KABANATA 33

38 3 0
                                    

KABANATA 33

Makalipas ng tatlong taon…

Hindi mapigilan ni Ryma ang pagluha niya dahil sa valedictorian speech kanina ni Andy. Graduate na sina Leah at Andy sa Grade 6. Pati si Andrius ay graduate na rin ng senior high at hindi niya akalaing nagbunga ang lahat ng paghihirap niya. Nagtrabaho siya nang maayos sa call center para matustusan ang mga pangagailangan ng mga ito sa pag-aaral. Nagtiyaga at nagtipid siya para sa mga kapatid. 

Salamat na lang at nakilala niya si Miss Jasmine. Nakitaan siya nito ng potensiyal at ang akala niyang mga bagay na ipinagkait sa kaniya noon, hawak niya na ngayon. Binitiwan niya ang pagiging call center agent at pumasok sa libreng workshop nito tungkol sa fashion designing at managing habang nagtatrabaho siya rito.

Responsibilidad? Iyon ang tingin ni Ryma dati sa kaniyang ginagawa pero hindi niya nalaman agad na iyon pala ang mismong pangarap niya. Akala niya, wala siyang pangarap subalit nasa harap niya na pala. Unti-unti niya nang nakita ang lahat. Unti-unti niya nang nabigyang kasagutan ang lahat ng katanungan.

“Sige, kumain lang kayo. Marami kaming hinanda.” 

Hindi matanggal ang ngiti niya habang namimigay ng paper plate sa mga kaklase nina Andy at Leah. May ipon siya kaya nakapaghanda siya. Nakalipas na rin ang isang taon mula nang lumipat sila ng bahay. Laking-pasalamat niya kay Ate Rose noon dahil hindi ito nagsawa sa pagtulong sa kanila. Kahit dumating sila sa oras ng kagipitan, may handa pa rin tumulong sa kanila.

Ilang sandali pa ay ang mga kaklase naman ni Andrius ang dumating. Hindi na magkasya lahat sa loob kaya ang iba ay lumabas muna. Napapangiti siya kapag may bumabati sa mga kapatid niya at nag-aabot ng regalo. Makita pa lang masaya ang mga ito, parang tatalon na ang puso ko.

“Dapat hindi lang ang mga nag-graduate ang may tarpaulins. Dapat ikaw rin, Ate Ryma,” suhestiyon ni Adrian sa kaniya habang kumukuha ng palabok.

Tumaas ang mga kilay ni Ryma at natawa. “Puro ka kalokohan, Adrian. Kumain ka na lang.”

“Oo nga,” singit naman ni Andrius. Lumapit ito sa kaniya at inakbayan siya. Kahit mas matanda siya, mas matangkad ang binata sa kaniya. 

Hinampas niya ito nang isinubsob nito ang mukha niya sa kili-kili nito. “Bastos ka talaga!”

Natawa ang mga kaibigan ni Andrius dahil sa kalokohan ng kapatid niya.

“Alam ninyo ba ’tong si Ate? Idol ko ’to, e. Ginapang niya kami sa pag-aaral. Na-promote pa siya bilang assistant manager doon sa Jasmine. Iyong boutique na mamahalin ang mga damit.”

Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkamangha. “Talaga po? Wow! Karamihan sa designs ng Jasmine, ginagamit ng mga kilalang tao. Congratulations po!”

Nahihiyang nagpasalamat na lang si Ryma sa mga bisita. Mas mahalagang i-celebrate ang graduation ng mga kapatid niya kaya hindi niya na masyadong pinansin ang promotion niya. Ang laki ng binigay sa kaniyang oportunidad ni Miss Jasmine. Hindi siya nakapag-college pero ginawa pa rin siyang assistant manager at gagawin niya ang lahat para mas lalo pang matuto sa trabaho.

“Magpahinga ka na, Ate Ryma. Kami na ang bahala rito. May trabaho ka pa bukas.” Inagaw ni Andrius ang mga hugasin sa kaniya. 

Nakauwi na ang mga kaibigan ng mga kapatid niya kaya nagsimula na siyang magligpit. “Oo nga pala, anong kukunin mo sa college?” Natahimik si Andrius kaya napalingon siya rito. 

Hinimas ng binata ang batok at humarap sa kaniya. “Magtatrabaho na ako. Hindi na ako papasok sa college.”

“Ha?” Hinampas niya si Andrius sa braso. “Mag-college ka nga.”

Unlock to Love Again (Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon