KABANATA 25

41 3 0
                                    

KABANATA 25

Tulala lang si Ryma habang naghihintay sa boyfriend niyang si Delio sa tapat ng computer shop. Kanina pa siya roon dahil inaabangan niya ang binatang lumabas sa malaking gate ng school nito. Ginawa niya na naman ang mga dapat niyang gawin sa bahay kaya pinayagan siyang makaalis.

Ilang sandali pa ay naglabasan na ang mga estudyante. Hindi niya maiwasang mainggit sa mga nakikita. Dapat ay nasa ganoong katayuan din siya pero tumigil siya sa pag-aaral. Hindi agad nakuha ang papeles niya pati na rin ang sa mga kapatid niya. 

Gipit na gipit ang pamilya niya ngayon at kaunti pa ang pinadadala ng papa niya kaya kulang na kulang. Isa pa, hindi marunong magkontrol sa pera ang mama niya. Kung marunong lang sana ito, hindi madalas ang pagkaubos ng pagkain sa bahay.

“Mhie!” pasigaw na tawag sa kaniya ni Delio at patakbong lumapit sa kaniya.

“Del…”

Bigla na lang itong humalik sa kaniyang pisngi. “Bakit ba ang hirap sa’yong tawagin akong dhie?”

Napangiwi siya. Masyadong corny para sa kaniya ang tawagang iyon. Mag-boyfriend lang sila at hindi mag-asawa. Kahit nga sa mga biglaang paghalik nito sa kaniyang pisngi, nabibigla pa rin siya.

“Del, ayaw ko talaga. Kahit ilang beses mo akong pilitin, hindi kita tatawaging ganoon.”

Inayos nito ang pagkakasakbit sa bag nito at inakbayan siya. “Boyfriend ba talaga ang tingin mo sa akin? Bakit parang ako lang ang sweet sa ating dalawa?”

Inalis niya ang braso nito sa balikat niya. “Amoy-pawis ka, Del….”

Inamoy nito ang sarili. “Nagpabango ako, Mhie.”

“Naglaro ka ba?” 

Tumango ito at napakamot sa ulo. “Nitong break time namin. Nag-aya kasi ang mga junior.”

Iyon ang problema sa lalaki. Puro na lang basketball ang iniisip. Pati ang pag-aaral nito, napababayaan. Nasabihan niya na itong umayos sa pag-aaral dahil hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na mayroon ito. Lagi nitong sinasabing magbabago pero ganoon pa rin ang gawain.

Kapag may away naman sila, mabilis itong magtampo at ilang araw ang inaabot. Kahit ito ang may kasalanan, kailanman ay hindi humingi ng sorry. Siya na lang ang sumusuyo dahil sa isang buwan nilang relasyon, napatunayan niyang isip-bata pa ito pagdating sa isang relasyon. 

“Oo nga pala, last game na namin mamaya. Manood ka. Cheer mo ako, Mhie.”

Tumango na lamang siya. Parang iyon na lang ang papel niya sa boyfriend niya. Maging taga-cheer sa bawat game nito. Sana ay mag-girlfriend na lang ito ng cheerleader, ’di ba?

Nasa milk tea house na sila at katulad ng naging routine nila, ito palagi ang nagbabayad kapag may date silang ganoon. Kararating lang ng milk tea na order nila nang pabalyang binitiwan ni Delio ang hawak nitong cellphone.

“Bakit?” tanong niya at kinuha ang cellphone nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan ni Jessie sa screen.

“Sino ba ’yan? Tuwing binubuksan ko ang account mo, pangalan niya lagi ang nakikita ko. Block mo.”

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Best friend ko ’tong tumatawag. Bakit ko iba-block? Masama bang tumawag ang kaibigan ko?”

Bakit niya ba ibinigay ang email at password ng account niya sa binata? Wala na tuloy siyang privacy. Kaya lang siya napilitang ibigay ang account niya ay dahil kusa nitong ibinigay ang account nito. Kailangan daw iyon para malaman kung may kalokohang ginagawa.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon