KABANATA 4

88 4 8
                                    

KABANATA 4

“Class, I preassumed that the student council gave you instructions about clubbing. Ang huling tatlong oras ninyo ay gugulin ninyo sa pagsali sa mga club na gusto ninyo,” anunsiyo ng guro ni Ryma sa klase.

Sa susunod na dalawang buwan na ang foundation day ng school kaya kailangan nang magkaroon ng officers at members ang iba't-ibang clubs para makatulong ng student council sa pag-aayos ng programa. Sa dating school ni Ryma, walang masyadong clubs kaya nakaramdam siya ng excitement lalo nang malaman niyang may music club. 

“Sa music club ka sasali, right?” tanong sa kaniya ni Pamela na katabi niya. 

“Oo, e. Sa dating school ko kasi, puro pang-subject ang mga club. Wala iyang mga theater club , dance club, music club, glee club at kung ano-ano pa.”

Tumango ang kaklase niya at ngumiti. “Expected na iyon kasi  maraming pakulo ang students.”

Si Pamela ang muse ng section nila. Para kay Ryma, ito ang depenisyon ng maganda talaga. Maputi ang balat, maalon ang mahabang buhok hindi katulad ng sa kaniyang sobrang kulot at kung hindi nadaanan ng suklay ay sabog, maganda ang mga mata na may mahahabang pilikmata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Isa pa, parang bubog ang mukha nito sa sobrang kinis hindi katulad niyang minsan lang malapatan ng pulbo. Kahit yata maligo siya ng sampung beses sa isang araw, ganoon pa rin ang hitsura niya.

Hindi niya alam. Napakapositibo niya noon pagdating sa hitsura niya subalit sa paglipas ng panahon, nanliit na siya sa sarili. Masyado kasi siyang maraming nakilalang mas maganda kaya hindi niya maiwasang magkumpara. Idagdag pa ang naging tingin ng mga tao sa kaniya noon sa isla. Sabi ng iba, katulad siya ng kaniyang ina. Manloloko rin daw siya pagdating ng panahon. Hindi rin daw siya makokontento sa isa kaya pinangako niya sa sarili niyang hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Akala niya ay madali pero paano niya gagawin iyon kung simpleng pagka-crush ay naramdaman niya pa rin? Dapat putulin niya na iyon para may patunayan.

“Another announcement, class. May stage play sa Sta. Mesa at sa mall iyon. Noli Me Tangere ang itatanghal kaya ang mga gustong sumama, mag-ipon na. Sa isang buwan pa naman. Three hundred pesos lang naman ang ticket.”

Nilamon agad ng saya ang kaniyang dibdib. Hindi pa siya nakapanood ng mga stage play. Sa isang buwan pa man, kinalkula niya na agad kung magkano ang iipunin niya kada araw mula sa kaniyang baon.

“Maglinis muna kayo bago lumabas. Pakidala na rin ang mga bag ninyo kapag bumaba kayo,” huling bilin ng guro. “Class, dismiss.”

Pagkalabas ng guro, agad nagsitayuan ang mga kaklase niya. Nag-ayos pa ang ibang mga babae habang ang iba naman ay diretso sa labas. Cleaner siya kaya kailangan niyang maiwan. Tapos niya nang ayusin ang mga gamit niya nang lumitaw sa harap niya si Jessie.

“Ry, sasama ka ba sa stage play?”

Agad naman siyang tumango. Komportable na siya sa binata kahit lagi itong nang-asar. Tinupad nito ang sinabi. Sumabay nga ito sa kaniya sa pag-uwi. Hindi niya naman maiwasan dahil malapit nga lang talaga ang street nito sa street niya.  Ang payapa niya sanang paglalakad tuwing uuwi ay naging maingay dahil sa lalaki.

“Paano ba ’yan? We will go to a mall. Bawal ang taga-bundok doon, Ry!”

“Kainaman ka na? Ano ga—”

“Wait?” Itinaas nito ang palad sa tapat ng mukha niya. Hinawakan niya ang kamay nito para alisin iyon pero hindi niya pa man nabitiwan, hinampas na agad iyon ng lalaki. “Hokage…”

Suminghap siya. “Na naman? Bakit ba ga ay napaka-assuming mo?”

Pinanliitan siya nito ng mga mata. “Ako pa? Ikaw nga ang nanghahawak diyan.” 

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon