KABANATA 22

60 3 2
                                    

KABANATA 22

Napasinghap si Ryma dahil sa malakas na pagsara ng pinto sa bahay ng lola ni Jessie. Natigil siya sa pag-aayos ng decoration sa pader para tingnan kung ano ang nangyari. Tapos na naman din siya kaya ayos na iwanan na iyon. Bumaba siya mula sa upuan at nadatnan niya si Aaron na hingal na hingal at dala ang mga bote ng soft drink.

“Nasa kanto na si Jessie. Bakit ang bilis ng lalaking ’yon?” himutok ni Aaron na tinawanan ni David.

“Papunta na ang batang iyon. Mabuti pa ay pumunta na tayong lahat sa dining area at sindihan ko na ang kandila sa cake,” anunsiyo ng ina ni Jessie at inalalayan ang mag-asawang matanda.

Agad naman siyang pumunta sa sala para alalayan si Jennie. Mahina na ito at nabawasan na rin ang timbang dahil sa problema sa pagtulog. Unti-unti na ring naapektuhan ang memorya nito. May mga pagkakataong hindi nito maalala si Jessie at hindi niya maiwasang masaktan para sa kaibigan. 

“Jennie, halika na.”

Tinigil nito ang pagbuklat sa photo album at dahan-dahang inangat ang ulo. “Bakit po?”

Umupo siya sa tabi nito. “Pupunta na tayo sa dining area. Happy birthday!”

Napangiti ang dalaga. “Birthday ko ngayon?”

Agad siyang tumango at kinuha mula sa dalaga ang photo album. Inabot niya rito ang stress ball na regalo niya para rito. “Birthday ninyo ng kakambal mo.”

“Anong kakambal?” 

Sa halip na sumagot, inalalayan niya na lang itong tumayo at pumunta sa dining area. Napangiti siya nang ilibot ni Jennie ang mga mata sa mga nakahandang pagkain at sa ayos ng lugar. Tuwang-tuwang din ito sa malaking cake na para rito at kay Jessie.

Masaya sana kung kompleto ang pamilya ni Jessie sa mismong okasyon pero hindi dumalo ang ama nito pati na rin ang half brother nito. Simula rin nang magkasakit si Jennie, sa bahay ng matatanda umuuwi palagi si Jessie kasama si Jennie at ang ina ng mga ito. Gusto ng binatang makapagpahinga nang maayos ang kakambal. Kung mananatili lang kasi ito sa ama, siguradong araw-araw na lang laging pagbubuhatan ng kamay si Jessie dahil sa galit nito sa ama. Mas lalo lang kasing naging malayo ang loob ng lalaki sa daddy nito.

“Nandiyan na ang gwapo,” mahinang anunsiyo ni David na ikinatawa ng lahat.

Nang marinig ang pagbukas ng pinto, agad silang tumahimik. Umalpas ang mahinang tawa sa bibig ni Ryma nang marinig ang boses ng kaibigan. Noong isang araw pa kasi itong nagtatampo. Nasa plano kasing huwag itong bigyan ng ideyang naaalala ang birthday nito kaya sa mismong araw, walang sinumang bumati.

Kunot na kunot ang noo ni Jessie nang inutusan ng mommy nitong kunin ang suit at gown na pina-dry clean nito para sa prom night. Papansin pa ang binata kaninang umaga pero walang pumansin. Dahil sa pagtatampo, bigla na lang nag-walk out.

“Birthday mo? Mas masaya ka pa,” tukso ni Carmen na nasa tabi niya at ginatungan pa ni Angel.

“Mommy? Lola? Lolo? Jennie? Pangga! Nandito na ang susuotin natin sa prom! Pangga, tingnan mo na!” sunod-sunod nitong sigaw.

Pigil ang pagtawa ng mga kasama ni Ryma habang siya ay nag-init ang mga pisngi nang sinigaw nito ang salitang pangga. Ilang beses niya nang sinabihan ang binatang huwag siyang tawaging ganoon kapag nasa harap ng ibang tao. Hindi naman ito mapigilan. Sanay na sanay na raw kasi ito at mahirap daw tanggalin ang nakasanayan.

Tumingin siya sa mga matatandang kasamang naaliw sa narinig. Napailing na lang siya. Mukhang iba na naman ang tatatak sa isipan ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon