KABANATA 10

75 4 16
                                    

KABANATA 10

Labis ang tahip ng kaba sa dibdib ni Ryma. Kanina pa siyang nagpakawala ng malalim na hininga na para bang naibsan ng ginawa niya ang nararamdaman niya. 

“Pangga, huwag kang malikot. Nahihirapan si Jennie mag-make up. Sige ka, lalo kang papangit,” tukso ni Jessie sa kaniya.

Kung abot niya lang ang lalaki, nahampas niya na ito. Napangiwi siya. “Sorry, Jennie.”

Ngumiti naman ang dalaga at nagpatuloy sa paglalagay ng blush on sa kaniya. “It’s okay.”

Napatulala siya kay Jennie. Kamukhang-kamukha talaga nito si Jessie. Girl version nga lang ng binata. Nang makilala niya, nahiya pa siyang lumapit at kausapin ito dahil napakasosyal kumilos at babaeng-babae kung umasta. 

“Ry, natulala ka na. Hindi ako ’yan.” 

Napairap siya sa banat ni Jessie bago pumikit para sa eye shadow. “Ang ganda mo kapag naging babae ka, Jise.”

Mahinang tumawa si Jennie. “Ano ba, Jessie? Don’t asar her. Don’t cry kapag nagsawa na siya sa friendship ninyo.”

Siya namang ang mahinang tumawa. Pareho talaga ang magkakambal. Pati sa pagiging conyo, walang pinagkaiba.

Tumahimik na si Jessie. Narinig niya ang pagkutingting nito sa gitara niya kaya hinayaan niya na lang. May alam naman itong basic chords pero pinag-aaralan pa lamang nito.

”Done na!” bulalas ni Jennie. Inayos pa nito ang buhok niyang nilagyan lang nito ng headband. Maayos naman daw kasi ang natural na pagkakulot ng buhok niya at hindi sabog.

Hindi pangbirit ang kakantahin niya. Hindi kasi ganoon ang boses niya kaya ang sariling compose na kanta ang ilalaban niya. Kahit man lang sa uniqueness, may ilaban siya. Nagsuot lang siya ng sandong puti na pinatungan niya ng denim jacket at itim na ripped jeans. Sinuot niya rin ang ankle boots na nakatago lang sa shoe rack nila sa bahay. Para sa accessories niya, si Jennie naman ang nagpahiram sa kaniya.

Ilang sandali pa ay pinatayo ni Jennie si Ryma. Pumunta sila sa gawi ni Jessie na nakayuko sa gitara niya. “Jessie, look. She’s maganda, right?”

Tumunghay sa kaniya si Jessie. Akala niya ay pupurihin siya nito pero kunot na kunot ang noo nito at bumaling kay Jennie. “Ang kapal ng make-up. Bakit ganyan? Ang kapal ng lipstick. Bakit pula? Bata pa ’yan, ha?”

Halos malaglag ang panga ni Ryma sa mga himutok ni Jessie. Ayaw pang sabihing pangit siya. Kung ano-ano pang sinabi. Lumapit siya rito at bahagyang sinabunutan ang lalaki. Kinuha niya mula rito ang gitara. Isasabit niya na sana sa sarili niya ang instrumento pero bigla itong tumayo at ito ang nagsabit sa kaniya. Pinigil niya ang hininga dahil sa lapit nito. Nakatingin lang siya sa dibdib nito. Hindi siya makatingin kaya ramdam na ramdam niya ang hininga ng binata sa noo niya.

“Maganda ka,” puri nito. “Kaya lang…”

Umalis ito sa harap niya at pumunta sa kakambal nito. “Bakit ang kapal? What I told you earlier? Sabi ko, nipisan mo lang.”

Saka pa lang nakahinga nang maayos si Ryma. Pinaypayan niya ng dalawang kamay ang sarili. Hindi niya na maintindihan ang sarili niya noong mga nakaraang araw pa.

“Manipis lang naman ang ginawa ko. I used red lipstick because she’s morena. Isa pa, ang ganda kaya ng lips niya. She’s too hot for her young age.”

Bigla siyang napahawak sa mga labi niya. Isa iyon sa pinakapangit na parte ng mukha niya na ayaw niya. Masyado kasing makapal hindi katulad ng ibang babae na may maninipis na mga labi. Ayaw niya roon pero nang may pumuri, parang iyon na ang pinakapaborito niya.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon