KABANATA 20

66 2 0
                                    

KABANATA 20

Noong nasa isla si Ryma, hindi siya lumalabas kapag gabi. Hanggang doon lang siya sa may aplaya pero nang mapunta siya sa Maynila, lagi siyang umaalis. Kapag kailangan niyang huminga sa lahat, lumalayo siya. Kahit walang pakialam ang kaniyang ina, nagpapaalam pa rin siya para alam nito kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung may tiwala lang talaga ito sa kaniya o sadyang pabayang ina lang talaga ito. 

Mabuti na lang ay agad siyang pinayagan nang sabihin niyang may bibilhin lang siya. Hindi niya na sinabing kasama si Jessie para hindi na magtanong. Hindi sana siya nakapila ngayon sa counter ng convenient store dala ang mga gamot para sa sugat ng kaibigan niya. 

Tinanaw niya si Jessie na iniwan niya sa isang tabi at tahimik na nakaupo. Nakatanaw lang ito mula sa malaking salamin sa mga sasakyang dumadaan sa labas. Halatang-halata ang bigat ng dalahin nito.

Pagkatapos niyang magbayad, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa gawi ni Jessie. Hindi ito lumingon nang umupo siya sa tabi nito. Inilabas niya na lang sa plastic ang mga gamot.

"Jise, gagamutin ko iyang sugat mo. Pagkatapos nito, ibibili kita ng pagkain. Kumain ka na rine para kapag umuwi ka, ikaw ay busog na." Napangiti siya.

Mabuti na lang ay may ipon siya. Para sana iyon sa ibang gastusin niya sa school pero mababawi niya naman iyon kapag nagtrabaho siya ulit. Kulang pa nga ang mga ginastos niya sa dami ng ginawang panglilibre sa kaniya ni Jessie dati.

"Bumili na kaya ako? Ano ga ang iyong gusto? Wait—" Napalingon siya sa lalaki nang hawakan nito ang isa niyang kamay.

Tipid itong ngumiti at katulad ng palagi nitong ginagawa, idinantay nito ang gilid ng ulo sa balikat niya. "Sing for me."

"Hala naman! Gagamutin ko muna ang iyong sugat. Kumain ka rin."

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Please, Ry."

Huminga muna siya nang malalim at nagsimulang kumanta. Bigla na lang bumuhos ang ulan sa labas kaya natawa siya. "Naku, sign na yata are. Babagyo pa yata, kumanta lang ako."

"Don't mind it. Just continue."

Iyon nga ang ginawa niya.

Ramdam niya sa gilid ng mga mata niya ang pagtaas ng kamay ni Jessie para punasan ang sariling luha. Parang piniga ang puso niya. Akala niya ay sa kanilang dalawa, si Jessie ang malakas pero mukhang ito yata ang madaling sumuko. 

"Ayaw ko na. Umiiyak ka naman, e."

"Ry..."

Pinagsalikop niya ang mga daliri nila. "Ako'y kakanta na ulit." Napangiti siya. 

Ramdam niya ang pagyugyog ng mga balikat nito at ang pigil na paghikbi. "What did... you do to me?"

Magpatuloy siya sa pagkanta.

Suminghot si Jessie. "You're my hope."

Tumango siya. "Pagod ka na? Sasamahan kita. Pareho tayong magpahinga tapos sabay tayong bumangon ulit. Iyon ang ginagawa mo sa akin, 'di ga?"

"Gago... pinapaiyak mo ako lalo."

Natawa siya. Sa tingin niya, umayos na ang pakiramdam ni Jessie. Bumalik na ang binata. Ang laging napipikon at nagmumurang kaibigan niya.

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon