KABANATA 26

42 3 1
                                    

KABANATA 26

Umawang ang bibig ni Ryma dahil sa gulat. Hindi niya inasahan ang nadatnan niya sa loob ng bahay ng lola ni Jessie. Nagkalat ang mga balat ng junk foods at unan sa sofa. May natapakan pa siyang natapong juice sa sahig. Hindi makapaniwalang lumingon siya kay Jessie.

Napalunok ang binata at kahit nanghihina, dinampot nito ang mga kalat. "Sorry, ako na lang kasi ang nakatira rito. Wait, maglilinis lang ako."

Ilang sandali niya lang hinayaan ang kaibigan sa ginagawa pero nang maalalang may sakit ito, agad niya itong pinigilan. Lumingon sa kaniya ang binata at bakas ang lungkot at pagkapahiya sa mukha nito. Kinuha niya ang bag nito at mga libro mula rito at hinatid ang kaibigan sa silid nito.

"Ako na ang bahala. Kailangan mong magpahinga. Ang taas ng lagnat mo. Humiga ka sa kama mo at matulog," bilin niya sa binata habang paakyat sila sa ikalawang palapag.

Namumutla na ito at napapahawak na rin sa barandilya. "Ry, iwan mo na lang ako. Kaya ko ang sarili ko."

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang silid nito at hindi na siya nagulat nang makitang makalat din iyon. Mas malala pa nga dahil nagkalat ang mga lata ng beer. Marumi pa ang puting bed sheet. Inalalayan niya itong umupo sa vanity chair.

Pumunta siya sa kama at tinanggal ang maruming kumot at bed sheet. "May extra ka pa bang bed sheet at kumot?"

"Don't do this. Don't act as if you care."

"Jise, may sakit ka! Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan na lang kita rito?" Mariin siyang umiling. "Hindi, Jise."

"Wala ka sa dalawang taong kailangan... na kailangan kita. I'm twenty now and I'm now an adult. Wala kayo sa dalawang taon kaya... kaya ko," malumanay na sabi nito.

"Ganito ba ang kaya mo? Kaya mong sirain ang buhay mo?" Tumulo na ang mga luha niya.

Hindi niya na mapigilan. Wala siyang lakas ng loob na itanong ang nangyari rito sa nakalipas na taon. Para kasing mas lalo pa siyang masasaktan. Nang makita niya pa lamang ang kaibigan sa ganoong sitwasyon, para na agad pinukpok ng martilyo ang dibdib niya.

"Jise..."

"Sa cabinet," tugon nito.

Agad niyang nilagay sa nakitang tray ang mga maruruming bed sheet at kumot. Kumuha siya ng panibago at mabilis na nilagyan ang kama. Inayos niya muna ang mga unan bago muling lumapit kay Jessie. Inalalayan niya itong umupo roon.

Kumuha siya ng isang shirt na blue at gray na padyama. "Magpalit ka ng damit. Kaya mo ba?"

Nakatulalang tumango ito sa kaniya. Lumandas na naman ang mga luha niya at niyakap ang lalaki kahit nakatayo siya. Hinaplos niya ang buhok nito at napapikit siya nang mas lalong isubsob nito ang mukha sa tiyan niya.

"Magpalit ka," pigil ang hiningang bilin niya. "Bababa ako... para kumuha ng pampunas sa'yo."

Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap at mabilis na humakbang palabas ng silid. Patuloy ang pag-agos ng luha niya habang hinahanda ang maliit na palanggana at bimpo. Naghalughog siya sa kusina at nakita niya ang first aid kit. Mabuti na lang ay may thermometer doon. Dali-dali siyang umakyat dala ang mga kailangan niya. Pinahid niya muna ang mga luha sa pisngi bago pumasok muli sa silid.

Parang piniga ang puso niya nang makita ang pamamluktot ni Jessie sa loob ng kumot. Hindi niya na binuhay ang aircon pero nilalamig pa rin ito. Agad siyang pumunta sa binatang nakapikit na nang mga oras na iyon. Nilagyan niya ito ng malamig na bimpo at pinunasan ang katawan nito gamit ang basang tuwalya.

"Pangga..."

Hinaplos niya agad ang buhok nito. "Gagaling ka agad. Ipagluluto kita. Magpapalakas ka."

Mabuti na lang ay hindi ito nanginginig sa lamig kahit mataas ang temperatura nito. Nilalamig man, pagbaluktot lamang sa kumot ang ginagawa. Kaya siguro napipilit pa nitong pumasok ay dahil malakas ang resistansiya nito kahit magkasakit.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon