KABANATA 45

59 3 0
                                    

KABANATA 45

“Kapag may problema ka sa gastusin dito sa ospital, huwag kang mahiyang lumapit sa akin.”

Tipid na ngumiti si Ryma sa sinabi ni Miss Jasmine sa kaniya. Nang mabalitaan nito ang nangyari, agad itong pumunta sa kaniya kasama sina Jaydon at Alliah. Kulang ang ipon niya para mabayaran ang gastos ng tatay niya at ate niya sa ospital kaya laking-pasalamat niya nang may mga taong gustong tumulong sa kaniya. Pati si Noel ay pinahiram din siya ng pera.

“Thank you, Miss Jasmine.”

Niyakap siya ni Jaydon at tinapik ang likod niya. “Nandito lang kami para sa’yo, Ryma. Kasama mo kami.”

Nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata pero pinigilan niya iyon. Ayaw niyang maging mahina sa pagkakataong iyon. Walang kakapitan ang mga kapatid niya kapag naging mahina siya.

Sumunod namang yumakap sa kaniya si Alliah na medyo malaki na ang tiyan. “Ate, you’re strong. Magiging maayos din ang lahat.”

Nang mamaalam ang mga ito ay agad siyang umupo sa waiting area sa harap ng ICU. Na-comatose ang papa niya matapos ma-cardiac arrest. Kritikal ang kondisyon nito. Kung alam niya lang na ganoon ang mangyayari, sana ay hindi niya ito hinayaang harapin ang salarin.

Ilang sandali pa ay tumabi sa kaniya si Noel. Nakasuot pa ito ng lab gown. Inabutan siya nito ng kapeng nakalagay sa isang styrofoam na baso.

“Wala kang pasyente?” 

Agad itong umiling. “Kaya pa?”

Humarap siya rito at tipid na ngumiti. “Kaya pa.”

Sumandal ito sa sandalan at huminga nang malalim. “Where’s Jessie? Why you didn’t tell him?”

Napayuko siya. “Busy siya. Ayokong problemahin niya ang problema ko. Naintindihan ko na kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin noon kapag may problema siya. Ganito pala ang pakiramdam.”

“Anong pakiramdam?”

Napapikit siya. “Mas… masakit kung masasaktan siya… dahil sa akin.”

Ayaw niyang maawa si Jessie sa kaniya. Ayaw niyang mahati ang isipan nito sa pag-abot ng pangarap nito at sa mga pagsubok na dumating sa buhay niya. Marami pa itong sugat na hindi naghilom. Marami pa itong mabigat na dalahing hindi tuluyang nawala.

“Paano naman ang nararamdaman mo?” muling tanong ni Noel sa kaniya.

“Problema ko ’yon. Hindi na… dapat pang ibahagi sa kaniya.”

Muli itong tumayo. “Basta nandito lang ako para sa’yo. Huwag mong aangkinin ang lahat ng nararamdaman mo. Mas masasaktan ka kapag tuluyan kang sumabog.”


NASA isang park si Ryma kasama si Jessie. Dinala siya ng binata roon pagkatapos nilang mag-date. Pagkauwi agad nito mula Baguio, nag-aya agad itong lumabas sila. Agad naman siyang pumayag. Baka iyon ang kailangan niya. Kaunting pahinga sa lahat ng bagay kasama ang kasintahan niya.

“Jise, lakasan mo pa!” utos niya sa lalaki habang nakasakay sa swing na tinutulak nito.

Natawa ang binata. “Baka mahulog ka, Ry. Tama na ang ganitong lakas.”

Nginitian niya ito nang malawak. “Masarap kasi sa mukha ang hangin.”

Para silang mga bata nang gabing iyon pero wala siyang pakialam. Kung puwede nga lang bumalik sa pagiging bata, nagawa niya na. Wala pang komplikasyon ang buhay niya. Paglalaro lang ang iniisip niya noon. Paggawa lang ng paraan ang iniisip niya kung paano makatakas sa bahay nila dati.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon