinahi niya na ang lock ng palda sa gilid para hindi iyon maluwag pero bumaba pa rin. Pinadyak niya ang kaniyang mga balat na sapatos sa tiles na sahig. Luma na iyon pero ayos pa naman kaya hindi na siya nagpabili. Alam niya kasing kulang ang budget ng kaniyang ina. Hindi porque maraming pera ang kaniyang ina dahil sa pagbenta ng mansyon ay magiging maluho ulit siya. Kontento na siya sa singkuwentang baon. Hindi siya nagreklamo kahit pa may mga kailangan siyang bilhing requirements sa school.

Sa kanilang lahat, ang mama niya ang hindi umalis sa ganoong buhay. Naroong hindi papayag na hindi masarap ang ulam kapag kumakain. Lagi pang namamasyal sa mall kasama si Tito Theo at tumatambay sa bingo center.

Medyo maayos naman ang buhay nila kumpara noong Grade 8 student siya dahil pumapasok sila ng may baon ngayon hindi katulad noon. Iyon nga lang, hindi niya alam kung magtatagal ba iyon dahil masyadong magastos ang kaniyang mama. Baka umabot na naman sila na lugaw na lang ang kainin, mapawi lang ang gutom. Mas mahirap iyon lalo pa at nasa Maynila na sila.

Hindi naman kasi katulad ang siyudad ng probinsiya na puwedeng magtanim ng gulay o kaya ay manguha ng talbos ng kamote. Sa Maynila kasi, ultimo malunggay ay binibili. Lahat ay binibili kaya mahirap kapag walang matatag na hanapbuhay.

“Alam ninyo na ang mga room ninyo, ha? Huwag na kayong lumabas. Kayo’y makinig na lang sa teacher,” payo ni Ryma kina Andy at Leah na nasa kindergarten.

“Sige!”

Napangiti siya nang makita ang excitement sa dalawa. Bunso ng pamilya si Andy habang si Leah naman ay ampon lamang pero hindi naman itinuring na iba ng mga kapatid niya. Mabait naman si Leah at madaling makagaanan ng loob. Iyon nga lang, hindi alam ng mama niya kung paano sasabihin sa bata ang totoo. Magkasing-edad lang si Leah at si Andy kaya imposibleng hindi ito magtanong ng mga bagay tungkol sa pagkatao nito.

Walking distance lang ang school ng mga ito katulad ng sa kaniya. Isa pa, pang-umaga rin ang schedule ng mga ito kaya sinasabay niya na. Ang tatlong mga kapatid niya namang lalaki ay pang-hapon naman ang schedule. Maaga namang lumalabas ang mga kindergarten kaya si Ate Gielyn na nakatatandang kapatid nila ang sumusundo.

May diperensiya sa pag-iisip si Ate Gielyn. Mahina ang pandinig nito at nahihirapang magsalita pero maaasahan naman sa ibang bagay. Mahilig maglinis ng bahay at maglaba. Marunong rin mag-asikaso ng mga kapatid nila. Hindi na ito nag-aral dahil hindi na ito kayang pag-aralin sa mamahaling school. Isa pa, tutuksuhin lamang ang dalaga kung sa normal public school pumasok.

“Isang plastic envelope po, isang kartolinang puti saka… basahang bilog,” imporma niya sa tindera.

Agad naman itong kumilos para kunin ang mga sinabi niya. Kailangan na kasi agad iyon dahil sinabi iyon ng adviser niya noong orientation. May mga color coding din ang mga notebook kada subject kaya simpleng notebook na lang ang binili niya sa Divisoria. Mahilig pa naman siya sa notebook na may pabalat ng mga hello kitty pero hindi niya na iyon nabili dahil kailangan niyang sumunod.

Ako ga naman ay mag-iinarte pa?

“Batangueno ka ba?”

Nawala ang atensiyon niya sa pagkuha ng pera sa bulsa sa tanong na iyon ng tindera. Ngumiti siya. “Opo. Kalilipat ko nga lang po riyan sa Cavite Street.”

“Iyong malapit ba sa Rotonda Circle? May mga kamag-anak kasi ako sa Batangas. Naalala ko lang dahil sa pagsasalita mo. Ganyan din sila. Parang laging galit.”

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon