. . . ⇢ 23 ˎˊ˗

246 14 15
                                    

nagdaan na ang mga araw at kung titingnan mo ang gang ay parang normal na ang bawat paglubog at pagsikat ng mga araw sa kanila after ng nangyari kila heeseung at julie.

pero akala mo lang 'yon.

pinipilit nilang umakto ng normal kahit gustong-gusto nila malaman kung anong nangyari kay julie noong nawala ito bigla. pero hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si julie at iniiwasan i-open ang about sa bagay na 'yon.

kahit si heeseung na nahihirapan matulog tuwing gabi kakaisip tungkol doon ay walang nagawa. nag-aalala siya, nangangamba para sa dalaga pero hindi na siya nangulit pa at hinihintay na lang na ito mismo ang magsabi sa kanila.

at ganun din ang iba, naghihintay na lang sila.

pero kahit papano naman ay kinakausap na sila ni julie at unti-unti na bumabalik ang dating sigla nito after ng mga nangyari.

"hey, pres- i mean jungwon kasi. aish, nasanay na 'ko."

napatingin si jungwon kay francine at hindi naiwasang matawa. "ano 'yon vp?"

sa sinagot ni jungwon ay natawa na rin si francine. "sheesshh. pero ayon nga, may nakita akong music studio doon!" excited nitong sambit.

"music studio? saan doon?"

"sa ground floor nitong hotel building na 'to."

napataas ang kilay ni jungwon. "paano ka nakarating sa ground floor?"

dahil doon ay napasimangot si francine. "edi ginamit ko ang mga paa ko, alangan namang nakarating ako ng ground floor habang lumilipad?" pamimilosopo nito.

napailing-iling na lang si jungwon at hindi na naiwasang pisilin sa ilong ang dalaga na ikina-aray nito. jungwon just chuckles and held her hand saka siya tumayo mula sa pagkakaupo. "fine, tara na. alam kong na-miss mo na ang pagkanta."

magmamaktol pa sana si francine pero hindi niya na nagawa pa nang pangunahan siya ng excitement dahil sa sinabi ni jungwon. agad siyang napabalikwas ng tayo at hinila si jungwon na tatawa-tawa lang palabas ng hotel room.

hindi rin nagtagal ay nakarating sila ng ground floor. agad na dinala ni francine si jungwon sa harap ng isang pintuan. bahagya pang nagulat ang binata nang makita niyang may hawak na susi si francine.

francine giggles. "yes, i already planned it."

napangiti lang si jungwon saka hinayaan ang sarili na magpadala sa paghila ni francine. nang makapasok sila ng tuluyan sa music studio ay agad naupo si francine sa harap ng computer at inayos na ang microphone saka isinuot ng headphone.

si jungwon naman ay pinagmamasdan ang ganda ng palagid, malaki ito at red ang theme ng studio. sobrang laki to the point na pati ang computer at studio monitors ay malalaki din. may piano din sa kanang bahagi at sa kabila naman ay drums.

"ahem, mic check. one, two, three, saranghae yang jungwon yieeeet, lol." pareho silang natawa sa sinabi ni francine.

napansin ni jungwon na medyo nahihirapan si francine sa pags-set up ng pop filter sa microphone at sa pagkakabit ng cables sa studio monitors kaya naman agad niya itong nilapitan para tulungan.

tumayo si jungwon sa likod ni francine at saka ito tinulungan sa pags-set up. hindi naman maiwasan ni francine ang makaramdam ng kilig dahil parang naka-back hug si jungwon sa kanya ngayon.

plus the fact na ang lapit nila sa isa't-isa at isinandal pa ni jungwon ang baba niya sa balikat ni francine to the point na nararamdaman na ng dalaga ang hininga ni jungwon na tumatama sa kanyang leeg.

juskodai, sinasabi ko sa inyo maaga talaga akong mamamatay.

natapos ang pags-set up at umayos na si francine para i-testing ang microphone, naupo siya sa studio chair habang si jungwon ay nasa likuran niya pa rin, nakatayo at pinapanood siya.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon