KABANATA 47

46 2 0
                                    

KABANATA 47

“Mommy, I don’t like that suit!”

Natawa si Ryma sa inaanak niyang si Adonis. Problemado na ang mommy nitong si Alliah. Kanina pa kasi ang mga ito sa botique niya.

Tumingin sa kaniya si Alliah at napailing. “Ate, I don’t know what to do with my son. Dapat ay si Jaydon na lang ang sinama ko rito para pumili ng susuotin ni Adonis sa anniversary party ng company.”

Hinaplos niya ang buhok ni Adonis. “Nasaan ba si Jaydon?”

“Na-traffic sa daan.”

Umupo siya para matapatan ang mukha ng bata. Napangiti siya. Maraming pinagdaanan ang mga magulang nito bago ikasal. Muntik na rin malagay sa kapahamakan ang buhay nito pero mabuti ang Diyos. Iyon at nasa harap niya ang batang lalaki at isa pa siya sa mga ninang.

“Hey, little boy, tell me what do you want?”

Bigla itong kumapit sa balikat niya at inilapit ang bibig sa tainga niya. “What’s the color of Jaira’s gown going to wear?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Why?”

“Just say it, Ninang Ryma.”

Natawa siya at ginulo ang buhok ng bata. “You’re grumpy. Okay, I’ll tell you but after this, you’ll gonna pick a suit that you want to wear to your Lola Jasmine’s party.”

Mabilis itong tumango at ngumiti. Kitang-kita niya ang bungi nito kaya natawa na naman siya. Hindi naman siya mahilig sa bata pero dahil kay Jaira, nahilig na rin siya. Hindi niya papasukin ang pag-design ng mga formal na damit para sa mga bata kundi niya iyon naging passion.

“She’ll wear a royal blue gown because… my gown is also royal blue.”

Ngumuso ang bata. “How about me? Can I get a royal blue suit too? Can I match myself with her?”

Napailing na lang siya bago tumayo. Kumuha siya ng suit na gusto nito. Agad namang nakahinga nang malalim si Alliah dahil sa wakas ay may napili na ang pihikang anak.

Mabait na bata si Adonis. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi ito makasundo ni Jaira. Laging magkasama ang mga ito pero walang araw na hindi nag-aaway.

Suminghap siya nang marinig ang pag-iyak ni Adonis. Mabilis siyang umalis sa counter at nakita niya ang anak niyang si Jaira. May sinabi ito kay Adonis na lalong nagpaiyak sa bata.

Salbaheng bata!

“Jaira Jane, bakit mo pinapaiyak si Adonis?”

Napatalon sa gulat ang anak niya at agad na lumapit sa kaniya para magmano. “Mano po, Inay.” 

Napairap siya nang makita ang kulot na buhok ng apat na taong gulang na anak niya. Sobrang gulo na ang kaninang nakatirintas nitong buhok. Gusot na rin ang uniform nito. Mabuti na lang ay hindi niya ito pinabaunan ng chocolate drink dahil siguradong nagmantsa na naman sa damit nito.

“Jaira?”

Kumunot ang noo ng anak niya at tumingala sa kaniya. “Inay, tayo lang dapat ang terno. Bakit kulay blue din ang kaniya. Siya na ba ang bago mong anak?”

Nagkatinginan sila ni Alliah at biglang natawa. Napakainosente ng isip ng isang bata. Hindi dapat nag-iisip ng ganoon ang anak niya.

Binuhat niya ito at kinalong. Kamukhang-kamukha ito ng ama nito. Mula sa singkit na mga mata, matangos na ilong, mga mapupulang labi, mga malalalim na dalawang biloy sa pisngi at maputing kutis nito, nakuha kay Jessie lahat. Maraming nagsabing hindi mapagkakailang si Jessie ang ama nito pero iba ang nakita niya. Kamukhang-kamukha ito ni Jennie na kakambal ni Jessie maliban sa buhok nitong kulot na namana sa kaniya. 

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon